CHAPTER V

64 2 0
                                    

CLAIRE'S POV

Pumasok ako sa bahay namin. Lumapit naman agad ang maid namin.

"Gusto niyo na bang kumain Claire?" tanong sa akin ng maid namin na nasa 40's na. Siya na ang nag-alaga sa akin simula ng bata pa kami ni Ate Nadine Jessica o Jess na gusto kong itawag sa Ate ko. Hindi na nakapag-asawa si Yaya Anna dahil sa pag-aalaga sa akin.

"Kumain na ako Yaya. Nasaan si Daddy?"

"Umalis si Jung, Claire. Hindi ko alam kung saan pumunta," napabuntong hininga ako. Malamang kasama na naman niya ang kabit niya. Pinapaniwala kami nila Mommy at Daddy na okay lang sila pero hindi. Matagal na silang hiwalay kaya mas gusto ni Mommy na sa ibang bansa tumira at magtrabaho. Si Ate Jess naman, dati kasama ko siya. Sobrang close kami pero bigla nalang ginusto na niya na sumunod kay Mommy sa States at iwan ako ditong mag-isa kasama si Daddy. Hindi naman dinadala ni Daddy ang babae niya dito. Hindi ko rin malalaman kung hindi ko sila nakita sa mall. Nanahimik lang ako dahil baka kapag nalaman ni Daddy na alam ko na ay dalhin niya ang babae niya dito at hindi ako papayag.

"Huwag ka panghinaan ng loob Claire, mahal ka ng Daddy Jung mo. Hindi ka niya sasaktan, hindi siya gagawa ng bagay na ikakasama ng loob mo," niyakap ko naman si Yaya Anna. Namimiss ko na si Mommy. Kung sana hindi natukso si Papa sa iba. Hindi sana kami magkakawatak-watak. Galit ako sa babae ni Papa. Hindi ko siya matatanggap sa buhay ko.

"Sige na anak, magpahinga kana,"

"Kung sana nandito lang si Mommy o si Ate Jess," malungkot kong sabi.

"Sigurado naman akong babalik din sina Nadine at ang Mommy Ermileen mo pero hindi pa siguro ngayon Claire," napabuntong hininga ako at umakyat na sa kwarto ko. Ano pa nga ba? Kailangan ko silang intindihin kahit ako hindi man lang nila inintindi noong iwan nila ako.

Kinabukasan ay nakita ko si Daddy na nagbabasa ng dyaryo sa salas. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Good morning Dad." umupo naman ako sa upuan na nakaharap sa kanya. Napapagitnaan kami ng isang babasaging lamesa. Sa gitna noon ay flower vase na may paboritong bulaklak ni Mommy.

"Good morning din anak, musta naman ang pag-aaral mo? Okay ka ba sa bagong school mo?" lumapit si Yaya Anna na may dalang kape at nilapag ito sa lamesa. Inutusan ko rin ito na ipagtimpla ako ng gatas at magdala ng bread.

"Okay lang naman Dad. May mga kaibigan naman ako. Dad, namimiss ko na si Mommy. Dalawin naman natin sila," suhestiyon ko kay Daddy at nagbago bigla ang expression ng mukha nito.

"Alam mo naman na busy ako sa trabaho. Hindi pwedeng magleave ako. Marami akong tatapusin anak," paliwanag naman ni Daddy na sobrang kinainis ko.

"Hindi mo na talaga mahal si Mommy?" malungkot kong sabi sa kanya.

"Huwag mo akong simulan Claire. Alam ko naman Claire na alam niyo na na wala na kami ng Mommy niyo," tumaas ang kilay ko.

"So anong plano mo Dad? Wala ka man lang bang gagawin para bumalik sila?"

"Hindi na mababalik ang sa amin ni Ermileen, Claire," napatayo ako.

"Dahil ba sa kabit mo!?" mataas na tinig kong sabi kay Daddy.

"Watch your tounge Claire!" tumaas na ang boses ni Daddy na isang sign na galit na ito.

"Hindi ko siya matatanggap Daddy!" napatayo na rin si Daddy.

"Wala ka ng choice, Claire. Dito na titira ang Tita Anastasia mo!"

"Ayoko Dad! I won't let that bitch step into our house!" nagulat ako ng bigla akong sinampal ni Daddy. Ngayon niya lang ako nasampal at ng dahil pa sa babaeng iyon?

Section AB's Blood PartyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt