- 12 -

654 30 8
                                    




"Ikaw si Iris, hindi ba?"

Bumilis ang pulso ni Naven habang nasa harap na niya ngayon ang babaeng inakala niyang patay na. Tumulo ang mga luha niya.

Ngunit hindi niya maintindihan ang aura na pumapaligid kay Iris. Gumuhit ang maala-demonyong ngiti sa labi ng babae.

"Sa wakas, nagkita rin tayo," sabi ni Danae.

Nag-iba ng anggulo ang babae kaya't naliwanagan ang kabila niyang mata. Nanlaki ang mga mata ni Naven nang makita itong pula—iba sa kaliwa na lila.

Dinilaan ni Danae ang mga daliri.

"Ngayon, mapapatay na kita."

Kumunot ang noo ni Naven.

Inilabas ni Danae ang mga matutulis na daliri at lumabas ang mga ugat sa kanyang leeg at pisngi. Napaatras si Naven ng isang hakbang sa gulat at di pagkapaniwala. Paano siya nagkaroon nito?

Inangat ni Danae ang kamay sa ere at sumugod sa lalaki.

"Iris—"

Ngunit sa kalagitnaan ay bigla na lang nawalan ng malay si Danae. Saka siya sinalo ni Naven. "Iris?" Kumalas si Naven at nakita niyang ayaw gumising ng babae. "Iris!"



───────⊹⊱✙⊰⊹───────



Nagliwanag ang mukha ni Rowan nang makita ang sasakyan na pumarada. Alam niyang nandito na si Ninette kasama ni Haki. Nakahinga siya nang maluwag nang malamang ayos lang ang lagay ng dalaga. Nang bumukas ang pintuan, unang bumaba si Hak saka nito inalalayan si Ninette palabas sa kotse.

"Maraming salamat, Haki," taimtim na bati ni Astrid sa knight.

Tumango ang third class knight sa ginang at umalis upang bigyan sila ng sandaling makapag-usap. Nanatili si Rowan sa likod ng mag-ina.

Madaling araw pa lamang ngunit nakikita na ng binata ang lungkot sa mga mata ni Ninette. Nais na lang niyang balutin ito sa kanyang yakap.

Humakbang si Astrid palapit sa dalaga at hindi inaasahan ng binata ang nangyari.

"Suwail ka!" sigaw nito pagkatapos sampalin ang pisngi ni Ninette.

Lumuha si Ninette habang hawak ang pisngi, bagamat inaasahan na ito.

"Hindi ba't pinag-usapan na natin 'to?! Akala ko ba parehas lang ang nais natin na protektahan ang ate mo?! Ano bang pumasok sa isip mo at tumakas kayo, ha? Alam mo naman ang sitwasyon, diba? Bakit ang tigas ng ulo mo?!"

Hindi makaimik ang dalaga.

"Kung nakinig ka lang sa'kin, hindi mangyayari ang lahat ng 'to!" nanginginig ang mga kamay ni Astrid at parehas na silang lumuluha. "Ngayon, nasaan ang kapatid mo?! NASAAN?! Kagagawan mo 'to! Nang dahil sa'yo, nawala siya sa'tin!"

Paraisla II: KalahatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon