Oplan #1 - Cold Shoulder

11.7K 305 76
                                    


"When you're in love, you feel like there is nowhere to go. It's a feeling that somehow, if only you have the control, you want it that way. But the worst is, you can't control it, because it is and it should be a two way process. And both of you must agree. Otherwise, even how strong your love is, if he/she wants to leave, you cannot force him/her to stop. And in the process. You feel like, when you were still with him/her, there is this feeling of completeness to vagueness."

FELIZA'S POV

"Miss hindi ka puwedeng umupo diyan. Naka-reserve na yan."
Sabi ni Manong konduktor sa akin.

Tinignan ko ang upuan may nakadikit nga na post- it. Marciana at Bodong.

Sayang, ang ganda pa naman sanang maupo sa harap. Makikita ko nang maigi ang madadaanang view.

Nasa Terminal ako ng Florida Bus ngayon sa Sampaloc.
Sabi kasi ni Crystal, subukan kong mag-bus kasi mas enjoy daw kaysa mag-eroplano.

At ang destination ko?
Sa Sta. Praxedes!

Ikakasal na ulit ang best friend ko!

Masyado nga akong excited eh.
4 days pa bago ang kasal nila ni Danreb sa simbahan pero gugora na ako sa Cagayan.

"Eh, saan ba ako puwedeng umupo Manong? Halos lahat na yata naka-reserve na kasi may nakadikit na post it ang mga upuan?"

"May dalawang bakante pa sa gitna, Miss. Pasensya ka na. Doon ka lang puwedeng umupo. Hanapin mo na lang." sabi ng konduktor at naglabas ng stick ng sigarilyo saka bumaba ng bus.

20 minutes later.....

"Manong, aalis na tayo? Eh ako pa lang mag-isa ang pasahero?" Nagtatakang tanong ko ulit kay Manong konduktor. Umandar na kasi ang bus.

"May isa pa, Miss. Ayan na siya. Papaakyat na. 'Yong ibang pasahero, sa ibang bus lumipat. Ayaw daw kasi nila ng aircon. Hikain ang mga pasaherong 'yon. Basta walang lipatan ng upuan kasi diyan ilalagay ang mga karton-karton na wagwag mamaya. Hindi kasi kasya sa kabilang bus ang mga paninda ni Puring. 'Yong suki naming pasahero na lumipat sa kabilang bus."

"Okay, Manong. Walang problema. Pero ano po ba 'yong wagwag? "
Usisa ko. Sadyang matabil kasi ako at usisera.

"'Yon ang tawag naming mga ilocano sa ukay-ukay Miss."

"Ah, thanks for that information, Manong." Nakangiting sabi ko. May nadagdag na naman sa knowledge ko.

Inilabas ko ang aking mobile device. Nababagot na kasi ako sa kakahintay sa pa-VIP na pasahero.

At makakatabi ko pa! Dios Mio, sana naman walang putok sa
kili-kili o kaya'y bad breath. Baka mahihimatay ako. Lalo na I need to endure more or less ten hours trip!

Kung sana hindi busy si Emerson sa negosyo niya, siya sana ang kasama ko. Sina Danilo, Brandon, Henry at Salvo, bukas pa daw bi-biyahe.

Ang tagal naman ng isa pang pasahero.
Paakyat na daw pero wala pa naman!

Nailagay na nga ang mga
naka-karton, nakaplastic at nakasakong ukay-ukay sa mga upuan pero wala pa rin?

I'm wondering kung bakit sa upuan pa ilalagay eh may malaking trunk naman ang bus.
Siguro bigtime si aling Puring na 'yon. Ang dami kasing paninda. Pero baka hindi rin kasi walang sariling sasakyan.

MINK (SOFT & WILD)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon