WA [DR] 53 - More Important

Magsimula sa umpisa
                                    

Naisipan siyang gulatin ni Wina kaya siya lumiko at dumaan sa likuran. Sa harap na ako para hindi mapansin si Wina. Napatingin sa akin si Liz.

"Hoy!" Gulat siyang tumalon at halos ma-out balance kaya nahagip ko siya sa braso. Napatawa ako dahil hindi siya magkandaugaga sa pagtayo.

Palinga-linga niyang hinanap ang gumulat sa kanya. "Ate Wina naman eh!" Pagmamaktol niya nang makita si Wina na hindi mapigilan sa pagbungisngis... Napasalampak sa sahig si Liz.

Naupo kami ni Wina sa kaninang inuupuan ni Liz, "Problema mo?" tanong ko.

Umiling siya. "Patay ako nito kay Miss Moore." Sabi niya.

I arched my brow. Ganoon din ang ginawa ni Wina, "At bakit naman? May nagawa ka ano? Ayan kasi, sumasama ka pa sa mga kalokohan ng magkapatid! Pati tuloy ikaw napapahamak. Alam mo namang walang limit ang dalawang 'yon pagdating sa hindi pagsunod sa rules. Naku talaga alam ko na 'yan—"

Hindi natapos si Wina dahil sinapak siya sa kamay ni Liz. "Nananakot ka pa talaga ate, no? Ang laking tulong mo! Nasa loob si Kuya Stan at binibigyan ng parusa, sige, manukso ka pa!"

Bratty comeback, huh?

Umirap si Wina, "Hayaan mo siya! Ginusto niya 'yan eh kaya panindigan niya! Problema na niya 'yan at hindi sa akin!"

"Hayaan?" Natawa ako. "I thought they'll be the death of you? Sabi mo 'yan kanina. Problema ni Stan pinoproblema mo kaya ka naiinis kanina. Then why—"

"Shut up!" She hissed on me.

"Woah!" I teased.

Nag high five kami ni Liz dahil sa biglaang pagsigaw ni Wina. Hindi ko rin napigilang hindi matawa dahil guilty na guilty siya sa sinabi niya. We waited for almost half an hour before Uryll and Stan came out. I narrowed my eyes at their direction—and of course, looking directly at Uryll. He seems very surprised seeing me waiting for him. He even blinked for how many times.

Napairap ako sa kanya at napailing. 'Hoy!' I shouted in his mind. I suppressed my laugh seeing him with a creased brow. Medyo malakas rin 'yon kaya alam kong masakit sa ulo.

'You're here,' Sagot niya ng mahina. Cool enough, huh. Hindi man lang natinag sa pagsigaw ko.

"Umayos ka, Hutchinson! Tatamaan ka sa akin." Pagbabanta ko. Malamang sa malamang nandito ako. Ano bang ini-expect ng mokong na 'to? No way! I can't let this slip again.

Lumapit siya sa akin. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay at humalukipkip. I don't know what has gotten into him pero... nakangiti siya habang nakatayo sa harapan ko. This is creepy!

"Uhuh, really now Delacroix?" Panunuya niya. Sinapak ko siya sa balikat dahil alam kong hindi na naman siya magse-seryoso ngayon.

"Tumigil ka!" Kumunot naman ang noo ko dahil kahit na sinapak ko na, nagawa niya pa ring laparan ang ngiti. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan ha? Ano na namang kalokohan ang pinasok niyo ni Stan? Hindi pa ba kayo sawa sa detention?"

He shrugged, "We're just having a good time."

"Good time? Good time pa ba sa inyo na pangatlong beses niyo na 'tong nahuli? Aba! Kung ganyan lang man din, sana pala tinusta ko na kayong dalawa para matigil kayo sa mga kalokohan niyo!"

I am mad. That's why!

"Come on," nagawa niya pang tumawa. "Stow your twitching palm." Lumapit pa siya at niyakap ako. "I'm sorry..."

Sorry? Sorry pero may halong tawa? Aba! Tinulak ko sya sa dibdib kaya napabitaw siya at napasapo doon.

"Sorry pero uulitin mo rin naman!" Sigaw ko.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon