Chapter 32: Forgive me

Start from the beginning
                                    

He looked disappointed but he still forced to smile. "Okay, you still have three days ti think about it. I hope you'll choose what's best for you."

"I will but give me time to think about it."

Bago pa makaalis si Kiro sa bahay narinig namin sa labas si Caleb. Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya. Sinilip ko siya at nagsisisigaw siya sa labas ng gate namin.

"Just stay here and let me face him." Utos ni Kiro. "Wag kang lumabas, dito ka lang."

Sinunod ko si Kiro. Hindi ako lumabas pero nakatingin ako sakanila mula sa window glass sa gilid ng pinto. Ang lakas ng boses ni Caleb kaya hanggang dito dinig ko 'yong mga sinasabi niya.

"Asan si Angel?" Tanong niya. Sumilip siya sa loob. "Angel! Lumabas ka dyan! Mag usap tayo please!" Papasok sana siya pero hinarangan siya ni Kiro. "Ano ba?! Bitawan mo ko! Kailangan kong makausap si Angel!" Hinawakan ni Kiro ang kwelyo ng damit niya.

"I told you if you'll hurt her you will never see her and I will hunt you down."

"Hindi ko siya gustong saktan! Let me fvcking explain!" Hindi nag papawat si Caleb kaya sinuntok siya ni Kiro. Sa sobrang lakas ng suntok na 'yon napahiga na lang si Kiro. Hindi ko pa din maiwasan na mag alala para kay Caleb. Gusto kong lumabas at awatin sila pero pinipigilan ako ng fact na niloko niya ako. "Ano bang problema mo?!" Tumayo siya at lumapit ulit siya pero sinuntok lang ulit siya ni Kiro.

"Ikaw! Sinaktan mo 'yong best friend ko! Gago ka!" Sinuntok na naman niya si Caleb. Dumudugo na 'yong labi ni Caleb pero hindi pa dib siya lumalaban pabalik. "Niloko mo siyang hayop ka! You don't deserve her! Pwede ba?! Lubayan mo na si Trix!" Hindi siya pinakinggan ni Caleb at lumuhod siya.

Bigla na lang siyang umiyak. "Angel, alam ko naririnig mo ko.. please mag usap naman tayo. Mahal na mahal kita. Please kausapin mo ako!" Unti unting lumalambot ang puso ko para sakanya pero baka part na naman 'to ng plano nila.

Hindi, hindi ka na dapat maniwala sakanila, Angel.

"Umalis ka na!" Sigaw ulit si Kiro. "Gusto ko bang magpatawag pa ako ng security?"

Tumayo si Caleb at tumingin ulit siya sa bahay. Hindi ko masabi kung nasasaktan ba talaga siya ngayon o nagpapanggap lang siya para sa plano nila ni Skie. I can't trust him anymore.

Pag-alis niya pumasok ulit sa bahay si Kiro. "Trix, don't believe him anymore. He doesn't love you because if he really do, he'll not going to hurt you like this." Kiro is right. He doesn't love me. "Just call me if you need me, okay? And think about my offer."

Pagkaalis ni Kiro bumalik ako sa kwarto ko. Humiga lang ako sa kama ko. Hindi ko pa din maiwasan na maiyak. Oo masakit maloko pero mas masakit kapag 'yong taong mahal mo 'yong nanloko sayo. 'Yong taong pinagkatiwalaan mo ng sobra. 'Yong taong nagbigay sayo ng rason para magmahal ulit.

Tama na Angel, kalimutan mo na siya. Niloko ka niya at hindi ka niya mahal.

Kinuha ko ang phone ko at ang daming text at missed call ni Caleb. Hindi ko na binasa 'yong mga text niya. Binura ko lahat 'yon pati number niya. Binura ko din lahat ng pictures namin sa phone ko. Kailangan ko na siyang burahin sa buhay ko.

