Habang naglalakad ay hindi ko lubusang maisip kung ano ang mangyayari sa amin—sa akin ngayong feeling ko ay magkakaanak na kami. Oo pinatawad ko na siya, oo ikakasal na kami pero feeling ko ay hindi parin sapat ang lahat ng iyon lalo na ngayong hindi pa tapos ang problema namin.

Habang naglalakad ako ay napansin ko ang isang babaeng umiiyak sa may bench dito sa labas ng hospital. Kinuha ko ang panyo ko at tumabi sa kanya.

"Miss wag ka ng umiyak oh, ito panyo" tumingin naman siya sa akin kaya ngumiti ako. Kinuha niya ang panyo tsaka pinahidad ang pisngi niya.

"Sorry miss ha naabala ata kita" aniya pero umiling lang ako.

"Okay lang iyon. If you don't mind bakit ka pala umiyak?"

"Buntis kasi ako at nalaman iyon ng asawa ko pero sabi niya hindi pa daw siya handa at iniwan kami ng magiging anak namin" agad kong nahigit ang aking hininga—paano kung? No—hindi iyon mangyayari dahil alam kong mahal niya ako.

"CONGRATULATIONS Misis, you are two weeks pregnant"

And the rest is history, noong una ay hindi ako makapaniwala pero wala na din naman akong ibang nagawa dahil iyon na eh, okay na at andoon na ang kaso hindi ko pa kayang sabihin sa kanya na magkakababy na kami.

"Baby are you okay?" agad akong napakurap tsaka tumingin sa kanya.

"Yup I am" sabi ko tsaka kumain na.

"Kain ka din" alok ko sa kanya pero napansin kong napangiwi siya at umiling.

"Mamaya na ako kakain, nabusong kasi ako sa kakatingin sayo" agad na namula ang mukha ko sa pinagsasabi niya. Alam ko naman kung bakit ayaw niyang kumain. Pinaluto ko kasi siya ng adobo tsaka noddles tapos ay pinaghalo ko iyong dalawa at nilagyan ng toyo. Alam ko namang nakadiri pero try niyong kainin diba masarap.

"Wag mo akong bolahin diyan Jade alam kong nandidiri ka sa kinakain ko" hindi naman ako naiinis o naiiyak. Siguro dahil ay hindi pa talaga siya fully develop ang pagbubutis ko o kaya ay maselan ang pagbubuntis ko.

"Nga pala baby, my secretary saw you yesterday sa hospital. Anong ginagawa mo doon?" Agad na bumugso ang kaba sa aking dibdib. Ano ang gagawin ko ngayon? Sasabihin ko na ba? Pero alam kong hindi pa ito ang tamang panahon.

"May p-pinuntahan lang akong kaibigan" hindi ako nakatingin sa kanya dahil alam ko na kapag ginawa ko iyon ay malalaman niyang nagsisinungaling ako sa kanya.

"Sabihin mo na sa akin ang lahat baby, hindi naman ako magagalit eh tsaka wala akong nabalitaan na kaibigan mo na naospital" napakagat labi ako. Wala na akong kawala sa kanya. Tumayo ako at pumunta sa kwarto naming.

"Baby?" hindi ko siya pinansin at may kinalkal ako sa bag na dala ko kahapon.

"Baby?" Lumingon ako sa kanya at inabot ang envelop na iyon.

"'Yan ang pinunta ko kahapon" tumingin siya sa akin at agad na bumalatay ang pag- aalala sa kanyang mga mata.

"M-may sakit ka?" gusto ko sanang matawa pero ang sarap niyang inisin kaya tila umiiyak ko siyang tinignan at umupo sa kama patalikod sa kanya.

"B-basahin mo nalang 'yan" humihikbi ko pang sabi sa kanya pero pinipigilan ko pading tumawa. Tinignan ko siya at ngayon ay nanlalaki ang mga mata niya habang binabasa ang papel na hawak niya. Tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako.

"Baby?" tumango ako tsaka lumapit sa kanya at niyakap niya.

"Yes, you are going to be a daddy"

--**--

Wew! His going to be a daddy now. So what's you view? Comment below with the hashtag #IAHEGAIBBaby. And attention, it is official na magiging bago ang flow ng kwento, marami akong idadagdag kaya naman ay sana suportahan niyo ito hanggang huli gaya ng pagsuporta niyo dito noong hanggang chapter six lang ito. Isa pa ay gusto ko din sanang sabihin na kung may readers man ako dito sa kwento kong Affair with my Boss ay wag kayong mag- alala. Sinasabay ko itong dalawa kaya ang The Dirty Night ay on hold na muna. Thank you sa lahat ng nagbabasa nito at sana ay wala parin kayong sawang mag- ingay. At kung may gusto kayong e- suggest ay sana naman ilagay niyo sa comment box sa ibaba. Thank you

P.S, suggest kayo ng name ng baby kahit babae o lalaki at ilagay niyo din ang hashtag #IAHEGAIBBabysName

P.P.S, Do like my facebook page @ZelsEmyaj for more updates at nag pla- plano din ako ng ZelsEmyaj Group pero kailangan ko ng admins para naman makapag- usap tayo. Marami pa akong kwentong susulatin na alam kong iibigin at magugustuhan niyo. Ang susunod kong mga kwento ay series na lahat. Ilalagay ko sa FB Group na gagawin ko at sa FB Page ang mga soon to be story ko. Thank you.


Apprentice in Bed [Revised]Where stories live. Discover now