Chapter 37: Bro code

Start from the beginning
                                    

"Do you feel anything for Angel?" I asked. Alam kong hindi pa din bumabalik ang memories niya pero the fact na nabasa niya 'tong diary, some part him can remember how he loved Angel before. "Skie, sabihin mo sakin ang totoo. Nung nalaman mo bang ex-girlfriend mo si Angel, may naramdaman ka ba ulit para sakanya?"

"Bro, alam mo naman na si Anya lang 'yong mahal ko."

Not the answer I'm looking for.

"Yes or no, Skie."

Hindi agad siya nakasagot. Is it a yes? "No, I don't love her anymore."

I smiled. Well, that's all I need. "As long as you feel that way, we'll not going to have any problem, Skie. You can stay here as long as you want."

Umalis agad ako sa kwarto niya. Kailangan ko pang uminom. Kailangan kong alisin 'yong galit na nararamdaman ko ngayon. Ayokong magalit kay Skie at kay Angel. Pareho silang mahalaga sakin.

Nakaubos ulit ako ng isang case ng beer.

Sa tuwing tumitingin ako sa langit, si Angel lang ang nakikita ko. Mahal na mahal ko siya na pakiramdam ko sasabog na 'yong puso ko dahil sa pagmamahal ko sakanya.

Iniintindi ko ngayon kung bakit siya naglihim sakin. Pareho ba sila ng reason ni Skie? Dahil ayaw niya akong masaktan? Sana ganon nga. Sana din mapatawad niya na din ako. Sana kausapin na niya ako kasi pakiramdam ko mababaliw na ako kakaisip sakanya. Kaya ko naman kalimutan lahat ng nangyari para sakanya, eh. Kaya ko silang patawarin ni Skie sa paglilihim nila sakin basta bumalik lang siya sakin. Mahal na mahal ko siya, eh.

"Caleb," lumingon ako at nakita ko si Skie. "May isang bagay ka pang hindi nalalaman tungkol kay Angel." May inabot siya sakin na tatlong papel na kung hindi ako nagkakamali, papel pa din 'to ng diary niya.

Inabot ko 'yon at binasa ko 'yon.

Ang hirap i-proseso sa utak ko lahat ng mga nakikita ko ngayon. Totoo ba lahat ng 'to? Magagawa ba talaga 'to ni Angel? Hindi ako makapaniwala. Ang hirap tanggapin.

"Naalala ko na 'yong pangyayari na yan. Simula nang makita ko silang dalawa sa unit ni Kiro hanggang sa makipaghiwalay ako kay Angel." Nilagay ni Skie 'yong kamay niya sa balikat ko. "Bro alam kong mahal mo si Angel pero kailangan mong malaman ang totoo, niloloko ka lang niya. Hanggang ngayon, sila pa din ng kapatid ko. Niloko niya tayong dalawa."

"Hindi 'yon magagawa ni Angel."

"Nagawa na niya, bro. Kitang kita ko sa phone ni Kiro 'yong mga pictures nila ni Angel habang magkahalikan sila, 'yong mga text message nila sa isa't isa. Kinausap ko na din si Kiro at sinabi niya sakin ang totoo, na sila pa din ni Angel hanggang ngayon. Ginawa ka lang panakip butas ni Angel nang panahon na nag aaway sila ng kapatid ko. Ayokong magaya ka sakin. Wag kang magpaloko sakanila."

Inalis ko 'yong kamay ni Skie sa balikat ko pagkatapos sumakay ako sa kotse ko. Kailangan kong makausap si Angel. Kailangan niyang sabihin sakin ang totoo. Gusto kong sa bibig mismo niya manggaling ang lahat.

Nag drive ako papunta sa bahay nila. Wala akong pakialam kung mabangga pa ako o hindi. Kailangan kong makausap si Angel kahit pa ilang beses na niya akong pinagtabuyan.

"Angel!" Sigaw ko habang nasa tapat ako ng bahay niya. "Angel lumabas ka dyan! Mag usap tayo!"

May nagbukas ng pintuan at akala ko si Angel na 'yon pero hindi. Mas lalong nag init 'yong ulo ko nang makita ko si Kiro.

"What are you doing here?"

Hindi ko siya sinagot, sinuntok ko na agad siya. Matagal ko nang gustong gawin 'to sakanya. Bagay lang sakanya 'yan. Hayop siya. "Traydor ka! Pati kapatid mo tinalo mong gago ka! How dare you?!"

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now