CHAPTER 20: The Gift

1K 27 15
                                    

THE LAST PART...

Author's P.O.V. (Point of View)

Makalipas ang ilang araw, at hindi parin nagigising si Dylan.

Mas lalong nalungkot si Kenzo, sobra ang kanyang pag-aalala.

Araw araw ay bumibisita siya sa silid ni Dylan para kamustahin ito.

Umaasang magigising siyang muli, muli niyang makakasama ang kanyang mahal.

Kita sa mga mata ni Kenzo ang sobrang kalungkutan, ang hirap na makita ang taong mahal na nag-aagaw buhay, hindi alam kung mabubuhay pa ito, pero sa kabila nun ay nanatili paring matatag at malakas si Kenzo para kay Dylan.

Isang bagay na nagpapalakas sa kanya, ay sa bawat pag-tibok ng puso at paghinga ni Dylan, kapag tumitingin siya sa heart rate monitor. Iniisip nalang niya na natutulog lang si Dylan at nagpapahinga.

Isang araw, nakatitig lang si Kenzo kay Dylan, hinawakan ang mukha nito, hinaplos ang buhok, at humawak sa kamay ni Dylan, kasabay nito ang unti-unting pag-patak  ng mga luha mula sa mga mata ni Kenzo, 

Ipinatong niya ang kanyang ulo sa braso ni Dylan habang hawak ang kamay nito at napapikit, habang may isng kantang tumugtog sa radyo.

"When The Last Teardrop Falls" by: Blaque

It's so hard to lose the one you love
To finally have to say goodbye
You try to be strong but the pain keeps holdin' on
And all that you can do is cry
Deep within your heart you know it's time to move on
When the fairy tale that you once knew is gone


When the last tear drop falls
I'll still be holdin' on to all of our memories
And all of what used to be


When the last tear drop falls
I will stand tall
And know that you're here with me in my heart
When the last tear drop falls


So now I'm alone and life keeps movin' on
But my destination still unknown, oh yeah
Will there be a time when I'll fall in love again?
When I was meant to walk these streets alone
If there was just one wish I could be granted here tonight
It would be to have you right back by my side


Now it's time for me to find my happiness again
And the emptiness from missin' you
Will never ever end, baby...
 

.....

Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

Pagkagising ay ibinalik na siya nila Mike at Cyril sa kanyang silid.....

.....

Kinagabihan, kinausap ni Kenzo ang kanyang mga magulang, at mga kapatid.

Isang desisyon ang kanyang binitawan...

Sinabi niyang gusto niyang i-donate ang kanyang mga mata kay Dylan.

Gusto niyang makakita muli ang kanyang minamahal, sa tingin ni Kenzo ay niligtas siya ni Dylan noong gabing naaksidente sila, kaya nais niyang isakripisyo ang sariling paningin para sa kanyang minamahal na si Dylan.

Hindi lang ang mga magulang at kapatid niya ang kanyang kinausap kundi pati na din ang doctor.

Sa pagpupumilit niya ay nakumbinsi naman niya ang lahat, kahit anong pigil ng kanyang pamilya ay desididong desidido parin siya sa kanyang desisyong iyon...

Beating Hearts (Bisexual Love Story)Where stories live. Discover now