“Hi! Ahmmm… Mico, maiwan ko muna kayo ng mga kaibigan mo dito, aalis muna ako para mamalengke. Baka gabi na ako makabalik kasi dadaanan ko na rin si papa mo. Mag-iingat kayo dito. Walang magugulo ha.”
“Opo, ma. Mag-ingat ka rin po.”
At umalis na nga si Bella.
“Yes! Perfect! Wala ang mga magulang ni Mico… Tayo-tayo lang sa bahay na to.” Ang sabi ni Wyne.
“Ano pang hinihintay natin?” ang tanong naman ni Brenan, “…let’s get this started!”
At inilabas na ni Tyron mula sa bag niya ang ouija board.
“Mico, okay ka lang ba?” ang pag-aalala naman ni Lindsey, ang nag-iisang babae sa kanila doon.
“Okay lang ako…”
“Matagal ko na talaga gustong gawin to. From the moment na nabalitaan ko ang massacre dito sa TresMarias. Alam ko… May mga kaluluwa pang nananatili dito.”ang sabi ni Brenan habang sineset-up ni Tyron at Wyne ang kagamitan nila.
Dumidilim na ang paligid at nagsimula nang bumuhos ang ulan mula sa labas. Kasabay ng mga kulog at kidlat.
“It’s all set!” ang senyales ni Tyron at silang lima ay nagpalibot sa board na naglalaman ng mga numbers at letters at mga salitang “yes” at “no”. Sinindihan nila ang naglalakihang kandila sa paligid at pinatay ang ilaw. Hinawakan na nila ang hugis triangle na may butas na pabilog sa gitna.
“Handa na ba kayo?” ang tanong ni Brenan na may malaking ngiti sa mukha, tila excited siya sa kanilang gagawin habang si Mico ay nangangamba sa mangyayari.
----------
“Spirit! Spirit! Are you with us?” ang unang naging katanungan ni Brenan ngunit hindi agad gumalaw ang piyesa.
“Dapat ba talaga English? Baka hindi marunong umintindi yung multo…” ang sabi ni Wyne nang biglang gumalaw ang piyesa.
“Ayan na! Ba-Baka may gumagalaw lang sa inyo ha…” ang sabi ni Tyron.
“Hindi ako…” ang sagot ni Brenan.
“Hindi rin ako…” ang sagot naman ni Wyne.
“Wala akong ginagawa…” ang sabi ni Lindsey.
“Wala. Wala rin akong ginagawa.” Ang natatakot na sagot ni Mico.
“YES”… tumama sa salitang ‘yes’ ang piyesa.
“A-Anong pangalan mo?” ang muling tanong ni Brenan.
Unang pumunta ang piyesa sa ‘a’. Sumunod sa ‘l’. Pagkatapos ay ‘e’.
“Alec Chiu.” Ang biglang sabi ni Mico at tumapat ang piyesa sa ‘yes’.
“Kilala mo kung sino to?” ang tanong ni Lindsey na nasa tabi niya lang.
“Sa tangin ko ay nakita ko na siya…” ang sagot ni Mico, “…may nakita akong lalaki sa bintana nung gabing lumipat kami sa bahay na to.”
Biglang gumalaw ang piyesa at tumapat sa salitang ‘no’.
“No?! Bakit no? Hindi siguro siya ang nakita mo, Mico…” ang hinala ni Wyne.
“Sabihin mo, hindi ikaw ang lalaking nakita ni Mico sa bintana, hindi ba?” ang tanong ni Brenan at tumapat sa ‘yes’ ang pyesa.
“Hindi nga siya…” ang sabi na naman ni Wyne.
“Pero sino yun?” ang tanong ni Tyron.
Gumalaw ang piyesa… “p”… “a”… “o”… “l”… “o”… “Paolo?! Paolo Castillo?” ang biglang sabi ni Lindsey at muli ay tumapat sa ‘yes’ ang hawak nilang piyesa.
“Sino yun, Lindsey?” ang tanong ni Tyron.
“Si Paolo Castillo… yung nagtatrabaho sa shop ng tito ko. Matagal na rin siyang nawawala… Kasabay sa nangyaring massacre dito ang pagkawala niya.” Ang sagot ni Lindsey.
“Kung multo man ang nakita ni Mico nung nakaraang gabi at si Paolo Castillo yun… Malamang matagal na rin siyang patay kagaya ng mga dating nakatira dito.” Ang usisa ni Tyron.
