CHAPTER 4

139K 4.1K 84
                                    

CHAPTER FOUR

ILANG buwan na lang ay ga-graduate na si Amber. Ilang buwan na lang din ay ite-take over na sa kanya ng kanyang ama ang posisyon nito. She would face the reality of being an heiress. Her parents would be there to support her of course.

She decided to live in her condo na ang daddy niya ang bumili mismo, advance gift daw. She moved in two months ago. Kaso hindi naman ganoon kadali nila napapayag ang mommy niya. May kondisyon pa nga ito na dapat daw kapag weekend ay doon siya sa bahay nila mag-stay. Kahit naman siguro hindi sabihin iyon ng mommy niya ay pupuntahan niya pa rin ang mga ito.

Noong una ay nahirapan si Amber dahil hindi naman siya sanay mag-isa. Hindi rin siya marunong masyado sa gawaing bahay. Pero dahil na rin sa kagustuhang magpaka-independent ay kinaya niya at achievement na para sa kanya 'yon.

She was cooking her favorite carbonara when she heard a knock on her door. Kumunot ang noo niya dahil may doorbell naman ang bawat unit ng condominium.

"Surprise!" Elisse welcomed her with a big hug nang pagbuksan niya ng pinto. Kung gaano katahimik si Natalie ay siya namang ikinaingay ng kaharap.

"What brought you here?"

"Dinadalaw ka. Ayaw mo yata. Sige, uuwi na ako." Elisse turned around. Amber, on the other hand, stayed still dahil alam naman niyang umaarte lang ang kaibigan. Elisse faced her once again. "Hindi mo man lang ba ako pipigilan?"

Umiling-iling siya habang kagat-kagat ang isang daliri.

Huminga si Elisse nang malalim at hinawi siya para makadaan. Umupo ito sa sofa na animo isang reyna at ngumisi sa kanya.

"I have something to tell you. Pero bago iyon, tingnan mo muna 'yong niluluto mo dahil ayokong masunog nang buhay."

Nanlaki ang mga mata niya at dali-daling pinuntahan ang niluluto. Medyo nagrambulan lang ang pasta pero hindi naman nasunog lahat. Ipinagpatuloy niya muna ang ginagawa bago bumalik uli kay Elisse na nanonood na ng news.

"Ang guwapo niya, 'di ba?" sabi ni Elisse na tutok na tutok ang mga mata sa guwapong lalaki sa screen. Hindi siya sumagot dahil para sa kanya, isa lang ang guwapo sa paningin niya.

"Who's that?"

"Dr. Steven Drew Lucas ang nakalagay, eh." She turned off the TV noong hindi na ipinakita ang mukha ng guwapong doktor.

"Ano uli 'yong sasabihin mo?" tanong niya kay Elisse.

"About Natalie."

"What about her?" she asked curiously.

Busy ang kaibigan nila nitong mga nakalipas na araw dahil malapit na ang board exam nito. Naunang nag-aral si Natalie kaysa sa kanila kaya nauna rin itong gumraduate.

"I think she's pregnant."

"What?!" sigaw niya dahil nabigla naman talaga siya. Wala namang boyfriend si Natalie, iyon ang alam nila.

"God! Amber, my ears!" maktol nito at tinakpan pa ang tainga.

Napatingin sila sa pinto nang may nag-doorbell. Siguro si Natalie na 'yon. Pero bago siya tumayo at pagbuksan ang kaibigan ay tiningnan niya muna si Elisse.

"You're joking, right?"

"Ask her if you don't believe in me."

"Of course. I will ask her," sabi niya at tumungo na sa pinto. Agad niyang nakita sa peephole si Natalie.

"You busy?" tanong ni Natalie nang pagbuksan niya. Nainip na siguro kakahintay.

"Hindi. Ang kulit kasi ni Elisse."

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now