CHAPTER 14: Disclosure

701 20 4
                                    

Dylan Mendoza's P.O.V. (Point of View)

Matapos ang tatlong araw na pananatili sa Batangas ay agad naman kaming umuwi.

Masasabi kong isa iyon sa mga hindi ko makakalimutang bakasyon.

Dahil kasama ko ang aking mga kaibigan, at syempre ang espesyal na taong aking mahal.

Lalo narin at naipahayag namin ni Kenzo ang aming tunay na nararamdaman...ang pagmamahal namin sa isa't isa.

Napakasaya ko dahil nagawa ko nang aminin ang totoo kong nararamdaman sa taong mahal ko.

Aaminin ko na noong una ay natakot ako...takot sa maraming bagay at dahilan.

Una'y kung ganun din kaya ang nararamdaman sa akin ni Kenzo?

Kung matatanggap kaya ito ng mga taong nakapaligid samin kung sakali man?

Ng aking mga kaibigan...at syempre, ang aking pamilya.

Dumapo rin sa aking isipan ang mga taong manghuhusga sa amin, at kung ano ang sasabihin nila...

Pero sa kabila ng mga tanong na ito na gumugulo sa aking isipan ay naisip ko ring...

Hindi ko kailangang isipin pa kung ano ang sasabihin ng iba.

Hindi ko naman mapipigilan ang aking nararamdaman, hindi ko rin kontrolado kung kanino titibok ang aking puso, at hindi ko naman ito matuturuan kung sino ang mamahalin...

Isang bagay na aking natutunan sa aking buhay...Na nagsisimula ang pagtanggap sa iyong sarili.

Tanggap man ng ibang tao o hindi, ay wala na akong pakealam...

Dahil ang mahalaga'y mahal ko si Kenzo, yun lang.

Hindi pa man sigurado noon kung may nararamdaman din ba siya sa akin ay lumaban ako...

Natakot man ako ay ayos lang, dahil naniniwala akong...

Oo, mahalaga na maging matapang ka sa pag-ibig, pero ang mas importante dito ay kung gusto mo ba talagang magmahal, o hindi...

Kaya't ubod ang aking pasasalamat at kasiyahan nang malamang may pagtingin din sakin si Kenzo.

At tanggap kami ng aming mga mahal na kaibigan...

.....

Sulit ang pananatili namin sa napakagandang beach resort na iyon.

Maraming salamat, Laiya Coco Grove, San Juan, Batangas!

Panigurado'y babalik kami balang araw.

Mahaba pa ang sembreak, ito ang oras para kami ay makapag-pahinga mula sa isang stressful na unang semester at paghahanda narin sa paparating na pangalawang semester...

6PM na ako nakauwi ng aming bahay.

Agad ko namang binuksan ang gate at pumasok na.

Laking gulat ko nang makita ko si Daddy!

Umuwi na pala siya galing sa United Kingdom.

Nakita ko rin si Mommy, na kahit na nandito sa Pinas ay madalang ko lang makasama sa bahay dahil siya'y busy.

Parehas nakatuon ang kanilang pansin sa pag-aasikaso ng aming kumpanya.

Kaya minsan lang kaming mabuo sa luob ng aming tahanan...

Agad naman akong nilapitan ni Mommy at niyakap ako ng mahigpit.

Mommy: Oh Dylan my son, how was your vacation in Batangas, nag-enjoy ba kayo ng friends mo?

Beating Hearts (Bisexual Love Story)Where stories live. Discover now