CHAPTER 16

138K 3.9K 230
                                    

CHAPTER SIXTEEN


"ARE YOU okay? Manganganak ka na ba?" birong tanong ni Amber. On the way sila sa ospital sa bayan para sa ultrasound ni Elisse.

Hindi siya sanay na tahimik ang kaibigan. Ito ang pinakamadaldal sa kanila kaya nakakapanibago lang kung hindi ito magsasalita.

Napasinghap siya nang kurutin siya nito sa tagiliran. "God! Elisse, you hurt me," reklamo niya pero hindi naman talaga malakas ang pagkakakurot nito.

"OA ka rin kasi. Seven months pa lang ang tiyan ko, hindi ko pa kabuwanan."

Natawa tuloy siya, 'yong very, very light lang na tawa. At least kahit paano ay napapatawa siya nito.

"How are you and Clarkson?" tanong nito bigla na naging dahilan para mawala ang kaninang ngiti sa mga labi niya.

"He's fine and I'm definitely not." Ngumiti lang siya nang kimi at ito naman ay nanahimik na.

Ilang minuto pa at nakarating na sila sa ospital. Pumunta muna si Amber sa cafeteria at doon na lang hihintayin si Elisse kapag natapos na ang checkup nito. Kinuha niya ang cell phone at tinext ang secretary niya.

Ngayon kasi ang alis niya papuntang London. May bahay sila roon kaya doon muna siya mananatili. Mas mabuti pang lumayo siya kay Clarkson para kahit paano ay mabawasan ang nararamdaman niya para dito. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya gustong mag-stay sa bansang 'yon. Gusto niya lang magpakalayo-layo.

Ilang minuto pa na paghihintay at dumating na si Elisse.

"Baby girl." Impit pang napatili ang kaibigan nang umupo sa tapat ng upuan niya. Kitang-kita sa mga mata nito ang kasiyahan.

Inaya niya muna ito sa mall para mamili ng gamit para sa anak nito. Sandali lang sila dahil ilang oras na lang ay aalis na siya at ayaw niyang ma-late sa flight niya.

Sa dami ng pinamili ni Elisse ay halos mapuno na 'yong sasakyang dala nila. Speaking of car, naayos at naihatid na rin sa bahay nila ang sasakyan niyang tumirik noong nakaraan dahil sa tulong ni Matthew. Wala talagang imposible sa lalaking 'yon.

"I have to go baka ma-late ako sa flight ko," paalam niya sa kaibigan nang maihatid na niya ito sa resort.

Nakapagpaalam na rin siya kay Axer na manghihiram siya ng sasakyan dito. Pero biglang may isang itim na limousine na pumarada sa tapat niya. Kilala niya ang sasakyan dahil kay Matthew 'yon.

"Miss Amber, pinapunta po ako rito ni Boss para sunduin kayo."

Napatanga siya. Wala siyang pinagsabihan kung kailan siya aalis sa resort, paano nalaman ng lalaki 'yon? Kaysa mag-isip pa kung paano, nagkibit-balikat na lang siya at pumasok sa loob ng sasakyan.



"HA? BAKIT? Paano nangyari 'yon?" maang na tanong ni Amber sa security guard ng airport dahil hindi raw siya umabot sa oras ng flight niya samantalang mas maaga siyang dumating.

"Pasensiya na po, Ma'am," sagot ng security guard dahil kanina pa niya gustong mag-eskandalo sa lugar.

Bumuntong-hininga siya at naghanap ng bakanteng upuan. She turned on her new laptop to message her secretary dahil hindi ito sumasagot sa mga tawag niya.

Ilang beses pa siyang napakurap nang makita ang bagong mensahe sa email niya. Divorce paper lang naman 'yon ni Clarkson at ng asawa nito! Agad niyang tiningnan kung saan galing ang mensahe pero wala siyang idea dahil random email address ang ginamit. She cursed not because she saw the papers but because she wasn't able to know who the sender was.

Kanina pa siya hindi kumukurap sa binabasa. Totoo nga, totoong divorce paper 'yon!

"Bakit naman siya nakipag-divorce?" usal niya sa sarili.

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now