Pikit

1.7K 46 2
                                    

-----

Umiiyak
ang mundo
habang tayo'y
natutulog,
hindi makarinig
tainga'y may takip
bibig at dila'y nakabusal
mata'y nakapikit
sa sakit
ng budhi, puso at kalamnan
sapagkat
di kayang tumitig
o makinig
o magalit
o manginig
o matakot
kaya't mas nais
ang mamanhid
at talikuran
ang kapasidad
na magpakatao
at lumuha
para sa inaapi,
pinapatay,
sinasalaula,
ng kapwa natin tao
ngunit hayop
sa pag-iisip
at pag-asta.

Pikit pa.
Tulog pa.
Baling pa sa iba.
Manahimik
kahit pinipitik.
Tumalikod
kahit kinakalabit.

Mabuhay.
Na tila patay.

At mamatay.
Nang ni hindi
nagkamalay. #


Art for Heartaches (Poems)Where stories live. Discover now