CHAPTER TWO ✔️

111 6 0
                                    


'Joseph's POV'

"What's up dude?"

Bungad ng kaibigan kong si Roy Stewart pagkabukas ko ng pinto.

"Ano bang meron at pinapunta mo kami dito sa inyo?"

Dumiretso na agad siya sa sala at namahinga sa sofa ko. Psh! Feel at home na naman. Palibhasa kasi kami lang ni manang ang nandito ngayon sa bahay.

"Nothing much. It's not a big deal, actually."

Sinara ko na yung pinto at pumunta na din sa sala.

"Anyway, where's Ivan? Tinext ko din yun e. Tsk! Late na naman ang mokong na yun." dagdag ko pagkaupo.

"What's new? Lagi naman e. Psh! Pero baka on the way na yun. Nagtext naman sakin kanina na nagbibihis na siya. Baka may dinaanan lang."

Kinuha niya yung remote at binuksan yung tv sa harapan namin.

"Ano ba kasi yung itatanong or ike-kwento mo samin? It seems like it's a BIG deal ha!"

"Psh! No it's NOT! It's just about some crazy bit*h, who annoyed me yesterday!"

Tumayo ako at pumunta sa kitchen. Kumuha ako ng isang beer sa fridge namin.

"Ugh! That bit*h is dead when I see her again!!" ani ko.

"Woah! Sounds interesting!"

Sumunod siya sakin sa kitchen at kumuha din ng beer sa fridge.

"Anong klaseng pambibwisit naman ang ginawa ng babaeng yun sayo at mukhang interesado ka sa kanya?" dagdag pa niya habang binubuksan ang beer na hawak niya.

"Well, pinaglaruan lang naman niya ang doorbell namin na parang wala ng bukas. How pathetic, right?" sagot ko at umupo ako sa isang upuan dito sa kusina. "Daig pa niya ang bata para gawin yun. She's so immature! Ang sarap pa naman ng tulog ko no'n."


Sa lahat ng hindi nakakaalam, we're already in the right age para uminom. We're already fourth year college kaya alam na namin ang ginagawa namin. At isa pa, wala din naman dito ang parents ko kasi nasa states sila for our family business.

We own a Car company abroad and yung mga parents nina Roy and Ivan are business partners ng parents ko kasi magkakaibigan na sila since their school days. Kaya close na close kaming tatlo kasi magkababata din kami and parang magkakapatid na ang turingan namin sa isa't isa.


"HELLYEAH! I'M HERE MEN! WHAT'S UP?!" sigaw ng isang siraulo sa labas.

Sabay kami napatingin ni Roy sa direksyon nung sumigaw. Sino pa nga ba? Malamang si Ivan yun.

"HELLOOOOOOO!" dagdag pa niya.

Napaka kulet talaga. Siya ang pinaka makulet, masalaw at madaldal saming tatlo. Minsan nga nakakatakot na yang sabihan ng sikreto e. Pano kasi kapag makikipagkwentuhan yan sa ibang tao, parang pati mga sikreto namin ikekwento niya.

(︶︿︶)

"Ulul! Pumasok kana nga dito! Ang ingay mo! Bukas yang pinto, wag kang tamad! Andito kami sa kusina!" sigaw ko sa kanya.

Napailing na lang ako pagkasigaw ko sabay inom sa hawak kong beer.

Ewan ko nga ba kung pano namin 'yun natatagalan ni Roy e. May pagka immature din kasi.

Bumukas ang pinto at nakita namin siyang pumasok ng bahay. Dumiretso na din siya dito sa kusina para maki-join samin.

"Ang tamad mo po! Tsk! Hindi mo man lang pinagbubuksan ng pinto ang mga bisita mo! How dare you? Psh!" hinablot niya sakin ang hawak kong beer.

Doorbell [Short Story] [FINISHED]Where stories live. Discover now