BLOOD PARTY: CHAPTER X

109 8 8
                                    

Naglalakad sa isang mahabang pasilyo ang isang guro sa asignaturang English.

"Lord, bless me," mahinang bulong ng guro before she entered the room.. the room especially made for students who have abnormal ways of thinking. Gabi na iyon at siya na lamang ang naiwan sa kadahilanang tinapos niya ang lesson plan na dapat ituturo niya kinabukasan.

Bumibilis sa bawat segundo ang tibok ng puso ng guro. Madalas kasi siyang lokohin ng mga estudyante niya na sina Zeke, Rea, Sophia, Shaira at Ece.

Nagmasid siya. Walang tao pero alam ng guro na si Nadine na parang may kasama siya.

Nakamasid sa kanya.

Hindi niya alam na may mga matang nakatingin sa kanya. Mga matang sabik na sabik na makapatay. Mga taong uhaw na uhaw makakita ng dugo.

Tumatayo na ang balahibo niya sa takot kaya dali-dali niyang tinatapos ang lesson plan para maka-uwi.

Biglang may kumatok.

"S-sino yan?" tanong ni Teacher Nadine.

Dahan-dahang bumukas ang pinto. May nakita siyang anino.

Nakita niya si Sophia. Nakangiti sa kanya. Nakakatakot. "Hi, Maam," bati ni Sophia sa kanya at bigla siyang nakaramdam ng takot sa hindi malamang dahilan.

"Bakit ganyan ka makatingin Maam? Natatakot ka ba?" tanong ni Sophia.

"H-haha ang weird mo ngayon," ani ng teacher na pinagpapawisan na

"Weird? Bakit naman?" lumapit si Sophia. "Gabi na Maam. Bakit nandito ka pa?"

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan diba?" sabi naman ni Teacher Nadine.

Nakatayo lang si Sophia sa gilid ng lamesa ng guro at tila ba ay may binabalak at nakita ni Nadine na may hawak siyang baseball bat.

"May mga kasama ako Maam. Nandito din sila." at naglabasan mula sa pinto sina Rea, Zeke, Francis, Ece at Shaira. Tawa sila ng tawa. "Hi. Maam." sabay pa nilang sabi.

"H-hindi ko alam na may baseball team pala kayo," ani ng guro.

"Alam mo Maam, lagi kaming nagpapractice ng baseball dito." sabi ni Zeke. "Oopps. New teacher ka nga pala, hindi mo alam." dagdag pa ni Zeke at tumawa sila ng nakakaloko.

"Ay! Ganoon ba, next time isama ninyo ako sa practice ninyo ha? Pero sa ngaun kailangan ko na talagang umuwi," kinakabang sambit ng guro.

"Teka lang Maam," awat ni Francis. "Alam mo bang ngayon nalang ulit may nagpagabing teacher dito. Kwentuhan muna tayo," ani ni Francis.

"Kasasabi mo lang diba? Gabi na.. kaya kailangan ko ng umuwi," sabi ni Teacher Nadine na tila ba ay kinukutuban nang masama.

"Ok sige ganito Maam, kahit hindi ka na magkwento. Manood ka nalang ng practice namin. Pwede? Ilang strike lang naman eh," ani naman ni Zeke.

"Oo nga Maam." sang-ayon naman ni Ece. "Narinig mo na ba ang kwento ng nawawalang teacher na si Teacher Reign?" tanong ni Ece.

"Hmm.. mind sharing it?" naupo nalang ang guro sa upuan niya dahil alam niyang kukulit at kukulitin din siya pag umalis siya.

"Ang alam kasi namin Maam, siya nalang ang naiwan dito sa campus. It was happen 1 year ago. Hindi malaman kung patay na ba o umalis na. She was a bullied teacher by her students who hate teachers," kwento ni Shaira. "..but there are rumors that she left a note," dagdag pa nito.

"..a death note written in blood, her own blood." nakangiting saad ni Sophia habang nakatingin sa guro.

"What is written on the note?" tanong ni Teacher Nadine.

Section AB's Blood PartyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz