CHAPTER 1

306K 6K 143
                                    

CHAPTER ONE

"AMBER?"

Isang mahinang katok mula sa labas ng kanyang silid ang tuluyang nagpagising sa natutulog niyang diwa.

"Wake up, sweetheart."

Nag-unat muna si Amber at tiningnan ang oras sa alarm clock niya na hindi naman tumunog. Pasado alas-sais na ng umaga. "All right, Mom," pupungas-pungas na sambit niya.

"We'll wait for you downstairs."

"Okay po." Narinig niya ang mga papalayong yabag sa silid niya. Siya naman ay dumeretso na sa shower room.

Matapos ang ilang minuto ay bumaba na si Amber at sinabayan ang mga magulang na kumain. Ang laki ng bahay nila pero tatlo lang naman silang nandoon. Idagdag pa ang hindi bababa sa sampu nilang kasambahay at mga security guard. Hindi naman sa nagrereklamo siya dahil nga nag-iisang anak lang siya pero feeling niya, mas lalong sasaya kung may kapatid lang sana siya.

Mabilis niyang tinapos ang pagkain at pumasok na sa eskuwelahan. Nang makarating sa parking lot ng university na pinapasukan, agad na humalik sa pisngi niya at yumakap sa kanya si Natalie nang makita siya.

"Amber, I missed you."

"I missed you too, Alie," sabi niya at sabay na silang lumakad papasok sa university.

She looked around the university. It was still the same though medyo lumawak lang nang kaunti. Napapalibutan pa rin ang lugar ng mga puno at magagandang halaman. Ang presko talaga ng hangin sa unibersidad na iyon.

Yes, she was still studying. She was a graduating student taking Business Administration. Actually, she wasn't into business but being the future CEO of CCE—Charles Collins Enterprise, she needed to. She didn't want to disappoint her parents, especially her dad. He worked hard just to keep their company on top.

"Where's Elisse?" she asked in the middle of her thoughts.

"On her way na raw. Traffic really sucks," emotionless na sabi nito.

"Yeah, I agree."

They both looked at Natalie's cell phone when it suddenly rang.

"I will just answer this, excuse me."

Tumango lang siya rito.

Dahan-dahan munang nagmuni-muni si Amber at naglakad papunta sa malawak na hardin ng unibersidad. Ang mommy niya ay mahilig sa mga halaman at bulaklak kaya hindi na nakapagtataka na makahiligan niya rin ang mga 'yon. Busy ang mga mata niya sa pagtingin sa iba't ibang kulay ng mga bulaklak sa gilid ng kalsada kaya hindi niya na namalayan na may paparating na sasakyan.

"What the hell?! Magpapakamatay ka ba?"

Napapitlag siya sa baritonong boses na iyon mula sa kanyang likuran kaya napilitan siyang tingnan kung sinuman ang hangal na naglakas ng loob na sigawan siya.

A man inside the tinted black BMW looked at her with so much irritation on his handsome face. She couldn't help herself but to look at him. Marami na siyang nakitang guwapo pero iba ang karisma ng isang 'to.

Those deep brown eyes that captivated everyone's soul, those thick luscious eyebrows, his pointed nose and those lips that women would die for para lang mahalikan. Para itong lalaking lumabas mula sa isang magazine. She was pretty sure na maganda rin ang pangangatawan nito. Para bang ang sarap humilig sa matipuno nitong dibdib. Dahil na rin sa suot nitong navy blue fitted shirt, kitang-kita mula sa kinatatayuan niya ang mga muscles nito sa braso. Para bang ang sarap maglambitin do'n.

Masyado siyang pinagpala.

"Excuse me?" he said, waking her up from her reverie. She lifted her eyebrow and looked at him. "Done checking me out?"

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now