CHAPTER 7

151K 4.3K 58
                                    

CHAPTER SEVEN

NAPANGIWI si Amber nang may maramdamang kirot sa bandang ibabang bahagi ng katawan. At para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang mag-flashback sa utak niya ang nangyari.

"God!"

Natampal niya ang noo. Akala niya panaginip lang ang lahat, totoo pala. Pero wala na si  Clarkson sa tabi niya dahil naroon na siya sa kanyang silid at siguradong wala rin ito sa banyo.

Ngumiti siya nang malungkot. Bakit niya nga ba kasi naisip na mag-i-stay talaga si Clarkson sa tabi niya? Siguradong nagsisisi na ang lalaki dahil nagtaksil ito kay Mandy.

Niyakap niya ang sarili. Pakiramdam niya, ang bitchy-bitchy niya kasi alam niya namang may girlfriend na si Clarkson pero bakit hindi niya ginawa ang lahat ng makakaya niya para hindi natuloy ang hindi dapat nangyari?

Amber closed her eyes trying to avoid her tears. Guilt striked her.

Naramdaman niyang bumukas ang pinto pero alam niya naman na mga kaibigan niya lang iyon. Pero bakit ang tahimik? Dapat kanina pa siya dinamba ni Elisse.

She opened her eyes and almost jumped to her feet when she saw Clarkson standing in front of her. Maybe he was here because his conscience was eating him alive. Yeah, right.

Umupo ito sa gilid ng kama. "How are you? Masakit pa ba?" masuyo nitong tanong at hinawi pa ang mga nagkalat na buhok sa kanyang mukha.

Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil ayaw niyang makita nito na namumula ang mukha niya.

"Here, eat and drink this." Ibinaba nito ang tray sa mesa na nasa gilid ng kama.

"Where are my friends?"

"They left few hours ago."

"Iniwan nila ako?"

"I told them not to disturb your sleep because you are damn tired because we made—"

"Enough! Enough!" putol niya sa sasabihin nito.

"Hey, I'm just kidding. I told them that you're tired from swimming."

Nakahinga siya nang maluwag. Lumapit si Clarkson sa kanya at hinalikan ang tungki ng ilong niya bago tumayo.

"I'll wait for you downstairs. We're leaving soon." Lumabas na ito ng silid.

Kumain muna siya bago inayos ang gamit niya at naligo. Pagkatapos, dala ang dalawang bag ay bumaba na siya ng hagdan nang dahan-dahan dahil medyo makirot pa rin iyon. Agad naman siyang nakita ni Clarkson. Naglakad ito papunta sa kanya at akmang kukunin ang mga bag niya ngunit mabilis niya iyong naiwas.

"No, Clarkson. I'm fine."

Tila wala naman itong narinig at kinuha pa rin ang dala niya. Nauna na itong maglakad palabas kaya sumunod na lang siya.

Madilim na. Sila na lang dalawa ang naiwan at malinis na rin ang rest house. Baka hinintay lang siya ni Clarkson na magising para sabay na lang silang umuwi. Nasabi siguro ng mga kaibigan niya na wala siyang dalang sasakyan.

Tahimik silang sumakay sa sasakyan at tahimik lang din sila sa biyahe. Gusto niya sanang itanong si Mandy pero may kung anong puwersa na pumipigil sa kanya na huwag na lang. Nakatingin lang siya sa bintana at hindi mapakali sa upuan... because she could still feel him inside her.

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now