[C: 9] Abduction

Beginne am Anfang
                                    


"Thanks Jade, I love you" wika ko pa at hinalikan siya sa pinsgi na siyang nagpatawa ng lahat ng nakakita sa amin.


"BABY, Lets go?" napatingin ako sa kanya at tumango. Kakatapos ko lang din kasing mag- ayos kaya ito at papunta na kami sa shop. As what we dealed na kailangan kong tumulong kahit sa pagpili lang ng mga bagay- bagay ay iyon ang gagawin naming. He said that he will take a leave para samahan ako at ito nga ay papunta na kami doon. Ngumiti ako sa kanya tsaka inabot ang nakalahad niyang mga kamay. Inalayayan naman niya ako hanggat sa makarating kami sa sasakyan. Gaya ng sabi ng doctor ay sinunod naming iyon, I ate fruits and drink milk kaya alam ko din na kumakapit si baby sa akin.


Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at inayos ang seat belt ko. Masaya ako dahil kahit paano ay hindi ako iniwan ni Jade, na lagi lang siyang nandiyan at talagang bumabawi siya sa lahat ng pagkukulang niya sa akin noon.


Habang naglalakbay kami ay hindi ko mapigilang isipin si Ate Nicole. Kahit paano ay naging sandalan naming ang isa't- isa noon. Alam ko naman na wala siyang nararamdaman kay Jade dahil iyon ang sinasabi sa akin ni Jade na naiinggit lang siya sa akin dahil magmula noon ay ako ang laging binibigyan ni mommy at daddy ng pansin. Hindi ko naman sila masisisi. They treated her very well but sometimes she became brat and keep on bitches around while me on the other hand ay laging nakasunod sa gusto nina Mommy until Nicole saw me with Jade—making out inside his car. Alam ko naman na pinagbabawal iyon ni Mommy sa amin but I love him kaya hindi ako nagpapigil sa kanya, sinumbong niya ako pero I denied at dahil doon, nagsimula siyang manlamig sa akin. Dad decided to sent her abroad at doon na din angkanda letche- letche ang buhay ko dahil inagaw niya sa akin si Jade then until now ay nandito parin kami sa problema naming na iyon.


Napakurap ako ng may mapansin ako sa tinatahak naming daan. Tinignan ko si Jade pero hindi siya nakatingin sa akin at tanging nakangiti lang siya habang nagmamaneho. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi parin siya sa lumilingon sa akin.


"Akala ko ba sa shop tayo?" Tanong ko sa kanya, binalingan niya ako at kumindat bago ibinalik sa daan ang kanyang tingin.


"Nope may pupuntahan pa tayo, something Special" nagkibit balikat na lamang ako at hinayaan ko nalang siya. Nakatingin lang ako sa bintana. Siya naman pinagpatuloy niya lang 'yong pagdra-drive niya.


"We're here" napatingin ako sa labas. Nasa isang resort kaming dalawa. Kahit na nagtataka ay hindi ko na lamang siya tinanong pa dahil alam ko naman na safe ako sa kanya. Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan at sabay kaming pumasok na sa loob resort.


"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kanya habang tinatahak namin ang daan papuntang pool area. Mula sa aming nilalakaran ay natanaw ko na ang tubig na nasa pool kaya alam ko kung saan kami pupunta. Hindi pa kami tuluyang naka pasok sa pool area ay agad niyang tinakpan ang mata ko.


"Jade ano ba 'to?" Nagtataka kong tanong at aalisin n asana ang kamay niya ng nagsalita siya.


"This is a surprise kaya chill ka lang diyan" Aniya kaya kumalma na lamang ako. Nakatakip ang isang kamay niya sa mata ko habang ang isa naman ay inalalayan akong maglakad.


"Now tatanggalin ko ang kamay ko pero wag ka na munang dumilat okay?" Tumango na lamang ako dahil wala naman akong magagawa lalo na at sinabi niyang surprise ito kaya pagbibigyan ko siya.


"At the count of three open your eyes okay?" tumango ako.


"One..."


"Two..."


"Three" halos manlaki ang mata ko sa nakikita ko. Napakatirik ng araw pero 'yong mga design sa may pool.


"Nagustuhan mo ba?" tanong niya at niyakap ako patalikod habang tinitignan naming ang nasa pool. Ang pool ay form na puso tapos sa gitna naman nun may nakalagay na "Will you be my girl for the rest of my life?" tapos ang tubig naman ay napakaclear na may picture pa naming dalawa. Bumitiw ako sa pagkakayakap niya sa akin at tinignan siya.


"J-jade, a...akala ko ba--" hindi na niya ako pinatapos sa kung ano ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako matapos ay agad siyang lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.


"You deserve whats the best in this world baby, you we're always be my princess and my queen. Our engagement doesn't need to be elegant because being you beside me is what they called luxury. Ikaw ang babaeng hindi kailanman mapapalitan sa puso ko. Na kagaya ng tubig na umaalon ay sasabay ako lalo na at lagi kitang kasama. Sasabayan natin ang agos ng buhay. Ang agod ng tubig na kahit saan man tayo mapunta, sa hirap at ginhawa ay may roon lamang ikaw at ako. Now Gabriella Ana Marie Flores, will you be my girl for the rest of my life? Will you be my wife? The mother of my child and will you be Mrs. Jade Jimenez" naiiyak na ako sa sinasabi niya. Mahal na mahal ko siya at alam kong hinding- hindi ako magkakamali na binigyan siya ng pangalawang pagkakataon. Itinayo ko siya at hinalikan ng mariin. Na sa mga halik na iyon ay doon ko sinasabi kung ano ang sagot ko sa lahat ng tanong niya. Ng bumitaw ako ay ngumiti ako sa kanya.


"Yes, I will be—" bago ko pa man simulan ang sasabihin ko ay agad na may pumigil sa akin.


"You two! You don't deserve a happy ending. Hinding- hindi kayo magiging masaya" Hindi ko na alam kong ano ang nangyari. Kung paano nauwi ang wala sa lahat. Na kung paano nawala ang mga bagay na tila isang panaginip lamang at ngayon ay magigising na ako sa katotohanan. Naririnig ko 'pang sumisigaw si Jade pero hindi na niya kami na habol, hindi na niya kami naabutan.


Jade Please Help me!! Bulong ko sa hangin hanggang sa mawalan ako ng malay.

--**--

OMG!! What's up guys? Haha, kidnapan na 'to m'en kaya naman ready yourself sa susunod na maaaring mangyari. React naman kayo diyan. Ingay' 2 din pag may time. Tsaka isa pa, usap tayo. Sa kung ano ang reaction niyo sa mga mangyayari ngayon. Hmmm, tingin niyo sino ang kumidnap sa kanya? Clue: Minsan niyo lang siya nakilala at napapansin. Hmm sino nga kaya? Mine- mine may ni mo... Haha anyways, thanks for the votes and for reading this one. Love love love. Chapter's hashtag is #IAHEGAIBAbduction

P.S, suggest kayo ng name ng baby kahit babae o lalaki at ilagay niyo din ang hashtag #IAHEGAIBBabysName

P.P.S, Do like my facebook page @ZelsEmyaj for more updates at nag pla- plano din ako ng ZelsEmyaj Group pero kailangan ko ng admins para naman makapag- usap tayo. Marami pa akong kwentong susulatin na alam kong iibigin at magugustuhan niyo. Ang susunod kong mga kwento ay series na lahat. Ilalagay ko sa FB Group na gagawin ko at sa FB Page ang mga soon to be story ko. Thank you. 


Apprentice in Bed [Revised]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt