CHAPTER 3

165K 4.2K 50
                                    

CHAPTER THREE

MARIING ipinikit ni Amber ang kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lang pumapasok sa isip niya ang imahe ni Clarkson. Nakakaloka ang lalaking iyon! Malakas siyang bumuntong-hininga bago lumabas ng sasakyan.

She was wearing a high waist shorts and an apple green hanging blouse. She tied her brown hair in a messy bun and didn't even bother to remove her black sunglasses. With her black purse and four inches stiletto, she walked inside the hotel like a ramp model. Sanay naman siya na tinitingnan ng mga tao kaya hindi niya na lang pinansin iyon at naglakad patungo sa front desk ng nasabing hotel.

"Good day, Madam," bati ng receptionist. "May reservation po ba kayo?"

"Ah, yes."

"What's your name, Madam?"

"Amber Collins."

Magalang na ngumiti sa kanya ang babae, saka hinanap ang pangalan niya sa monitor. "Si Miss Xandra Elisse Wilson and Miss Beatrice Natalie Clawson po ba ang kasama n'yo?"

"Hmm, yes."

"Table fourteen po, Miss Amber."

"Okay. Thank you."

"Thank you rin, Madam."

Nagtungo na si Amber kung nasaan ang table na 'yon. Hindi gano'n karami ang tao dahil talagang ang mga may pera lang ang may kakayahang magpunta at magpa-reserve sa hotel na iyon.

"You are two minutes late," reklamo ng kaibigan niyang si Elisse.

Bumeso lang siya rito at lumingon kay Natalie na ngayon ay nakaupo na at may hawak na glass of wine.

"Amber, I saw you last night with Clarkson," Natalie said and crossed her legs. "Care to share?" Tumaas ang sulok ng mga labi nito nang hindi siya makasagot.

Akala kasi niya ay maaga itong umuwi kahapon kaya hindi na siya nag-abalang tawagan ito para sana dito na lang sumabay pauwi.

"Really? Are you guys dating or something? Is he a good kisser?" bulalas ni Elisse na nanlalaki ang mga mata at napatayo pa sa kinauupuan. "Answer me, Amber! He is my brother's best friend and they are business partners. He is such a good catch!"

Sa kanilang tatlo, si Elisse ang pinakamaraming sinasabi. Hindi niya nga alam kung bakit Architecture ang kinuha nito, eh, mukhang mas bagay dito ang MassComm. But that was one of the things she liked about Elisse. Walang takot ipakita kung ano ang nararamdaman. She knew her brother, Axer. He was known for being playboy. No wonder nagkasundo ito at si Clarkson.

Sasagot na sana siya nang dumating ang order nila. Saved by the bell.

"Girls, let me eat first bago n'yo ako isalang sa hot seat," sabi niya.

Sa totoo lang, ayaw niyang pag-usapan ang lalaki kasi una niya pa lang itong nakita ay hindi na maalis sa isip niya ang guwapong mukha nito at mapang-akit na ngiti. Aminin man o hindi, attracted siya kay Clarkson. Sino ba ang hindi? Aware na rin siya kung gaano ito kasikat pagdating sa larangan ng negosyo. Pati nga mga na-link na babae rito ay nalaman na rin niya.

"May business sila ni Kuya Axer sa Singapore," basag ni Elisse sa katahimikan. "May bago rin silang resort na nabili and I think malapit nang mag-opening 'yon pagkatapos siguro ng renovation."

"Talaga?"

"Marami rin siyang babae."

Muntik na siyang maubo sa sinabi nito kaya nginisian siya ng kaibigan.

"Puro fling lang 'yon pero may magandang babae talagang isinasama iyon kapag a-atend ng mga business party."

Ang daming alam ni Elisse. Binalingan niya si Natalie na as usual ay tahimik lang na nakikinig pero mayamaya ay nagtanong na rin.

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now