"Sino naman ang babaeng tinutukoy mo, Xandra Elisse?" tanong nito sana sa tanong na itatanong niya.

Nag-isip muna si Elisse saglit.

"Gumagawa ka lang yata ng kwento."

"Hindi, 'no," magaap na sambit nito. "Si Mandy Lane. 'Yon ang laging kasama ni Clarkson sa mga party."

"Mandy Lane? The lingerie model?" curious na tanong niya.

Tumango-tango ang kaibigan. "Nakuha mo, friend, siya nga."

Tila nanliit si Amber sa ideyang iyon. That Mandy was a famous lingerie model, the perfect example of a goddess.

"O-okay."

"May business party nga tonight at sigurado akong pupunta ang mga 'yon," dagdag pa ni Elisse. "Puwede tayong magpunta, gusto n'yo? May access kami ni Kuya Axer do'n."

Umiling si Natalie na halatang ayaw sa mga ganoong klaseng pagdiriwang. "How about you, Amber?"

"Hmm, actually I have a date tonight with Clarkson," nahihiyang sabi niya.

"Goodness! Bakit ngayon mo lang sinabi?" Napahilot pa si Elisse sa sentido. "So, may something na sa inyo?"

Tumabingi ang ngiti niya nang makita ang labis na pagkinang ng mga mata ng kaibigan. Palagay niya, nakakaisip na naman ito ng kabulastugan.

Kaya nga siya nakipagkita sa mga ito para kahit paano ay mawala sa utak niya ang lalaking iyon pero heto at main topic pa nila.

"Wala kaming something. Bigla niya na lang akong inayang makipag-date sa kanya o kung date bang matatawag 'yon dahil business party naman pala ang pupuntahan namin."

Siguro hindi puwede si Mandy Lane kaya siya ang inaya ni Clarkson. That man! Ano ang akala nito, panakip-butas siya? Sa inis ay naubos niya ang laman ng plato.

Hindi rin naman sila nagtagal doon dahil may emergency sa ospital na pinagtatrabahuhan at kailangang umalis ni Natalie. Siyempre sumama si Elisse dito para makita ang guwapong doktor doon na pinagpapantasyahan nito. Siya naman ay nagpasya na dumaan muna sa mall.



"MA'AM, nasa 'baba na po si Sir Clarkson," imporma kay Amber ng katulong nila nang katukin siya nito sa kuwarto niya.

"Okay, Manang, pakisabi po pababa na ako." Dali-dali niyang inayos ang sarili. She grabbed her silver purse with crystals around it.

She was wearing a backless fitted black dress above the knee and her four inches silver sandals. Kahit matangkad na siya, sigurado namang mas mataas pa rin sa kanya si Clarkson. She put a light makeup on her angelic face and matched it with brown sparkle contact lenses.

Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan at nakita niyang nakaupo sa sofa ang lalaki habang nagbabasa ng magazine. Mukhang hindi naman talaga nito binabasa iyon. Siguro naiinip lang ito kaya kumuha ng isa. Lalo itong gumuwapo sa suot na white polo long sleeve na nakatupi hanggang siko. Bagong gupit din ito. Mukhang natigilan ito nang makita siya pero agad din namang tumayo at naglakad palapit sa kanya.

"Stunning," he uttered.

Marahan nitong hinawakan ang kanyang kamay at hinalikan ang likod n'on. Naramdaman na naman niya ang kuryenteng gumapang sa kanyang katawan sa ginawa nito.

She forced a smile. "Thank you, handsome." Muntik niya nang matutop ang bibig dahil sa lumabas na salita ro'n.

"I know. It's a pleasure to hear it from you. At least alam ko na ngayon na tinablan ka ng charm ko."

Nagsisi siya kung bakit hindi niya napigilan ang sariling purihin ito. "Let's go baka ma-late pa tayo," aya niya rito.

Agad nitong hinawakan ang kanyang kamay pero hindi na siya nagprotesta pa.

EHS 2: His Part-Time GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora