Chapter 37: Bro code

560K 16.1K 6.6K
                                    




Caleb's point of view

Ang alam ko lasing na ako pero hindi ako pwedeng magkamali sa mga nabasa ko. Ilang taon ko nang kilala si Skie at alam ko ang hand writting niya kaya alam ko na sulat niya ang nakalagay dito sa diary na hawak ko. Isa pa, konektadong konektado 'yong mga sinabi niya sakin dati sa mga nangyari dito sa diary. Pumunta siya ng Amerika one year ago para puntahan 'yong girlfriend niya at duon na siya naaksidente. Pagbalik niya dito, hindi na niya maalala pa ang lahat tungkol kay sa girlfriend niya. Maliban sa magkapareho sila ng pangalan, nung una pa lang napansin ko nang pareho sila ng ugali pero mas pinaniwalaan ko si Angel nang sabihin niya na hindi siya ang ex-girlfriend ni Skie. Naniwala ako sakanya.

Kaso sa mga nabasa ko, hindi ako pwedeng magkamali.

"Si Angel na ex-girlfriend mo at si Angel na girlfriend ko ay iisa?" Sunod kong tanong kay Skie. Tumayo ako papunta sakanya habang hawak hawak ko ang diary niya. "Sabihin mo sakin ang totoo, Skie."

Parang hindi pa niya alam kung anong isasagot niya sakin. "Oo, iisa lang sila."

Humigpit lalo ang pagkakahawak ko sa diary niya. "Kailan pa? Kailan mo pa nalaman ang tungkol dito? Bumalik na ba 'yong alaala mo?"

Umupo siya sa pagkakahiga niya. Halatang masakit pa 'yong ulo niya dahil sa ininom namin. "Bago pa maging kayo, nalaman ko na ang lahat. Hindi bumalik ang alaala ko, nalaman ko lang 'yon dahil nakita ko 'yong mga pictures namin ni Angel at dahil sa diary na 'yan."

Buti napigilan ko 'yong sarili kong sapakin si Skie.m dahil kung hindi kanina pa siya bumulagtagta sa sahig.

Hindi ko matanggap na naglihim siya sakin. Paano niya tinago ang lahat ng 'to? Hindi lang siya. Si Angel, naglihim siya sakin, nagsinungaling siya, niloko niya ako. Paano niya nagawang magalit sakin ng ganito kung siya din naman pala naglihim sakin?

"Alam ko galit ka sakin bro at maiintindihan ko kung susuntukin mo ako ngayon. Hindi dapat ako naglihim sayo pero natakot lang ako na magkaroon ng lamat 'yong pagkakaibigan natin dahil don. Alam kong may feelings ka na kay Angel at ayokong guluhin pa kung anong meron kayo at isa pa ayoko na din pag-usapan ang tungkol sa aming dalawa ni Angel. Tapos na naman kami ni Angel at wala na lang sakin 'yong mga nangyari samin dati. I'm sorry bro."

Huminga ako ng malalim. Wala namang mangyayari kung magpapadala ako sa galit ko. Pinilit kong intindihin si Skie. Sa lahat ng mga kaibigan ko, siya lang ang pinagkakatiwalaan ko ng sobra. Isa siya sa mga taong mahalaga sakin dahil para ko na din siyang kapatid. Alam ko mahalaga din ako sakanya at hindi siya ang taong ta-traydor sakin. "May balak ka bang sabihin sakin 'to?" Tanong ko.

"Balak ko nang sabihin sayo lahat kanina kaso dumating si Enzo. Bro, maniwala ka sakin sasabihin ko naman sayo 'yong tungkol don eh, hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin sayo ang lahat."

Hindi ako nagsalita. Kinakalma ko pa din 'yong sarili ko. Hindi ko maalis 'yong galit ko kay Skie. Galit kasi naglihim siya sakin. Galit kasi kahit papaano, sinira niya 'yong pagtitiwala ko sakanya.

"Alam mong may posibilidad na paalisin kita dito sa bahay kapag nalaman ko 'yan, 'di ba?"

"Alam ko pero ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat. You know that, right?" Yes, I know. "Kung papaalisin mo ako, okay lang. Naiintindihan naman kita, eh."

Yes I am mad at him right now but he's like a brother to me. Si Skie lang din naman 'yong nandyan para sakin sa tuwing mag-isa ako. Sa mga panahon na down na down ako. Hindi niya ako iniwan.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now