Muli ay gumalaw ang piyesa na kanilang hawak… Tumapat ito sa anim na letra na kung pagsasamahin ay mabubuo ang salitang ‘TULONG’.
“Paano ka namin matutulungan?” ang sigaw ni Brenan nang biglang namatay ang mga ilaw na nagmumula sa kandila sa paligid nila.
“HAAAH?!” ang sabay-sabay nilang sigaw.
Napakadilim sa loob. Maliban na lamang kung kukulog at kikidlat sa labas. Lumakas ang hangin sa paligid, “AAAAhhhh!!!”
Tinanggal ni Brenan ang kamay niya sa piyesa at tumayo para buksan ang ilaw.
“Walang aalis ng kamay nila… Kung sino man ang aalis ay siyang sasaniban ng multo.” Ang biglang sabi ni Tyron ngunit huli na ang lahat.
“Anong sabi mo?” ang natanong nalang ni Brenan bago siya nakaramdam ng kakaiba sa katawan niya…
Lumipad ang piyesa at ang board, “AAAAHH!!!!”
“Paano yan? Nakabitaw tayo!” ang natatakot na tanong ni Wyne.
May kinuha si Lindsey sa bag niya, isang rechargeable na ilaw at pinailaw niya ito.
“Mabuti naman at may dala kang ganyan Lindsey.” Ang sabi ni Wyne.
“Brenan?” ang pagtataka ni Tyron nang makita niya ang kaibigan na nakatayo at nakatalikod sa kanila, “..Brenan, okay ka lang ba?”
“Brenan… A-Anong nangyari sa’yo? Wag mo nga kaming takutin ng ganyan.” Sabi ni Wyne.
“Hindi na siya si Brenan… Humarap ka sa amin, Alec Chiu…” ang tawag ni Mico.
Biglang ginalaw-galaw ni Brenan ang ulo niya na para bang nag-e-stretching. Nakangiti ito nang humarap sa kanila.
“AAAHHHHH!!!!!” sigaw nilang lahat habang nakaupo sila doon sa sahig at napaatras habang papalapit sa kanila ang nakakatakot na si Brenan.
Nakabend ang ulo ni Brenan na nakapatong sa kaliwa nitong balikat at ang mata ay purong puti. Nakangiti siyang nakatayo doon sa harapan ng apat.
“Ibalik mo sa amin si Brenan!” ang sigaw ni Wyne habang nagtatago doon sa likod ni Tyron.
Ang ngiti sa mukha ni Brenan ay napalitan ng galit at bigla-bigla’y sinunggaban si Wyne.
“AAAAAAAHHHHHH!!!!!!!!!” Napatayo sina Tyron, Lindsey at Mico mula doon at naiwan si Wyne na sinasakal ni Brenan.
“AAAHHHH!!!!” ang sigaw ni Wyne.
“Tama na! Alec! Ano bang gusto mo?!” ang sigaw ni Lindsey.
Tumigil si Brenan sa ginagawa niya at hinarap si Lindsey. Maagap namang humarang si Mico sa pagitan nila.
“Sa akin mo sabihin… Paano ka namin matutulungan, Alec Chiu?”
May tinuro si Brenan na nandoon sa gilid ng kwartong iyun. Sa mga karton kung saan nilagay ni Mico ang mga natirang gamit ni Alec. Kinuha ito ni Mico at binuksan. Isa sa mga librong nandoon ay may nakaipit palang isang larawan.
Isang larawan ng isang babae at isang lalaking naghahalikan. Nakilala ni Mico ang lalaking ito… si Paolo Castillo. At ang babae, sino?
Bigla na lamang natumba si Brenan at nawalan ng malay.
“Brenan! Brenan!” nilapitan siya ni Lindsey at Tyron.
Bigla-bigla’y bumukas ang pintuan ng kwartong iyun, “Anong nangyayari dito?” si Ian kasama si Bella na nagbukas ng ilaw.
Naabutan nilang napakagulo ng kwarto. At ang walang malay na si Brenan sa sahig habang si Wyne ay namimilipit pa rin sa sakit na ginawa ng pagkakasakal sa kanya. Nakita ni Ian ang sira-sirang Ouija board sa dingding. Binigyan niya ng masamang tingin si Mico.
DU LIEST GERADE
KILLER.COM
HorrorLimang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.
CHAPTER V
Beginne am Anfang
