If I Fall by Shirleng Tearjerky

355 3 13
                                    

Kung gusto mo ng story na reality ang makikita, tama ang binabasa mong story. If I Fall by Shirleng Tearjerky.

Ang ganda lang talaga neto. Oo medyo mahaba siya compared sa ibang stories, pero naging strength yun ng story na to. Dahil nga slow paced yung flow ng story, mas naging makatotohanan, mas nakita yung character development, mas maganda yung na establish na samahan ng bawat character.

Kahit mahaba siya, hindi kelanman naging boring. Dahil bawat chapter, panalo yung laman. Kung hindi ka mapapatawa, kikiligin ka or mapapaisip. Ganun ka fulfilling ang bawat chapter.

Ang mga characters naman ay masasabi kong.... extraordinary. Sila mismo yung nagpaganda sa story na to. Iba iba kasi sila which is interesting kasi kalimitan nagcla- clash yung tropa na ganun. But ang Sassa, friends forever. Si Barbara, Rocky, Wes, Viv,Ches, at Janine. Nakita ko sa kanila yung true friendship. Kahit nagsisigawan, nag aasaran, nagsasagutan, at the end of the day sila parin yung nagtutulungan.

At ang astig nilang lahaaaaat. Si Barbs na BatCom, Wes na SC pres, Rocky na Music Club pres, Viv na club president din (Nakalimutan ko lang kung ano) at si Chester na member ng music club, varsity at matalino din. San ka pa diba?

Ang dami ding pwedeng matutunan. Mula sa mga kakaibang words, books na magandang basahin, rock bands, anime\/ mangga, kalimitan mga life lessons.

Basta ang masasabi ko lang, worth reading talaga to. Kahit dalawang araw kong binasa to, nasabi ko sa sarili ko pagkatapos "Buti na lang talaga may nagsabi na tapusin ko to. Buti na lang talaga nabasa ko to. Dahil kung hindi, hindi buo ang pagiging wattpader ko." :-)

Kaya Ate Shirleng Tearjerky, thank you po sa pagshe share niyo ng story samin. Sobra sobra po talaga akong naapektuhan ng If I Fall. In a good way. :-)

*****

Ulitin ko ule. Worth reading.

Stories inside my HEARTWhere stories live. Discover now