"I will kill you both."

Napasinghap ito at napaatras. "That's tough, babe!"

"I can do that." And she pouted. Of course, she couldn't, masyado niyang mahal si Clarkson para saktan.

"Don't worry, I'll try to avoid them. I can tell that I am a married man." At kumindat ito sa kanya.

"Binobola mo pa ako. Umalis ka na nga at baka ma-late ka pa sa flight mo," taboy niya rito at tumayo na siya upang hilahin ito palabas. Baka kasi magbago pa ang isip niya at ikulong ang lalaki sa loob ng kanyang condo unit.



UUWI muna si Amber sa bahay nila para bisitahin ang mga magulang. Nami-miss niya na ang mga ito. Nag-ayos lang siya saglit at umalis din agad. Kaya lang, habang nagmamaneho na siya ay tumawag si Natalie at inaya siyang mag-bar.

"I thought tatanggihan mo ako," biro ng kaibigan.

Siguro ay stressed ito sa trabaho kaya nag-ayang lumabas. Nahagip ng mga mata niya ang pasa nito sa braso. Maputi ito kaya litaw na litaw iyon kahit hindi masyadong maliwanag sa puwesto nila. Hinawakan niya iyon at agad naman itong napaigtad.

"Natalie, what happened? Bakit may pasa ka?" nag-aalalang tanong niya.

Tipid lang itong ngumiti at uminom muna ng wine bago muling nagsalita. "Si Scott ang may kasalanan kaya da—"

"What?! Bakit ano'ng ginawa sa 'yo ng lalaking 'yon?"

"Hey, umupo ka nga muna, kanina ka pa nakatayo diyan."

Sumunod naman siya at umupo sa high stool ng counter ng bar.

"Don't worry about this bruise. I can handle myself very well," makahulugang wika ni Natalie.

Agad niyang ininom ang wine na inilapag ng bartender sa tapat niya. "Nililigawan ka ba ni Scott?"

Tumawa ito nang pagak at lumingon sa kanya. "That bastard? He's not my type and I'm not he's type. So, that's impossible."

"But I heard from Clarkson na madalas kayong magkasama ni Scott."

"Because he's stalking me. That man is crazy."

"Maybe he likes you?" She fought a smile when she saw her friend blush upon hearing her words.

"He's not!" tanggi nito na inubos nang isang inuman ang laman ng baso.

"Hi there, ladies."

Nagulat siya nang biglang dumating ang topic nila. Lumapit si Scott kay Natalie at akmang hahalik sa pisngi nito nang mabilis na sikuhin ng kaibigan. Napayuko ang lalaki na tila iniinda ang sakit pero hindi naman talaga nasaktan. Sanay lang talaga itong umarte. Well, film director ito.

"One kiss lang. Such a selfish woman."

Napahawak sa dalawang sentido si Natalie at marahas na nilingon ang lalaki na ngayon ay bahagya pang umatras.

"Scott, bakit hindi na lang ikaw ang mag-artista?" sabad ni Amber bigla. Mas guwapo pa kasi ito sa mga leading man ng mga nagawa nitong pelikula.

Kumislap ang mga mata nito. "I always think about that but I want Natalie to be my leading lady, so I can kiss her nonstop," pilyong sagot nito at tinapunan ng nakakalokong ngiti ang kaibigan niya.

"Yeah, right. Sa panaginip mo lang mangyayari ang iniisip mo, Scott," sarkastikong sagot ni Natalie.

"I can kiss you now in front of your friend, baby. Don't provoke my ability of making girls hold their breath when I'm around."

Masyadong mahangin ang isang ito kaya pala nagkasundo ito, si Axer at ang boyfriend niyang si Clarkson. Hindi kaya magka-hydrocephalus ang magkakaibigan dahil sa dami ng hangin sa katawan? Tanging si Steven lang ang walang taglay na kayabangan. Siguro dahil doktor ito kaya alam nito ang kahihinatnan na sakit kapag puro hangin ang pumasok sa katawan nito.

Natawa siya nang muling sikuhin ni Natalie si Scott. This time ay solid na ang pagkakatama ng siko nito sa tiyan ng lalaki.

"Damn! Metal ba iyang tiyan mo?" reklamo ng kaibigan niya.

"We call it abs, baby." Itinaas pa ni Scott ang suot na damit upang ipakita ang abs daw nito. Okay fine, pareho ng kay Clarkson. May pandesal din ito.

"Amber, umuwi na nga tayo. I can't stay with this man anymore. Let's go."

Agad siyang tumayo at bumaling kay Scott. "Nice to see you here. Ang sungit ng kaibigan ko, 'no?" Nauna na kasing maglakad si Natalie dahil nabuwisit na.

"Yes, yes. She's scary."

"Are you scared??" she asked in amusement. Nasanay na siya kay Natalie kaya siguro deadma na lang siya sa nakakatakot nitong aura.

"She's intimidating. I try to act normal when she's around but damn, she really scares the hell out of me!"

Natawa siya sa frustration sa mukha ng lalaki. Kung titingnan mo kasi ay parang hindi ito natatakot sa kaibigan niya.

"You are funny. Akala ko pa naman Natalie found her match." Sinadya niyang magmukhang disappointed sa harap nito. She wanted to challenge him kung ano ba talaga ang intensiyon nito sa kaibigan niya.

"You wouldn't know what would happen next."

Nagkibit-balikat lang siya at parang isang modelo na naglakad palabas ng bar.

Sabay silang nagmaneho ni Natalie paalis ng lugar. Hindi sila masyadong uminom para makapagmaneho pauwi dahil wala si Clarkson para sunduin siya.

Pero napasigaw siya nang may bumangga sa likod ng sasakyan ng kaibigan. "What the hell?!" Agad niyang iginilid ang sasakyan sa daan at tinakbo ang kinaroroonan nito. "Open the door, Alie. Come on!"

"I'm fine. Go back to your car now, Amber."

"But your—"

"Now!" sigaw nito na nakapagpaatras sa kanya. Damn, she was scared. This was not her friend.

Tiningnan siya nito at pilit na ngumiti. "I'm sorry for shouting at you, Amber my dear. Please leave me here and go home. Please?" usal nito na tila ba nagpipigil lang ng saloobin.

Tumango siya at umatras nang dahan-dahan palayo rito.

Natalie mouthed, thank you.

Tumakbo siya palayo sa kaibigan at bumalik sa kotse niya. She was so sure that Natalie was hiding something from them. She couldn't figure out what it was but she was hoping that one day, she would.

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now