Halos ganito din 'yong naramdaman ko nuon nang makipaghiwalay sakin si Skie nang walang dahilan. Ang sakit na para bang dinudurog ang puso mo. Alam kong saglit pa lang naging kami pero sa sandaling panahon na 'yon ay minahal ko na siya.

Natulog ako sandali at nagising ako dahil sa boses ni Mommy. "Beatrix, nasa baba si Skie."

Napatayo agad ako. "What?!"

"Why? Is there something wrong?" Oo nga pala, walang alam sila Mommy dito. Ayoko na din sabihin sakanila dahil mag-aalala lang sila. "May problema ba kayo ni Skie?"

"Wala Mom, hindi ko lang inaasahan na pupunta siya dito." Ang kapal ng mukha niyang puntahan pa ako dito. "Bababa na din po ako." Pinauna ko na si Mom. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako bumaba para harapin si Skie.

Nasa labas siya at nakaupo sa wooden chair katapat ng lanai. Tumayo lang ako malapit sakanya. Sa totoo lang ayoko siyang makita. Oo, galit ako sakanya.

"Why are you here?" Nagulat ko pa ata siya. Tumayo siya pero pinigilan ko siyang lumapit sakin. Akala mo napakaamo ng mukha niya. "May lakas ng loob ka pa talagang humarap sakin." Pinipiglan ko lang 'yong sarili ko pero gustong gusto ko ka siyang sigawan at sampalin pero hindi ko gagawin 'yon dahil nandito ang parents ko at ayokong malaman nila ang lahat.

"Angel, let me explain."

"Explain what? Hindi naman ako tanga Skie, eh. Malinaw naman sakin na pinagplanuhan niyo ako. For what? Para masaktan ako at para bumalik ako sa New York kasi gusto mo akong mawala sa buhay mo." The least thing that I want is to cry in front of him but I can't help it. Masakit pa din sakin ang lahat. "Wala naman akong ginawang masama sa inyo para saktan niyo ako. Ang sama niyong lahat. Ang sama sama mo."

"Angel, nagkamali ako. I'm really sorry."

"You don't need to be sorry because you won. Nasaktan niyo ako. Nagtagumpay ang plano niyo." Pinunasan ko agad ang luha sa mga mata ko. Sapat ng malaman niya na nasaktan ako. Ayoko nang makita pa ng dalawa niya mata kung gaano ako nasasaktan ngayon.

"Oo, galit ako sayo at gusto kong mawala ka na sa buhay ko pero dati 'yon, Angel. Nagbago na ang lahat. 'Yong friendship na inalok ko sayo, totoo lahat 'yon. Totoong mahal ka ni Caleb. Angel, makinig ka naman samin."

"Do you think I will believe you after what you've done?" Natawa ako. Ganon ba kababa ang tingin niya sakin? "Hindi ako ganon ka-tanga para maniwala ulit sa inyo kaya pwede ba? Umalis ka na."

"Angel--"

"Umalis ka na!"

Wala nang ibang nagawa si Skie kung hindi ang umalis. Napaupo ako at napaisip.

Tama talaga si Kiro. Hindi na talaga siya ang Skie na minahal ko. Mas malala pa siya sa Skie nuon. Galit ako sakanya. Galit ako dahil siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Galit ako dahil ibang iba na siya sa dating Skie. Ang sama ng ugali niya. Siya ang nagplano ng lahat ng 'to. Ginawa niya talaga 'to para lang mawala ako sa buhay niya. How pathetic.

Bago ako matulog, inisip ko ulit kung dapat ba akong sumama kay Kiro sa New York o magpapaiwan ako dito.

Nakapag-isip na ako.. I'll stay here.

Gaganti ako sakanilang lahat. Ipaparamdam ko sakanila 'yong sakit na pinaramdam nila sakin. Hindi ako basta basta na lang magpapatalo, babawi ako. I want to see them miserable, si Luke, si Enzo, si Caleb at lalo na si Skie at ang bitch niyang girlfriend.

I will all break you, just wait and see.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now