Chapter 37: Bro code

Start from the beginning
                                    

Tumayo siya at ngimisi siya sakin. "Alam mo na pala ang lahat. Mas maganda para tigilan mo na 'yong girlfriend ko."

"Damn you!" Lumapit ulit ako sakanya pero binawian niya ako ng suntok. Napahiga ako sa sahig tapos napahawak ako sa labi ko na dumudugo. "Anong girlfriend pinagsasabi mo ha! Ako ang boyfriend niya! Girlfriend ko siya!"

"Not anymore." Nakangisi pa din siya sakin. Tumayo ako para suntukin ulit siya pero nasuntok na naman niya ako kaya napahiga ulit ako sa sahig. Ang sakit na ng mukha ko. "Hindi mo ako kaya, Caleb."

"Hayop ka talaga!"

"Tapos na ang papel mo kay Angel. Okay na kami kaya hindi ka na niya kailangan. Kaya pwede ba? Tigilan mo na siya. Ayaw ka na niyang makita pa."

Pinilit ko pa din tumayo. "Shut up!" Pumunta ako sa gate nila Angel pero tinulak ako palayo ni Kiro. Medyo nanghihina na ako kaya napahiga na naman ako sa sahig. "Angel! Kausapin mo ako please!" Hindi ko na napigilan na umiyak. "Angel, sabihin mong hindi totoo lahat ng 'to.. Sabihin mong minahal mo din talaga ako."

"Hindi ka niya minahal. Just go, Caleb. Angel doesn't need you anymore. Go away."

Pinagsarahan ako ni Kiro ng gate. Wala na akong magawa dahil nanghihina na ako. Nawalan na lang din ako ng malay.

The next thing I know, nagising na lang ako sa kama ko. Anong nangyari?

"Dinala ka dito ni Skie kagabi." Sambit ni Yaya sakin. "Ano bang nangyari, Caleb? Puro ka sugat sa mukha tapos may black eye ka pa."

Hindi ko na pinansin pa 'yon. "Yaya where's Skie?"

"Umalis na siya. Dala dala niya 'yong mga gamit niya. Hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta."

What? Anong balak niyang gawin?

"Yaya, paki kuha na lang po ako ng gamot sa sakit ng ulo. Wag niyo na din pong sabihin kala Mommy 'yong tungkol dito. Mawawala din 'tong mga sugat ko."

"Sige, magpahinga ka na dyang bata ka."

Buong araw akong hindi makatayo. Ang sakit ng mukha ko pati ng katawan ko. Buong araw ko na din tinatawagan si Skie pero nakapatay 'yong phone niya. Nag aalala na ako sakanya. Nasan na ba 'yong lalaking 'yon?

Dalawang gabi na akong inom ng inom. Hindi ko pa din matanggap lahat ng nangyayari. Hindi ko matanggap na niloko nga ako ni Angel. Akala ko minahal niya talaga ako. Gusto kong paniwalaan 'yon pero sa mga nalaman ko, malinaw pa sa sikat ng araw na niloko lang talaga niya ako. Ang sakit. Ito na ba 'yong karma ko?

Nawalan na naman ako ng malay sa bar. Pag-gising ko nakita ko si Briana at nasa unit na kami. "Anong ginagawa mo dito?"

"Lasing na lasing ka na kaya dinala na kita sa unit mo. Caleb, I'm just here to help you." Lumapit siya sakin. "Alam kong nasasaktan ka ngayon dahil kay Angel. Just forget about her, I'll help you."

"No, stay away from me." Tinulak ko siya palayo. Sinubukan kong tumayo pero masakit pa din ang ulo ko. Gabi pa din at wala pa din akong tulog.

"Caleb, alam na namin ang totoo. Niloko ka lang ni Angel. Nakita namin nila Anya si Angel at Kiro na magkahalikan sa labas ng bar kagabi. Wala ka ng malay kaya hindi mo na 'yon nakita. Caleb, she doesn't deserve you. Just forget about her."

"Hindi totoo yan." Sambit ko pero may pinakita saking picture si Briana. Si Kiro 'yon na may kahalikang babae hindi kita 'yong mukha niya dahil nakatalikod siya pero nakita ko na 'yong damit na 'yon. Sinuot na 'yon dati ni.. Angel. "How can she do this to me?"

"Caleb, kalimutan mo na lang siya. Niloloko lang niya." Lumapit ulit sakin si Briana. "Hindi ka naman ganyan, eh. Remember, ikaw si Caleb Maniego at hindi ka basta basta nagpapatalo kahit kanino." Lumapit pa lalo sakin si Brina. "Let me help you ease your pain.. forget about that girl."

Hinalikan niya ako pero hindi ako pumalag. Tama sila, niloloko lang ako ni Angel at kailangan ko na siyang kalimutan. Hindi niya naman talaga ako minahal, eh. She never did.

Kailangan kong ibalik 'yong dating ako. 'Yong dating Caleb na hindi marunong umiyak at masaktan. 'Yong Caleb na walang ibang alam kung hindi maglaro at magpakasaya.

I need to go back to the old me. The old Caleb Maniego.

--

Skie's point of view

Ilang linggo na 'yong nakakalipas. Hindi pa ako pumapasok sa school at hindi pa ako nagpaparamdam o nagpapakita kahit kanino, kahit kay Anya. Isang linggo na din nakapatay 'yong phone ko.

Gusto ko lang mapag-isa at gusto ko din matuto kung paano mabuhay na mag-isa.

Umalis ako sa bahay nila Caleb dahil nahihiya na ako sakanya tska gusto ko na din tumayo sa sarili ko. Tinapon ko na din lahat ng credit cards na meron ako at nag settle na lang ako sa naipon kong pera.

Naghanap ako ng studio type na apartment, sa lugar na malayo sa lahat. Nag apply din akong staff sa isang grocery store. Sakto na 'yong sahod ko dito para sa upa sa apartment tska para sa panggastos ko. Kailangan ko na lang sigurong maghanap pa ng isa pang part time job. 'Yong tuition ko naman sagot ng school dahil varsity player ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapapanindigan 'to o kung saan ako dadalhin nito pero gusto ko pa din subukan.

Next week na lang ako papasok sa school. Nagpaalam na naman ako sa professors ko.

"Miss! Nalaglag 'yong gatas!" Sigaw ko.

Hinabol ko 'yong babae na nakaiwan ng milk bottle. Paglingon niya nahulog ko 'yong bote na hawak ko. Literal akong napanganga sa nakita ko. Tama ba talaga ako ng nakikita?

"Angel?"

Ibang iba na siya. Maikli na 'yong buhok niya at blonde na siya. Ibang iba na din 'yong datinh niya.

Ngumisi siya sakin.

"It's Beatrix, not Angel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"It's Beatrix, not Angel."

-

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now