CHAPTER 16: The Big Reveal

640 23 4
                                    

Dylan Mendoza's P.O.V. (Point of View)

Summer Break parin dito sa California, pero malapit-lapit naring magsimula ang pasukan.

May mga iminungkahi naman saking magaganda at sikat na Universities si Daddy na pwede kong pasukan dito sa San Francisco.

Tuloy na nga siguro ang pag-aaral ko dito sa states.

Bagong buhay ika nga, at bagong Dylan...

Ang boring sa condo dahil ako lang magisa ang naroon.

Si Dad kasi ay may inaasikaso...As usual, ano pa nga ba? Edi business stuffs!

Kaya lumabas muna ako ng condo at mag-isang inikot ang San Francisco dahil wala pa naman akong kakilala o kaibigan pa dito.

Kaya no choice! Solo flight akong mamamasyal...

Kesa naman magmukmok ako mag-isa sa loob ng condo, sobrang nakakabagot!!!

Kaya mas pinili ko nalang na lumabas muna kahit mag-isa lang ako...

Maaliwalas ang hapong iyon na kahit tirik ang sikat ng araw ay malamig ang simoy ng hangin.

Habang naglalakad ay napadpad ako ng aking mga paa sa isang park.

Umupo sa isang bench at nagmuni-muni habang nakatingin sa maaliwalas na mga ulap sa langit.

Nagiisip ng kung ano-anong mga bagay...

Hindi ko pinagsisisihang minahal ko si Kenzo, at hindi ko makakalimutan ang mga masasayang araw na kapiling ko siya.

Lumayo man ako sa kanya ay hindi naman siya nawala sa aking puso't isipan.

Sadya lang talaga sigurong hindi pa ito ang tamang panahon para sa amin.

Sana sa oras ng aking pagbabalik at makita't makausap ko muli siya ay maintindihan niya ako.

Kung bakit ko nagawang lumayo, at iwanan siya...

Masakit at mahirap mang pansamantalang iwanan ang buhay ko sa Pilipinas ay pilit ko muna itong isinantabi para di ako malungkot.

Naintindihan ko naman si Dad, na ang pagpunta namin dito ay para sa aking ikakabuti.....

Hindi rin ako nagtagal at napagpasyahan ko nalang na umuwi.

Pagpasok ng condo ay nadatnan ko naman agad si Dad...

Daddy: Oh hi son! Where have you been?

Ako: Hello Dad, andito ka na pala! Ah, dyan lang po sa park...ang boring kasi dito eh!

Daddy: Ah ganun ba, wag ka magalala dahil may makakasama ka narin dito soon...

Ako: Really? That's cool! Eh sino naman?

Umupo kami sa sofa at inabutan ako ni Dad ng coffee, at nagtuloy-tuloy ang aming kwentuhan.

Daddy: Makikilala mo rin sila as soon as they got here! He's a friend of your Mom and kasama niya yung daughter niya. Sa pagkakaalam ko ay matagal na silang nakatira dito sa SanFo pero dahil nagkaproblema ang kumpanya nila ay umuwi sila ng Pinas para ayusin yun...At dun niya ulit nakita ang Mom mo, na ka-batch niya nung college, at dahil Hotel din ang business nila tulad ng satin, kinausap ako ng Mom mo at napagdesisyunan namin na gawin silang business partners at tulungan sila! Since kaibigan naman sila ng Mom mo. Kaya nung nalaman kong babalik sila ulit dito, ay napagpasyahan naming dito na ituloy ang pagaasikaso ng Hotels. Right timing rin iyon para makilala mo ang anak niya at maging magkaibigan kayo...Habang yung wife naman niya ay nagpaiwan sa Pinas para sila naman ng Mom mo ang magtulong na magasikaso dun.

Beating Hearts (Bisexual Love Story)Where stories live. Discover now