Chapter 34: Last chance (Part 2)

481K 16.9K 5.5K
                                    


Angel's point of view

Pinapasok niya ako sa condo niya. Malaki na 'yong pinagbago unit niya, magulo na at makalat. Hindi ko tuloy maiwasan na maisip 'yong mga memories na meron kami dito. All of a sudden gusto kong umiyak pero pinigilan ko 'yong sarili ko. Hindi ako pwedeng umiyak sa harapan niya, ayoko na.

"Upo ka," pinaupo niya ako sa sofa katapat ng inuupuan niya. Umupo ako at pinagmasdan ko siya. May kakaiba talaga sakanya. Ang cold niya at mukhang hindi pa siya komportable na nandito ako. "Anong pag-uusapan natin?" 'Yan agad 'yong bungad niya sakin. Hindi ko inaasahan 'yong ganitong treatment galing sakanya pero pagkatapos nang nangyari, ano pa bang aasahan ko?

May mga luha na naman na gustong tumulo galing sa mata ko. Sinara ko ang kamay ko para pigilan ang sarili ko. You can't cry now Angel, not now.

"Gusto kong mag fair sayo." Wala man lang pagbabago sa expression ni Caleb. Hindi ako sanay na ganito siya. "Kaya ako nandito para sabihin sayo ang totoo. Hindi lang ikaw 'yong naglihim sa ating dalawa dahil naglihim din ako sayo." Wala pa din pagbabago sa expression ng mukha niya. "Ako at 'yong Trix na ex-girlfriens ni Skie ay iisa." Nakatingin lang ako kay Caleb habang sinasabi ko 'yon, hinihintay ko 'yong magiging reaksyon niya. Ako pa ata 'yong nagulat sa aming dalawa kasi imbes na magulat siya sa sinabi ko, ngumisi lang siya at para bang alam na niya ang totoo.

Sandali, alam na ba niya?

"Nung una ayoko pa talagang maniwala sakanila kahit na ang dami na nilang patunay pero t*ngina, ngayon ito, galing na mismo sayo. Totoo pala talaga ang lahat." Huminga siya ng malalim pagkatapos kinuha niya 'yong baso sa harapan niya na may laman na alak. Uminom siya bago siya nagsalita ulit. "Ang giling mo magpanggap, Angel. Muntik na din akong maniwala sayo." Ramdam ko sa boses niya ang galit. "Paano mo nagawa sakin 'yon ha?"

"Kaya ko lang naman nagawa 'yon kasi ayoko nang gumulo pa 'yong relasyon natin at ayokong magkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan ni Skie."

"Anong pinagsasabi mo? Niloko mo ako, Angel! Niloko mo kaming lahat!" Napaatras ako sa takot. Galit na galit siya at halos mabasag na 'yong baso na hawak hawak niya. "Alam mo hindi mo deserve si Skie at lalong hindi mo ako deserve kasi manloloko ka!"

Anong pinagsasabi niya? Bakit parang nagiging baliktad pa ang lahat? Hindi ba sila ang nanloko sakin? Naglihim lang naman ako sakanya pero lahat naman ng pinakita ko sakanya totoo. At bakit niya dinadamay 'yong relasyon namin ni Skie. Wala siyang alam duon!

"Kayo ang nanloko sakin! Hindi ko lang sinabi sayo ang tungkol sa amin ni Skie pero lahat ng pinakita ko sayo, totoo lahat 'yon Caleb!" Hindi ko na talaga napigilan 'yong pag-iyak ko. "Paano mo din nasabi na hindi ko deserve si Skie? Wala kang alam don kaya pwede ba, wag mong idamay 'yon!"

"Kung Skie naloko mo pwes ako hindi." Pati siya umiyak na pero bakas pa din sa mata niya 'yong galit. "Hindi mo na ulit ako malokoko, Angel."

"Ano ba kasing siansabi mo? Hindi kita maintindihan?"

"Caleb? Baby?"

Pareho kaming napalingon ni Caleb. Napahinto ako ng makita ko si Briana. Nakahubad din siya at may towel lang din na nakapulupot sa kawatan niya. Parang nadudurog ang puso ko sa mga nakikita ko. Mas lalo akong naiiyak pero pinupunasan ko lang ang mga luha ko.

"What are you doing here?" Tanong ni Briana. "Hindi mo ba nakikita na nakakaistorbo ka samin." Lumapit siya sa amin at pumulupot pa siya kay Caleb.

Hinawakan ko ng sobrang higpit 'yong mga tuhod ko. Gusto kong sumabog dahil sa galit pero kinalma ko pa din 'yong sarili ko.

"Anong ginagawa niya dito, Caleb? May nangyari ba sa inyo?" Nakatingin lang ako sakanya pero hindi siya makatingin sakin. "Answer me."

"Hindi pa ba obvious sayo?" Singit ni Briana. "Wag ka ngang tanga, Angel."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now