Prologue

177K 3.1K 631
                                    


Prologue

Madami.

Napakaraming nangyari sa buhay ko magmula ng isinilang ako sa mundong kinabubuhayan ko ngayon.

Sari-sari't emosyon ang narandaman ko sa bawat pangyayaring naganap.

Masaya. Malungkot. Masakit. Nakakainis. Nakakagalit. Nakakasorpresa.

Sa sobrang dami ay hindi ko man lang magawang maipaliwanag ang lahat. Pero lahat ng iyon ay narandaman ko nang dahil sa tinatawag nating pagmamahal.

Pagmamahal sa magulang. Pagmamahal sa mga kaibigan. At syempre, ang pagmamahal sa taong nagpapatibok sa'yong puso. Yung taong makita mo lang, abot-abot na sa langit ang sayang nararamdaman mo. Yung makausap mo'y parang nakakagawa ka ng kanta sa isipan mo. Yung mahawakan mo lang ay mararamdaman mo na ang kuryenteng dumadaloy sa pagitan nyong dalawa. Yung taong pinapangarap mong makasama habang buhay.

Bata palang ako'y iniwan na ako ng Tatay ko sa piling ng aking Nanay. Naghirap si Nanay na maitaguyod ako sa pag-aaral hanggang sa ika-unang taon ko ng kolehiyo. Nung namatay sya, pakiramdam ko'y namatay na rin ang mundo ko. Pakiramdam ko'y ako nalang ang mag-isa.

Nagka-away pa kami ng matalik kong kaibigan na parang magkapatid na ang turingan naming dalawa nang dahil sa isang lalaki. Ang lalaking nagawa kong magustuhan dahil sa kanyang ipinakitang pagsisikap at pagmamahal ngunit sakit lang ang isinukli ko sa kanya.

Yung bigla akong nahanap ng pinsan ko at ang kapatid ng Tatay ko. Nang malaman kong buhay ang Tatay ko, panandaliang tumigil ang utak ko sa pag-iisip sa pagkakaalam na posibleng makita ko sya ulit. Napakaraming tanong na gusto kong itanong sa kanya na sinagot naman.

Sa lahat ng mga nangyaring 'yon, nagpapasalamat akong nandyan lang sya para sa aking tabi. Yung sinuportahan ako't pinasaya sa mga panahong kailangan ko. Yung nagbigay sa akin ng rason kung bakit minamahal ko ng lubos ang buhay ko. Kung bakit gusto ko pang mabuhay ng mas matagal dahil kasama ko sya. Nagkasakitan kaming dalawa. Sobrang sakit ang naibigay namin sa isa't-isa. Nagkahiwalay kami at kung anu-ano pa. Pero nagawa pa rin naming maibalik ang lahat ng mayroon kami.

Vini Talavera Sarmiento.

Si Vini.. sya 'yong lalaking magaling sumayaw, pogi, matalino at mayaman na sinasabi nila. Pero para sakin, sino nga ba si Vini?

Para sakin.. siya yung lalaking nagpapasaya sa akin. Siya yung lalaking nagpapaiyak din sa akin. Siya yung lalaking naghintay sa akin. Siya yung lalaking hindi sumuko sa akin. Siya yung lalaking hindi perpekto. Siya yung lalaking maraming pagkakamali. Siya yung lalaking mahal ako. Siya yung lalaking mahal ko. Siya yung lalaking gusto kong makasama habang buhay.

At syempre.. siya 'yung lalaking naghihintay ngayon sa harap ng altar sa aking pagdating.

Mahigpit ang kapit ko sa braso ni Tatay habang naglalakad papalapit sa kanya. Pakiramdam ko'y bibigay ang tuhod ko sa sobrang kaba. Ganito pala ang pakiramdam kapag naglalakad ka na papunta sa lalaking mahal mo upang magsumpaan. Nangingibabaw ang saya na pakiramdam pero nandoon pa rin yung kabang nararamdaman.

Ngunit ng ngumiti sya sa akin ay awtomatikong nawala lahat ng kabang nararamdaman ko't ang tanging nasa isip ko nalang ay sya at ang maikasal sa kanya.

Napangiti rin ako't mabilis na kumawala sa aking mga mata ang luha. Naiiyak ako sa sobrang saya at pagmamahal na nararamdaman ko. Parang gusto ko ng tumakbo papalapit sa kanya at yakapin sya ng mahigpit dahil sobrang bagal ng aming paglalakad. Gusto ko ng masabi sa kanya na mahal na mahal ko sya't handa akong ialay ang buong buhay ko sa kanya.

Binilisan ko ng kaunti ang aking paghakbang at naramdaman ko namang nasindak si Tatay sa aking ginawa't bahagya akong pinipigilan sa pagmamadali.

Nang makalapit kami'y ilang segundo kaming nagkatitigan ni Vini ngunit tumakip si Tatay sa aking harapan upang makipagkamay kay Vini at kay Tito Sean.

Dance ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon