CHAPTER 8: The Jock

995 23 1
                                    

Kenzo Trinidad's POV (Point of View)

Pagkagising ko ay wala na si Dylan sa aking tabi, tanging ang unan na lamang na pumagitna sa aming dalawa sa pagtulog ang naiwang nandun sa kama bukod sakin.

Tumingin naman ako sa orasan at nalamang alas-otso na pala ng umaga!!!

Napansin ko din sa tabi nito ang kanina ko pang naa-amoy...at tama nga ang hinala ko...may isang mug ng kape.

Isang note ang aking nakita na nakadikit sa mug na agad ko din namang binasa.

"Good morning cutiepie! Rise and shine! -Dylan :)"

Laking gulat ko naman nang nakita kong nakaupo si Dylan malapit sakin na nakatitig lang sakin at nakangiti pa.

Hindi ko agad napansin na andun pala siya.

Dylan: Good morning!

Bungad na sabi ni Dylan sakin sabay kindat.

Oo aaminin kong napakasaya ng gising ko nung araw na iyon at kinikilig ako.

Lalo na dun sa coffee na may sticky note at nung nakita ko ang maaliwalas at maamong mukha ni Dylan...ang matamis niyang ngiti!

Masasabi ko na isa yung literal na Magandang araw! Para sakin...

Ako: Uy ikaw pala!! Good morning din!!!

Nakangiti kong pagsagot sa kanya.

Ako: Uhmmm kanina ka pa ba dyan?

Dylan: Ah...eh oo, medyo kakagising ko lang rin eh!

Ako: Eh bakit hindi mo man lang ako ginising?

Dylan: Mukhang ang sarap kasi ng tulog mo eh, ang sarap mo ngang tingnan habang tulog eh kaya tumitig nalang ako sayo.

Ako: Adik ka talaga! Well, di ko naman na kasalanan kung cute ako eh...

Dylan: Oo naman kaya nga I'm addicted to your cuteness eh. Hehe!

Ako: Asuuus, sira ka talaga!!

Matapos ng maagang kakulitan naming dalawa ay yinaya na ako ni Dylan na mag-breakfast, na agad ko namang sinangayunan.

Pero bago pa man ako bumaba ay pumasok muna ako sa cr para makapag-hilamos at mag-ayos muna ng sarili.

Matapos iyon ay kinuha ko muna ang kapeng hinanda sakin ni Dylan at itinago ang sticky note na dinikit niya dito, agad agad narin akong sumunod at bumaba na.

Pagbaba ko ay inaayos na ni Manang at pati narin ni Dylan ang mga pagkain...

May pandesal, garlic rice o sinangag, hotdogs, bacon, at pritong itlog.

Gusto ko sanang tumulong sa paghahanda pero tumanggi sila dahil bisita daw ako at sinabing umupo nalang ako.

Nang handa na ay kumain na kami ni Dylan.

Inaya namin na sabayan na kami ni Manang pero sabi niya'y tapos na siyang kumain.

Habang kumakain...

Dylan: Cutiepie ako nagluto niyan! Pasensya ka na ah, prito prito lang ang kaya kong gawin eh.

Oo tama kayo, kinilig ako dun! Hihi...pero tinago ko muna ito at nagkunwari pang hindi ako naniniwala sa kanya.

Ako: Weh di nga? Si Manang nagluto niyan eh!

Pagbibiro ko naman sa kanya.

Dylan: Uy di ah, ako talaga ang nagluto niyan promise!

Beating Hearts (Bisexual Love Story)Where stories live. Discover now