- 17 -

605 27 4
                                    





Pabalik-balik ang tingin ni Camille mula sa canvas at sa labas ng bintana. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili sa pagpipinta magmula nang mapanood ang broadcast kagabi. Hindi pa rin siya makapaniwala. Patay na si Henrieta. Pero... Si Lax? Hindi siya mamamatay-tao.

Ngunit tao ba ang kanyang pinatay?

Isang Sinumpa ang kanyang pinatay. Tao ba silang maituturing? Ngunit ang halimaw na iyon-- si Henrieta-- siya ang halimaw na nagligtas ng buhay ko. Hindi ba dapat pinatay niya ako at ginamit upang pagkain imbis na buhayin? Bakit?

Kung hindi sila tao... At hindi rin sila halimaw, ano sila?

Isang magulong kombinasyon ng itim, dilaw at kahel ang nasa canvas sa harap niya. Ngayon, isusunod ni Lax si Iris at si Naven. At kung hindi man, si Ninette at si Astrid-- dalawang taong alam niyang mahalaga para sa matalik niyang kaibigan. Binaba niya ang pinsel at naghilod ng ulo. Kailangan niyang makita ang kaibigan. Nais niyang malaman na ligtas siya.

Nakarinig siya ng lagitik sa pintuan.

Agad siyang tumayo, halos malaglag ang palette sa kanyang hita at nakita ang maputlang mukha ng dalawa niyang kaibigan. Andito na sila.



───────⊹⊱✙⊰⊹───────



Hindi mapakaling naglakad-lakad si Naven sa tapat ng bintana. Balot ang hangin ng katahimikan at kaba. Kagat naman ni Iris ang mga kuko habang hinahagod ni Camille ang kanyang likod. Ang Venaian ang unang nagsalita. "Ano nang gagawin natin?"

"Kailangan natin maitakas si Ninette at si Ina," sagot ni Iris ngunit may pag-aalangan sa kanyang boses.

"Pero hindi tayo pwedeng sumugod na lang doon. Baka mapatay nila tayo bago natin sila mailigtas," kalmadong sabi ni Naven.

Nagdikit ang kilay ni Iris. "Wala na tayong oras!" Tumulo ang mga luha niya. "Kada segundo natin dito ay nalalapit sa kanilang kapahamakan."

Kalmado ang boses ni Camille. "Ngunit tama siya, Iris. Hindi kayo dapat basta-basta na lang sumugod doon. Kailangan niyo ng plano."

"Anong plano?" hamon ni Iris. Naging marahas ang kanyang tono, na hindi niya sinasadya, kaya umusal siya ng paumanhin sa kaibigan saka hinilod ang ulo. "Hindi ko din alam ang gagawin."

Lumapit si Camille sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok. "Makinig ka. Hindi sila mapapahamak." Sinubukan niyang ngumiti nang magtama ang kanilang mata. "Naniniwala akong hindi papayagan ni Lax na mapahamak ang pamilya mo."

Umasim ang lalamunan ni Iris sa pagbanggit ng pangalan nito. "Pero siya ang may utos nito! Siya na mismo ang nag-anunsyo na papatayin niya ang pamilya ko kapag hindi kami sumuko."

Hindi ba't yun din ang orihinal na plano nila noon? Ang patayin ang lahat ng Sinumpa? isip ni Iris.

Kumunot ang noo ni Naven. 

Paraisla II: KalahatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon