CHAPTER 4: Tour Guide

1.5K 32 3
                                    

Nang kami ay maghiwa-hiwalay ng aking mga kaibigan ay pumunta na ako sa meeting place namin ni Kenzo, hinanap ang nagiisang bench na may puno sa gilid at umupo na rito.

Kinuha ko ang phone at earphones ko dahil mamayang 4pm pa naman ang out ni Kenzo at pagtingin ko sa aking relo ay 2:30 palang naman, kumuha din ako ng tubig dahil ang init nang hapong iyon kaya nauhaw at uminom muna ako.

"Grabe tirik na tirik ang sikat ng araw, mabuti nalang at may hangin."

Bigla ko nalang itong nasambit sa aking isipan.

Tinatanaw ko lang ang mga estudyanteng naglalakaran sa freedom park, karamihan dito ay mga Freshmen. Meron ding mag-isa na tila loner, at syempre may mag-kasintahan, mga magkakaibigan at iba pa.

Tanaw ko rin ang mga volleyball at basketball varsity players na nagte-training. Doon ko lang muli na-realize at appreciate ang ganda at aliwalas ng university namin, tulad ng aking naramdaman noong bagong pasok pa lamang ako dito.

"Siguro ganito ang naramdaman ni Kenzo kanina pagpasok niya dito."

Ayan ang biglang sumagi sa aking isipan.

Inisip ko rin kung ano ang mga ibabahagi kong kwento mamaya pagdating ni Kenzo habang nililibot ko siya sa aming unibersidad at kung saang mga magaganda at mahahalagang lugar ko din siya dadalhin dahil gusto kong mag-enjoy si Kenzo at maging unforgettable at masaya ang kanyang first day dito sa aming unibersidad.

Habang nagmumuni-muni at nagiisip ng mga bagay bagay ay biglang dumaan ang napaka-among mukha ni Kenzo sa aking isipan, na aking napansin habang pinagmamasdan ko siyang kumakain kanina...

Sobrang detalyadong detalyado na para bang kinuhaan siya ng letrato ng aking mga mata at sinave ito sa utak ko.

Para siyang bata sa aking paningin, siguro dahil sa kanyang laki din, sa pakiwari ko ay hanggang balikat ko lang siya. Kung sa bagay naman eh medyo may katangkaran din naman ako.

Ang kakaibang hugis ng kanyang mata na nagbigay sa kanya ng chinito look, matangos niyang ilong at mapupulang labi.

Nang hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang naiisip ang mga bagay na yun, at nang bigla akong nabalik sa aking ulirat...

"Huy Dylan Mendoza! Ano bang nangyayari sayo? Nagugustuhan mo na ba si Kenzo?"

"Lalaki ka! Teka lalaki nga ba?"

"Pwede bang magka-gusto ka sa isang kapwa mo lalaki?"

"May chance kaya..."

Ayan na bigla ang pumalit sa mga iniisip ko kanina at paulit ulit na tanong na umiikot na ngayon sa aking utak. Tila ba ako'y naguguluhan at nalilito.

Sa pagkakakilala ko naman sa sarili ko ay lalaki naman ako, as in straight guy. Hindi naman sa pagmamayabang pero madami nga din ang mga babaeng naghahabol sa akin at may ex-girlfriend din akong minahal ko ng sobra, si Gail.

Pero bakit parang naguguluhan na ako sa sarili ko ngayon?

"HAAAY!! ANO BA NAMAN YAN!!!"

Bigla ko nalang bulong sa aking sarili, nang biglang.....

"Huy Dylan! Anong nangyayari sayo dyan, sinong kausap mo?"

Pagtatanong ni Kenzo habang tumitingin sa paligid kung meron ba akong kasama.

Sobra akong nagulat dahil paglingon ko ay nakatabi na pala sakin si Kenzo at parang nagtataka sa mga kilos ko, pakiramdam ko nga ay bahagya akong namutla ng mga sandaling iyon.

Beating Hearts (Bisexual Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon