CHAPTER 19: Holding On

605 19 0
                                    

Author's P.O.V. (Point of View)

Nagising si Kenzo at pag-mulat niya ng kanyang mga mata ay nakita niyang nasa loob na siya ng isang hospital room, at nakahiga.

Paglingon naman niya ay nakita niyang nakaupo sa sofa sa tabi ang kanyang Mommy at Daddy.

Samantalang ang kanyang Ate Kate at Kuya Kean naman ay nag-aayos ng kanilang mga gamit.

Kenzo's Mom: Son, buti nalang nagising ka na! Salamat sa Diyos at nagka-malay ka narin. Sabi ng mga nagdala sainyo ng kaibigan mo dito sa hospital ay nag-crash ang sinasakyan niyong kotse sa isang malaking puno. Kamusta na ang pakiramdam mo anak?

Kenzo's Dad: Nasabi samin ng Doctor na stable naman daw ang condition mo pero nabali daw ang left leg mo, at nagkaroon ka din ng mild head injury, pero buti na lang at walang na-trace na kahit anong brain bleed sa MRI. But son, you're under observation for at least 24 hours, kaya kailangan mo munang magpahinga at magpagaling. Kapag wala ng complications ay ililipat ka na sa recovering room.

Kenzo: Opo Ma, Pa. Pauwi na po sana kami ni Dylan, pero ang dilim na ng daan at iilang mga streetlights nalang ang bukas kaya di na namin masyadong kita ang dinadaanan namin, may sumalubong sa aming isang malaking truck. Muntik na kaming mabunggo pero buti nalang ang naiwas ito ni Dylan, pero sa kasamaan-palad sa isang malaking puno naman kami nabunggo. Wag na po kayo masyadong mag-alala, medyo ayos naman na po ang pakiramdam ko...Kamusta na nga po pala si Dylan, may balita po ba kayo sa kanya?

Kenzo's Ate Kate: Ang nasabi sa amin ay parehas naman daw kayong agad na naitakbo sa hospital.

Kenzo's Kuya Kean: Hindi nga lang namin alam kung saan siya dinala.

Matapos marinig iyon ay napahawak nalang siya sa kanyang dibdib, sa kwintas kung saan nakasabit ang kanilang singsing ni Dylan, habang lubos ang kanyang pag-aalala.

"Sana ayos lang din ang kalagayan niya tulad ko, gusto ko siyang makita..."

Naluluhang sambit ni Kenzo...

.....

"Bakit naman ganun? Kung kelan naman ayos na ang lahat, nasagot na lahat ng tanong ko sa biglang pagkawala ni Dylan, kung kelan muli na siyang bumalik sa aking piling, kung kelan masaya na kami sa piling ng isa't isa, ay bigla namang napalitan ng ganitong pangyayari...Ang bilis naman agad bawiin!"

Saad ni Kenzo sa kanyang isipan.....

..........

Sa kabilang dako, nang malaman ng Mommy ni Dylan ang nangyari sa kanyang anak ay agad naman siyang pumunta sa hospital kung saan ito dinala matapos ang aksidente...

Nang makarating sa hospital ay tinanong niya agad kung saan ang kwarto na pinagdalhan sa kanyang mahal na anak.

At dali daling pumunta rito, naglalakad pa lamang siya papunta sa kwarto ni Dylan ay hindi na niya maiwasang maluha dahil sa pag-aalala sa kalagayan ng kanyang anak.

Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanya ang kanyang anak, nakahiga at wala parin malay...

Dylan's Mom: Oh Dylan, my son! What happened?

Pagkagulat na sabi niya habang papalapit sa kanyang anak...

Andun din ang mga kaibigan ni Dylan, sila Mike, Cyril, Reese, at Hanna.

Agad namang nilapitan nila Hanna at Reese ang Mommy ni Dylan at niyakap ito, hinimas-himas ang likod nito para huminahon ng kaunti...Pinaupo at binigyan ng tubig.

Habang sila Dylan at Cyril naman ay tinawag ang Doctor.

Ilang saglit pa'y dumating na ang doctor.

Beating Hearts (Bisexual Love Story)Where stories live. Discover now