- xv -

499 25 2
                                    





"Anong ginagawa niyo?!" sigaw ni Ninette habang kinakaldkad siya papasok ng palasyo. Tahimik na umaga nang bigla siyang damputin ng mga kawal mula sa kanilang mansyon sa Rena.

"Ano bang dahilan kung bakit niyo ko dinala dito?!" sigaw niya.

Kalmado ang mukha ng punong-kawal. "Ikaw at ang iyong ina ay inaaresto ng palasyo sa pagtatago ng isang Sinumpa."

Kumunot ang noo ni Ninette. "Anong ibig niyong sabihin?" Naisip niya agad si Iris. "Wala kaming... Wala kaming tinatagong Sinumpa!"

"Kung ganon, maaari niyo bang sabihin sa'min na hindi niyo siya kaanu-ano?" tanong ng lalaki at nagtaas ng isang litrato ng babaeng may kahel na buhok, duguan ang bibig at may isang nakakakilabot na ngiti sa labi. 

Nanlaki ang mga mata ni Ninette.

Iyan ay kuha sa...Luna. Noong napahamak ako at nakapatay si Ate. Pero paano nalaman ng palasyo na—

"Kapatid mo siya, hindi ba?" 

Ngumisi ang kawal nang hindi makasagot si Ninette.

"Dalhin na siya sa selda."



───────⊹⊱✙⊰⊹───────



Sumaludo ang isang kawal kay Val na nakatayo lamang sa gitna ng damuhan at mga dilaw na bulaklak sa burol ng Rena.

"Kamusta?" tanong niya.

"Kumpirmado po," balita ng kawal. "Walang laman na kahit ano ang libingan ni Binibining Iris."

Tumango si Val at umalis ang kawal, saka niya itinaas ang kanyang kamay upang tingnan ang litrato ng dalaga—iyong kuha sa Luna. Gusto niyang matawa. Paano sa mundong ito nagkaroon ng birong ganito? Ang dalagang si Iris ay isang Sinumpa. At ang mas nakakatawa pa, itinago ito ni Astrid.

"Sinungaling kayo," pagngiti niya. "Isa kayong pamilya ng mga Sinumpa."

Nagsimula ang mababang tawa mula sa kanyang lalamunan hanggang sa lumakas ito at umalingawngaw sa burol.

"Pero nais ko pa din kayong tikman isa-isa."


───────⊹⊱✙⊰⊹───────

───────⊹⊱✙⊰⊹───────

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Paraisla II: KalahatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon