CHAPTER 6: Welcome Party!

1.1K 28 0
                                    

Kinabukasan, pagpasok ko sa aming building ay may isang Kenzo Trinidad akong nakita na nakatitig sa bulletin board.

Nilapitan ko naman agad siya...

Ako: Hey cutiepie good morning!

Sabay akbay at ngiti sa kanya.

Kenzo: Uy Dylan ikaw pala, good morning!

Sagot naman niya at ngumiti din pabalik sa akin.

Ibinaling ko din naman agad ang aking tingin sa tila binabasang kung ano ni Kenzo sa bulletin board, at nabasa ang isang poster na nakapaskil.....

"WELCOME PARTY: FRESHMEN NIGHT!"

WE ARE INIVITING ALL THE FRESHMEN STUDENTS!!

THIS IS YOUR NIGHT!!!

AND ALSO CALLING OUT ALL THE STUDENTS TO JOIN US IN WELCOMING THE NEW STUDENTS OF OUR UNIVERSITY.

Tonight @ 7 PM | University Gymnasium

We are hoping to see you there!

..........

Ako: Ano cutiepie pupunta ka ba dyan mamaya? Panigurado masaya yan!

Kenzo: Nako baka hindi eh, wala pa kasi akong masyadong kaibigan tsaka di ako comfortable sa mga ganyan lalo na pag wala akong kasama.

Ako: So anong tawag mo sakin? Diba magkaibigan na tayo? Don't worry Kenzo sasamahan kita dyan mamaya, ayos ba yun sayo?

Kenzo: Sigurado ka ba dyan? Nako nakakahiya na sayo, ang dami mo ng favor na ginawa sakin.

Ako: Don't mention it! Diba sabi ko naman sayo na nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko? At masaya ako pag kasama kita, tsaka we're friends now so wala ng kaso yun Kenzo!

Ako: Okay sige na nga sasama na ako basta kasama kita!

Sobrang kasiyahan ang aking naramdaman nang pumayag si Kenzo na pumunta sa party mamaya kasama ako.

Hinatid ko narin siya sa kanyang unang klase dahil di pa nga niya masyadong kabisado ang building ng college namin kaya medyo nalilito pa siya sa mga room numbers na nakalagay sa schedule niya.

Nang nahatid ko na siya ay nagpaalam narin ako kay Kenzo upang pumunta at pumasok narin sa first class ko. 

Nang biglang...

Naramdaman kong may yumakap sakin habang ako'y nakatalikod.

Si Kenzo.

Ako: Para saan naman yun?

Kenzo: I just want to thank you Dylan, salamat!

Ako: Ikaw talaga cutiepie oh! Walang anuman basta ikaw, lakas mo kaya sakin!

Sabay ngiti at kindat ko sa kanya.

Kenzo: Sige basta mamaya ha hihintayin kita?

Sagot naman niya sakin habang nakangiti.

Ako: Okay lil' cutie, see you later!!!

Sagot ko habang ginugulo ang kanyang buhok.

Kenzo: Sige pasok na ako, ikaw din baka mahuli ka pa sa klase mo!

Pagpapaalam na sabi sakin ni Kenzo, habang ang sagot ko lang ay ngiti at pag-saludo ng kamay.

Naglakad na ako at pumunta na sa aking first class.

..........

As usual lecture dito, lecture doon...discussion dito, discussion doon...

Ilang oras ng ganun ang aming ginagawa sa mga klase namin.

Beating Hearts (Bisexual Love Story)Where stories live. Discover now