CHAPTER FOUR:

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit mag-isa ka dito?"

"Ang ingay ng mga mokong sa loob eh, may sinasagutan lang ako" sabay pakita ko ng puzzle sa kanya.

"Nandiyan si Francis?"

"Wala eh may pupuntahan daw, pero pasok ka lang sa loob nandun si Keith"

"Okay" ^___^

Pagpasok niya nagsagot sagot na ulit ako ng puzzle. Ilang minuto lang ng pumasok si Eunice naglabasan naman sila Jude, Mark, Gabriel at Christian na pareparehong nakasuot ng jersey, shorts at running shoes.

"Oi saan kayo pupunta?" usyoso ko sa kanila

"Magjojogging" sabay ngisi ni Christian

"Saan?"

"Diyan diyan lang" -Gabriel

"Sos! Ibabalandra niyo nanaman yang mga pagmumukha niyo sa mga babae diyan no?" bigla silang nagtawanan, talaga tong mga to kunwari pang magjojogging maghahanap lang naman ng chicks

"Sama ka Berdugz?" -Mark

"Tinatamad ako tumakbo eh"

"tsk. ang tamad mo talaga, kung naririnig ka lang ngayon ni Neit panigurado away nanama--" -Christian

"Oops!! sige magjogging na kayo!!" I cut him off, hahaha kaya nagtawanan silang lahat saka umalis

Maya-maya pagkaalis ng mga mokong nagulat nalang ako ng biglang lumabas si Kim ng bahat hawak at hila hila ang braso ni Eunice

"Hindi mo ba naiintindihan Eunice? Hindi kita gusto!" sabay bitaw sa braso ni Eunice na parang naiiyak na at mukhang hindi nila ako napapansin dahil nakasalampak ako sa sahig ng terrace katabi ang mga aso namin.

"Hindi ko naman hinihingi sayong magustuhan mo din ako eh, ang gusto ko lang iibigay sayo to Kim" sabay abot ng box na may lamang cake kay Kim

"Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo ha? mahiya ka naman 'nice kababae mong tao sunod ka ng sunod!!"

"I just want to give this to you" sabay lapit pa kay Kim ng box

"Sinabi ng ayoko eh, mahirap bang intindihin yun ha?!" sabay tulak pabalik ng box kay Eunice na accidentally nabitawan ni Eunice at bumagsak sa lupa, sh*t sayang yung cake!!!

Napaiyak nalang si Eunice sa nangyari habang si Kim halatang gulat na gulat sa nagawa niya

"M-Maghanap ka na lang ng lalaking susuklian yang efforts mo!"

"Hindi naman *sob* ako humihingi ng *sob* kapalit Kim eh..." sabay takbo niya palabas ng gate habang si Kin napasandal nalang sa gate at nakatitig padin sa cake na nasa lupa

Napabuntong hininga nalang siya saka nagulat ng makita akong nakasalampak sa sulok ng terrace at nakatingin sa kanya

"E-Elle? K-Kanina ka pa diyan?" napatango nalang ako

"Sayang naman yung cake Kim" umiwas lang siya ng tingin "Linisin mo na yan baka biglang dumating si Francis" dagdag ko pa saka ako tumayo at pumasok sa loob ng bahay

Almost 7pm na ng dumating si Francis habang naghahapunan na kaming lahat na nasa bahay

"Oi Boss kain na" aya agad ni Jason sa kanya

"Sige lang Boss kakakain ko lang din eh" sabay upo ni Francis sa bar stool na nasa tabi ng counter "Si Eunice nasaan? Hindi pa ba dumadating?"

"Nandito siya kanina, pero pagbalik namin galing jogging wala na, umuwi na yata" -Christian

"Hindi ako hinintay?" napatingin nalang ako kay Kim na tuloy lang sa pagkain

Kinuha agad ni Francis ang phone niya saka tinawagan si Eunice

"'nice...bat umuwi ka agad?...akala ko ba hihintayin mo ako?...teka umiiyak ka ba?" napatingin ulit ako kay Kim na natigilan na sa pagkain at nakatingin kay Francis na nakatalikod lang sa amin habang nakaupo pa din sa stool "...dont lie to me 'nice please, I know you're crying...now tell me, bakit ka umiiyak?" biglang tumayo si Francis saka naglakad palabas ng bahay "...want me to run in your place?...hey 'nice"

"Umiiyak si Eunice?" tanong bigla ni Gabriel ng makalabas na si Francis ng bahay

"Chismoso lang Boss?" pang aasar nalang ni Ace saka sila nagtawanan

"Pustahan, aalis yang si Boss ngayon...pupunta yan kayla Eunice?" -Mark

"Agad-agad?" -Ace, Christian, Jd, Stephen, Gabriel, Jude at Jason

"Agad-agad!" sagot naman ni Mark

"Sus!" -Stephen

Biglang pumasok si Francis saka kinuha ang backpack niya na nasa couch.

"Mga Boss, I'll gotta bounce" sabay talikod ni Francis

"Saan ka pupunta?" -Ace

"Kayla Eunice, dun na din muna ako matutulog" saka tumakbo paalis ng bahay

Nagkatinginan nalang kaming lahat

"Sabi sa inyo eh! ganun kaimportante sa kanya ang pinsan niya" -Mark

Napailing nalang sila Christian

"Hoy Boss, ang tahimik mo ha?" puna pa ni Jude kay Kim na napatingin agad sa kanya "Ikaw ba ang reason kung bakit umiyak si Eunice?" nanlaki nalang ang mga mata ni Kim sa prangkahang tanong ni Jude

"Tsk. sabi na eh, pano pagnalaman yan ni Francis?" -Jude

Natigilan silang lahat sa pagkain saka tinitigan si Kim

"I'll explain everything to him" yun lang naging sagot ni Kim

"Paano kung hindi siya makinig? Alam mong mahal na mahal niya ang pinsan niya more than anything else Boss, kaya niyang makipagbasag ulo para sa pinsan niya!" -Christian

Hindi agad nakaimik si Kim

"Hindi mo na nga kayang suklian yung efforts niya, pinaiyak mo pa! ano ba naman yan Kim!" Keith said glaring at Kim

"Bunch" awat agad ni Jason sa girlfriend niyang si Keith

"I didn't mean to hurt her feelings" iwas tinging sabi nalang ni Kim kaya natahimik ulit ang lahat

THE NEXT DAY: Almost after lunch na si Francis bumalik sa bahay

"Ui Boss naglunch ka na?" -Stephen

"Tapos na Boss" -Francis

"Kamusta si Eunice, Fra?" napatingin agad kami kay Keith

"Ayaw niyang sabihin kung bakit siya umiyak kagabi eh" pagtingin ko kay Kim nakatulala lang siya sa labas ng bintana, halatang naguiguilty ang gago

"Baka broken hearted Boss?" nagulat nalang kaming lahat at napatingin kay Jude na natatawa pa nga, siraulo talaga tong mokong na to eh

"tsk. malaman ko lang kung bakit umiyak yun, humanda talaga sakin, hindi lang broken heart ang matitikman niya kundi pati broken nose, broken legs at buong katawan niya magiging broken!!" nakangiting sabi pa ni Francis pero sa tono ng boses niya halatang seryoso siya sa sinabi niya with matching patunog pa ng daliri sa kamay

Whoa! Scary!!!

----------------------------------------------

A/N: Comment? Vote? I will love it ^__^

I Swear This Time I Mean ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon