CHAPTER 13: Sembreak Vacation

813 20 4
                                    

Kenzo Trinidad's P.O.V. (Point of View)

"TOUCHDOWN BATANGAS!!!"

Pasigaw kong sabi para silang lahat ay magising.

Kaming dalawa lang ni manong driver ang gising, at knockout sila Mike na nasa tabi ng driver, ang magkakatabing sina Reese, Hanna, at Cyril sa gitna, at syempre ang katabi kong si Dylan dito sa likod.

As usual, ang kotse parin ni Mike ang gamit namin tulad nang nagpunta kami sa EK noon.

Pero, nagsama na siya ng driver para ipagmaneho kami dahil hidi niya kabisado ang mga pasikot sikot dito sa Batangas.

Sa lakas ng sigaw ko, ay matagumpay ko naman silang nagising lahat. HAHAHAHA!

"Are we here?"

Inaantok pa na tanong sakin ni Dylan sabay hikab at kusot ng kanyang mata.

"Sir, andito na po tayo."

Mahinahon namang sabi ni manong driver kay Mike.

Maya maya pa'y bumaba na kami ng kotse para makapag check-in na sa Beach Resort na aming tutuluyan.

Kami ay nandito ngayon sa bayan ng San Juan, sa probinsya ng Batangas.

Napili ng barkada na sa Laiya Coco Grove kami manananitili ng 2 nights and 3 days, at doon namin sasariwain ang aming sembreak.

MASAYA ITO!!

Nakakahawa ang ngiti ng mga tauhan ng Resort, na sa admission palang ay mainit ang pagsalubong sa amin.

Halatang maalaga, mabait at maasikaso sila sa mga tauhin ng resort.

Nakakatuwa din ang kanilang uniporme na hawaiian style summer look.

Binigyan din nila kami ng tig-iisang fresh buko juice.

Pagpasok namin ng resort ay namangha kaming lahat sa aming nakita...

Una naming nakita ang isang malaking Pavilion, sa loob nito ay ang dining area, meron ding mini bar at convenience store.

Sunod nama'y nagtungo kami sa obstacle and rope courses, na sa tingin ko'y para ito sa gustong mag-team building.

Mayroon ding swimming pool para sa mga bata.

Matapos ay tumambad samin ang Tree House at Sampaloc Terrace along the shoreline na matatanaw ang buong view ng Aplaya, Laiya.

At syempre, ang Beach Area!!!

Napakaganda at nakaka-relax itong pagmasdan, white sand, may mga bahay-kubo na pahingahan, at sa kabilang banda ay may mga tents na kung saan ay pwedeng mag-camping.

Bakas sa mukha at mata naming lahat ang pagkamangha, mukhang magiging masaya at megeenjoy ang lahat!

Sila Mike at Cyril na panay ang turo sa bawat nakikita namin at madaanan.

Sila Hanna at Reese naman na nagala-photographer sa bawat pagkuha ng pictures saan man kami magtungo.

Kami namang dalawa ni Dylan ay tahimik lang na magkatabi habang naglalakad.

Nakaakbay siya sakin at tumuturo-turo din sa mga tanawing aming nakikita, sa bawat pagkakataong nagkaka-tinginan kami ay parehas lang kaming ngumingiti sa isa't isa.....

Maaga kaming nakarating sa resort kaya nama'y iilan pa lamang ang narito.

Hinanap muna namin ang aming tutuluyan, napagdesisyunan naming kumuha ng isang Cabin type room, ayos na ito sa amin at may kalakihan pa nga dahil pito lang naman kami, ang buong tropa, at syempre kasama si manong driver.

Beating Hearts (Bisexual Love Story)Where stories live. Discover now