CHAPTER VIII

74 2 0
                                    

NADINE'S POV

Huminga ako ng malalim. Welcome back to the Philippines Nadine Jessica Hernandez. Ito na ang araw na hindi mo iniisip na darating pa.

"Ready ka na ba Nadine? Haharapin na natin ang Daddy mo. Sana mahanap na natin ang kapatid mo," naluluhang sabi ni Mommy. Inakbayan ko si Mommy para aluin ito.

"Shh. Ma, baka magpakita na rin yun si Claire kapag nalaman na nasa Pilipinas na tayo."

"Kasalanan ko to Nadine, kung sana pinilit ko na magkakasama tayo. Hindi mangyayari ito," tuluyan ng naiyak si Mommy. Naglabas ito ng tissue sa bag niya at pinahid sa mga luha niya.

"Ayoko naman na hahayaan mo lang na lokohin mo kami na okay kayo ni Dad kahit hindi. Tama na iyan Ma. Ang isipin natin si Claire. Kailangan niya tayo," sabi ko at pinara ko na ang taxi na papalapit sa amin.

Dumeretso kami sa bahay ni Daddy. Kailangan namin malaman kung ano ba talaga ang naging dahilan kung bakit lumayas si Claire.

"Nadine! Ermileen! Kailan pa kayo nakauwi?" maluha-luha naman si Yaya Anna ng makarating kami sa bahay at siya ang sumalubong sa amin.

"Kanina lang po Yaya Anna," sabi ko at binuksan naman ni Yaya Anna ang gate at pinapasok kami.

"Kumusta kana Anna?" tanong naman ni Mommy kay Yaya Anna.

"Okay naman ako Ermileen. Nag-aalala ako kay Claire. Kung hindi lang dahil sa kanya ay umalis na ako dito pero hinihintay ko yung bata."

"Bakit ka naman aalis. Kami nalang ang pamilya mo Anna," si Mommy. Nakapasok na kami ng bahay at umupo sa sofa.

"Kasi Ermileen.. kukuha muna ako ng inumin at makakain niyo," parang nababahala si Yaya Anna. Bakit kaya?

"Sige Anna. Ang haba din ng byahe namin," sabi ni Mommy at agad namang pumunta si Yaya sa kusina.

"Nandito na pala kayo," mula sa itaas ng hagdanan ay bumaba ang isang babae.

"Sino ka naman?" mataray kong tanong sa kanya. "Oh! I know you! Anastasia, right? My father's mistress," nasa tinig ko ang pagkainis.

"Ngayon ay alam ko na kung bakit lumayas ang anak ko," si Mommy na alam ko ay galit na rin.

"Yeah. Spoiled brat kasi yang anak mo. Matagal na panahon na Ermileen. Itatago pa rin ba ako ni Jung?"

"Dapat ka naman talagang itago kasi kabit ka! Nakakahiya kayo ni Daddy!" sabat ko naman sa kanila.

"Well, not anymore. Ikakasal na kami ni Jung. Pinirmahan mo na ang annulment papers diba Ermileen? So once na ma-approve na yun ay ikakasal na agad kami," proud na sabi ni Anastasia.

"Bitch! Home wrecker!" sa sobrang asar ko ay sinugod ko kaagad si Anastasia. Sinabunutan ko siya at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Napahiga siya kaya naman dinaganan ko siya at kinalmot ko ang mukha niya.

"I will kill you bitch!"

"Nadine! Tama na yan," hinihila ako palayo ni Mommy kay Anastasia pero hindi ako papatinag. I hate this girl so much!

"Panginoon ko Nadine!" alam ko at tinig iyon ni Yaya Anne. Pinagtulungan na ako ni Mommy at Yaya na ilayo kay Anastasia. Sinipa ko pa siya ng malakas bago ako nakalayo sa kanya. Agad naman nakabangon si Anastasia. Susugod na sana siya ng makarinig siya ng tinig na animo kulog sa lakas.

"Tumigil ka na Anastasia!" si Papa na kakauwi pa lang siguro galing sa trabaho niya.

"Pero Jung, si Nadine ang unang sumugod sa akin!" nagpapaawa pa ng mukha ang gagang to.

Section AB's Blood PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon