Napaangat siya ng tingin nang may tumikhim. "I heard what happened."

It was Matthew!

"How did you know?" tanong niya at ibinalik muli ang mga mata sa laptop.

"I have my ways, Amber," mahina ngunit kalmado nitong sagot.

She turned off her laptop. "Na-late ako sa flight ko," nakangusong sumbong niya sa lalaki. Bakit ba parang ayaw siyang paalisin ng bansa?

"I know."

Marahas siyang napalingon dito habang ipinapasok ang laptop sa bag niya. "Bakit parang alam mo lahat?" tanong niya na may halong paghihinala.

He just shrugged at kinuha sa kanya ang bag at maleta. "I'll drive you home."

Ano pa ba ang magagawa niya? 'Buti na lang kahit paano ay nakapag-relax naman siya nang tatlong araw sa resort.

"Matthew," tawag niya.

"Hmm?" usal nito nang hindi siya nililingon.

"You know about Clarkson's marriage?"

He clenched his jaw. "Kanina ko lang nalaman." At biglang humigpit ang pagkakahawak nito sa bag at maleta niya.

Kailan pa niya naging alalay ang isang senador?

"Matthew, akin na 'yan, ako na lang ang magdadala." Pilit niyang inaagaw ang mga gamit niya. Feeling niya, ang abusado niya masyado.

Huminto ito sa paglalakad at mataman siyang tiningnan. Marahas itong napabuntong-hininga. "Bawal sa 'yo ang magbuhat ng mabigat. Alam kong alam mo 'yon kaya please lang, huwag matigas ang ulo."

"Bakit mo alam na—"

"I know everything," malamig na tugon nito, his usual tone.

Hinatid siya ni Matthew sa bahay nila at nakipag-usap muna ito sa daddy niya bago nagpaalam na uuwi. Nagtataka lang siya, 'yong iba kasi ay hirap na hirap mahagilap ang lalaki dahil sa tambak na trabaho nito at kailangan pang magpa-appointment muna kung gusto itong makusap. Samantalang kapag sa kanya, bigla na lang itong sumusulpot na para bang hindi ito abalang tao.

Paano kaya kung si Matthew at hindi si Clarkson ang naging boyfriend niya? Siguro ay hindi siya sasaktan nito.



ILANG araw na bang nagkukulong si Clarkson sa loob ng penthouse niya? Hindi na nga rin siya pumapasok sa opisina.

"Mukha ka nang zombie," tudyo ni Scott sa kanya na may hawak na beer.

Kung makaupo ito sa sofa niya, akala mo hari na may-ari ng lugar. Binato niya ito ng tansan na tinanggal niya mula sa bote. Kadarating lang ni Scott dahil nami-miss na raw siya. Pwe! Siguradong nabo-bore lang ito. Hindi rin kasi nito mahagilap si Axer dahil nasa resort 'yon at sinusuyo ang babaeng tagaisla.

Si Steven naman ay ganoon din, gumagawa ng paraan para makasama uli si Elisse. While Matthew was the busiest person sa kanilang limang magkakaibigan. Kailangan pang magpa-appointment makausap lang ito.

"Hindi ka na makikilala ni Amber sa hitsura mo."

"You can leave now, Scott, hindi ka naman nakakatulong," taboy niya sa kaibigan.

"Hell! Man, kadarating ko lang, papauwiin mo agad ako."

"I don't know what to do with Amber. Mababaliw na ako kakaisip ng paraan." Napapikit siya nang gumuhit sa lalamunan niya ang ininom na alak. Hindi niya alam ang gagawin at kung paano susuyuin ang babae.

"Better to talk to her, coward."

Gusto niya nang paluin ito ng boteng hawak dahil sa frustration at hindi talaga ito nakakatulong sa problema niya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa kaibigan? Halos pare-pareho naman sila noon na naniniwala na hindi nag-e-exist ang love until he met Amber. Kahit ang ex-wife niya ay hindi niya naman talaga minahal katulad ng pagmamahal na naramdaman niya kay Amber.

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now