CHAPTER SEVEN/LAST CHAPTER ✔️

53 3 0
                                    


'Jen's POV'


"ENOUGH! Ayoko ng marinig pa ang sasabihin mo! Ayoko nang maniwala pa sa nararamdaman mo! At pwede ba?! Wag mong iparamdam sakin na espesyal ako kahit hindi naman talaga! Niloloko mo na nga ang sarili mo, dinadamay mo pa ako!"


Papunta ako sa washroom ng marinig ko ang sigaw mula sa isang pamilyar na boses. Medyo madami kasing tao ngayon dito sa hallway kaya hindi ko malaman kung sino yung sumigaw at kung anong pinagkakaguluhan nila ngayon. (_ )

Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad at sumingit sa mga taong nagkukumpulan dito sa hallway. Mga usisero't usisera siguro ang mga ito. Tsk! (Like meeee! (ᵔᴥᵔ) )

"Excuse me. Dadaan po ang DYOSA! Excuse m------"

Napatigil ako at nagulat ng makitang sina Joseph at Aryanie pala ang dahilan kung bakit madaming tao ngayon dito. Paano ba naman kasi gumagawa ng eksena itong dalawa ngayon.

"Teka lang kasi Yanie! Patapusin mo muna kasi ako. Hayaan mo muna ako magexplain pwede ba? Pero bago ko gawin yun, paano ka ba napunta sa lugar na yun? Sinundan mo ba ako?" pagpapaliwanag ni Joaseph kay Aryanie.

Woah! What's happening? Bakit na naman nag-aaway ang dalawang ito? Uwaaaaaa! Gusto ko sanang pumagitna sa kanilang dalawa kaso ang hirap naman umeksena ngayon dito. Hindi ko naman kasi alam kung anong nangyari. Buti na lang madaming tao dito at hindi pa ako nakikita ng dalawa.

"At bakit naman kita susundan? Ano ka chix? Pwe!" galit na galit na sabi ni Aryanie.

Halaaa! Mukhang may kasalanan na naman ata itong si Joseph at lumalabas ang pagka-monster ni Aryanie. Nako nako! (0 )

"Pwede ba tigilan mo na ako?! Tigilan na natin ang mga kalokohang ito! Hindi na tayo mga bata pa para maglaro! ISANG MALAKING KALOKOHAN LANG NAMAN ANG PAGDATING MO SA BUHAY KO! Kaya please lang! 'Wag ka ng MAGPAPAKITA sakin! 'Wag mo na akong KAKAUSAPIN! Or rather, UMALIS ka na sa buhay ko!!!"

OMGGGG!!!
Bakit ang hard mo sis? Ajuju! Kawawa naman si fafa Joseph. Ano na naman ba kasing ginawa ng lalaking ito at nag-aalburuto ng ganito ang babaeng ito? Tsktsk!

Halatang nagulat siya sa mga sinabi ni Aryanie. Tinalikuran na siya kaya nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha.

Ang cold tignan. Pero kita ko yung lungkot sa mukha nya. Huhu! Yanie naman e! (ಥ﹏ಥ)

"Fine! If that's what you want at kung ayaw mo talagang pakinggan ang mga paliwanag ko, then I'll do it! But before I go, I just want you to know that..." nakatungo si Joseph habang sinasabi 'yon pero nakatalikod pa din si Aryanie.

Nakikita ko at nafi-feel ko talaga sa kanya ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso ah. Pero nakikita ko din naman sa mga reaksyon ni Aryanie na hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon. Na parang nagi-guilty siya sa mga sinabi niya.

"I just want you to know that...EVERYTHING in my life CHANGED when I MET YOU. Totoo lahat ng mga sinabi ko. Lahat ng pinakita ko. Ganun kita kamahal. Sa sobrang pagmamahal ko sayo, kakayanin kong GAWIN LAHAT, para lang SAYO. LAHAT! Kahit alam kong MASAKIT!" pagpapatuloy ni Joseph.

"W-Whatever! Kahit kelan, hinding hindi na ako maniniwala pa sa mga sasabihin mo! Kaya kung ako sayo, huwag mo nang guluhin pa ang buhay ko. Dahil ayoko nang MAALALA pang may NAKILALA akong isang TULAD mo!!!" sagot ni Aryanie at nagsimula na siyang maglakad.

Tuluyan na niyang iniwang nag-iisa si Joseph sa harap ng madaming tao.

I felt bad for Joseph. Ganun ba talaga kalaki ang kasalanan niya para pagsalitaan siya ng ganito ni Aryanie? Aish! Gusto ko siyang puntahan at i-comfort, pero mukhang yung isang luka luka muna ang kailangan kong kausapin. Itetext ko na lang si Roy para siya na ang bahalang kumausap dine kay Joseph. Tsk! Tinotopak na naman ata kasi si Aryanie. Nakakastress ang dalawang ito ha. Hmp!

Doorbell [Short Story] [FINISHED]Where stories live. Discover now