CHAPTER 10: The Promise Ring

952 28 1
                                    

Kenzo Trinidad's POV (Point of View)

*Kriiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiing!*

Nagising ako dahil sa ingay ng aking alarm clock.

Tumingin ako sa orasan at nakitang..."09:00 AM-SATURDAY"

Sa totoo lang ay late na ako gumigising pag weekends, mga bandang alas dose ng tanghali.

Kaya naman sinet ko ang aking alarm clock para maaga akong magising dahil sabi ni Dylan ay 10 AM daw nila ako susunduin dito kasama ang mga kaibigan niya.

Sa Enchanted Kingdom nga pala kami pupunta, dun namin ise-celebrate ang kaarawan ni Mike!!

At dahil birthday niya, libre lahat!!! Oh diba ang saya? HAHAHAHA!

Dali dali naman akong bumangon para ihanda na ang aking sarili.  

Kumuha na ako ng towel at pumasok na sa CR.

Matapos maligo ay binuksan ko naman ang aking cabinet upang mamili ng aking susuotin.

Ang napili kong suotin ay ang aking grey polo-shirt na may aztec print design, nag-denim shorts nalang din ako para mas comportable, kinuha ko din ang aking black classic vans.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba muna ako para kumain ng agahan.

Matapos kumain at mag-toothbrush ay umakyat muli ako sa aking kwarto.

Pag-akyat ko ay kinuha ko ang aking bag para ayusin ang aking mga dadalhin.

Konti lang naman ang aking dadalhin kaya sling bag nalang ang gagamitin ko at hindi na bagpack.

Ang una kong nilagay ay ang aking regalo para kay Mike, isang silver rolex wrist watch na Daniel Klein ang tatak na nabili ko pa sa SM Department Store nung isang araw, ito nalang ang aking binili dahil wala akong maisip na ibigay sa kanya at di ko pa naman siya ganoong kakilala. Nilagay ko rin ang wallet ko syempre, ang aking phone, dinala ko rin ang aking DSLR para naman makapag-picture picture kami doon. Nagdala narin ako ng extrang damit at face towel.

Nang handa na ang aking mga dadalhin ay humarap ako sa salamin upang mag-ayos ng buhok, kinuha ang aking wax at naglagay ng kaunti sa aking malambot na buhok, kinuha ang aking suklay at binrush-up ang aking buhok. Ayan ang gwapo ko na! Hehe.

Kinuha ko naman ang aking pabango at nag-spray sa aking buong katawan, matapos ay inilagay ko narin ito sa aking bag.

AND I'M DONE & READY TO GOOO!

Ilang sandali pa habang ako'y naghihintay sa aking kwarto ay may narinig na akong bumubusinang kotse sa labas ng aming bahay.

*BEEEEEP! BEEEEEP!*

Nang marinig ko iyon ay agad kong kinuha ang aking bag at dali dali nang lumabas ng kwarto, bumaba na, nagpaalam kela Kuya Kean at Ate Kate at lumabas na ng bahay.

Paglabas ko ng aming gate ay tumambad sakin ang isang Black Honda Odyssey na pagmamay-ari ni Mike.

Bumukas naman ang kanang pinto sa bandang gitna ng kotse at nakita ko sila Hanna & Reese na narito.

Reese: Hi Kenzo, good morning!

Hanna: Ang gwapo natin ah! Hehe, tara na!!

Ako: Hello, good morning din! Kayo talaga!!!

Nakita ko rin si Dylan na nasa likod na kumaway at nakangiti sakin.

"Grabe lang, ang gwapo niya talaga!" Biglang saad ng aking isipan...

Well, totoo naman talaga pero hay nako tumigil ka na nga Kenzo! Pumasok ka nalang sa kotse!

At inayos ni Hanna ang kanang upuan sa tabi niya para makapasok ako.

Beating Hearts (Bisexual Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon