Chapter 25: Love

373 4 1
                                    





John's POV

"Where is she?" Tanong ko sa mga bespren niyang si Gale at Jaise. Andito na ako ngayon sa apartment nila.

"She's in her bed. Hindi pa siya kumakain simula kagabi." Sabi ni Jaise. Napatingin ako sa lamesa na puro pagkain na mukhang para kay Aga pero hindi ito nabawasan o nagalaw.

"Kahapon pa siya hindi lumalabas." Sabi ni Gale. "Kanina lang namin napanood."

Natahimik kami. Yung walang katotohanang balita. Yung tanginang balita.

Pagpasok ko sa kwarto nila agad ko siyang nakita dahil na rin sa kulay violet niyang mga gamit na nakatalukbong sa kanya.

Umupo ako sa kama niya. "Hey."

Nung marinig niya ang boses ko agad niyang inalis ang pagkakatalukbong niya at yumakap sakin. Natigilan ako. Hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako.

Naisip ko yung balita, yung gago niyang ex, at siya na nasasaktan. Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya. Ayokong nasasaktan siya ng ganito. Ayokong nakikita siyang nahihirapan... Mahal ko na nga talaga siya.

"Take me away... please." She whispered it to my ears and so I did.

Habang nasa kotse kami hindi siya nagsasalita. Tulala lang siya at nakatingin sa malayo. Kinakausap ko siya pero parang hindi niya ako naririnig. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin. Alam kong hindi ko siya pwedeng dalhin sa bahay ng mga kaibigan niya dahil gusto niya munang lumayo at naiintindihan lo yun. Alam ko rin na hindi ko siya dapat dalhin sa condo ko dahil kapitbahay ko lang yung gago niyang ex. Kaya ko siyang ipagtangol sa gagong yun. Pero mas pinili kong wag siyang mas masaktan at ilayo siya sa mga bagay na makakasakit sa kanya.

Pagtingin ko sa kanya nakapikit na siya. Mukhang nakatulog na. Kinuha ko yung jacket ko sa likod ng kotse at nilagay sa kanya.

"I know you're not like that." I caressed her face and smile. "I know you're not."

Bago ako tuluyang magmaneho ay nakareceive ako ng text sa bestfriend niyang si Jay na naglalaman ng address.

"That's her address in Bulacan. It's better if you two stay away from the metro for a while. Para hindi kayo pag usapan at gawan ng mapanirang balita." Dagdag niya pa.

He's right.

Habang natutulog si Aga ay nag punta ako sa grocery store at namili ng mga pagkain. Alam kong walang tao sa bahay nila sa Bulacan dahil na kwento niya na sakin noon na siya na lang ang andito so I assume na wala rin pagkain doon. Binilisan ko ang pamimili dahil iniwan ko siyang mag isa sa kotse although bukas naman ang aircon at tinted ang sasakyan ay ayoko lang magising siya ng wala ako sa tabi niya.

Pag labas ko ng parking alam kong may nakasunod na sa mga galaw ko. I know I'm a big model in New York and some people here in the Philippines know me pero alam ko rin na kasama ang pangalan ko sa listahan ng mga lalaking 'nilandi' o naging 'lalaki' niya. Agad kong pinasok ang mga pagkain sa kotse and act calm at pag pasok ko ng sasakyan sinadya kong hindi lakihan ang uwang ng pintuan para hindi makita si Aga. Dumaan na rin ako sa isang fast food drive thru kung sakaling magising siya.

Hanggang sa makarating kami sa Bulacan ay natutulog siya. And I'm aware na may sumusunod samin so I make sure na naligaw ko na bago ko puntahan ang exact address. Sa isang village sa Bulacan ang bahay nila. Malaki at maganda pero halata mong walang nakatira pero naalagaan.

Never Been Taken Där berättelser lever. Upptäck nu