My Savior

18K 383 63
                                    

(Ito na po ang start ng POV ni Feliza kasi marunong na po siyang magsulat... lol )

FELIZA'S POV

I have a good news po!
I'm already 8 years old!
Marami po ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon.
2 years na po'ng nasa Germany sina Tita Ninang kasama ang tatlong anak kaya po naging tahimik po ang buhay ko for 2 years dahil wala pong Manjoe na panira ng araw. Ang saya po!

Kahit hindi po ako tumangkad, okay lang po iyon dahil tumaba na po ako at hindi na ako bungi. Lumiit na din ang tiyan ko.

At higit po sa lahat, nagsimula na ang horse-back riding lesson ko!

I showed interest in riding horse at the age of 6. But my Dad only allowed me take lessons when I turned 8. Kaya yung reward kong kabayo noong nanalo akong Little Miss Quezon City two years ago, eh nasimulan ko lang sakyan noong 8th birthday ko a month ago.
Sabi ni Daddy, mag- ballet na lang or art class ako pero sa equestrian talaga ang hilig ko. Kaya iyon din ang kasunod. Sobrang love ako ni Daddy and I love him too.

Daddy keep on telling me that I am a 'privileged child'. Pero kahit ganoon, hindi po ako iba sa mga ordinaryong bata. Pinalaki po akong humble. Kapag may time si Daddy o kaya'y sina Lolo at Lola, they take me on different provincial trips. Ipinararanas nila sa akin ang buhay ng mga ordinaryong tao. Naranasan ko na rin pong maligo sa mga banyo outside the house where the toilets are.

My Dad always tell me,
" You know Princess, you are so blessed. From the time you were born and until the time you die. Hopefully you'll never going to have to worry about your next meal".

Hindi ko po alam kung ano ang next meal na iyon. Kung agahan po ba, tanghalian, hapunan o kung may iba pa pong kahulugan. Hindi po maarok ng aking katalinuhan. Siguro dahil I'm still too young to understand.

Then sinasabi din po ng Daddy ko:

"There's nothing that you need that you don't have, so you have to find a way to be a blessing to others because not everybody is like you."

Kaya po tinuruan ako ni Daddy na magbigay ng mga things like clothes, shoes and toys sa mga poor kids.
Kasi mayaman naman po kami.
My Daddy has his own real estate business. Iba pa po ang negosyong pag-aari nina Lolo at Lola ko na si Daddy rin ang magmamana.

Pero minsan po iniisip ko, may kulang kasi po wala po akong Mommy. And Daddy don't wanna talk about my mom.
Minsan po, naiinggit ako sa mga batang kasama ang Daddy at Mommy sa church, sa park, sa mall and everywhere.

Pero nalulungkot po si Daddy whenever I started asking him about my Mommy kaya tumigil na po ako sa pagtatanong. I don't want him to be sad. 'Coz I love my Daddy very much.

"Princess. Are you ready? Kanina pa tayo hinihintay nina Tita Ninang mo."
Sabi ng Daddy ko pagkalapit niya. Naglalagay ako ng panyo at chocolates sa maliit kong backpack. Kasi sabi ng Daddy kanina, aalis daw kami.

"Talaga Daddy? Bumalik na sina Tito Jonathan at Tita Ninang?"
Masaya kong tanong.

"Yes, Princess. Noong nakaraang araw pa. Kaya pupunta tayo sa bahay nila kasi may party."

"May pasalubong sina Tita Ninang sa akin Daddy?"
Excited kong tanong kasi dati rati kapag namamasyal sila sa amin o kaya'y kami ni Daddy ang dumadalaw sa kanila ay lagi nila akong binibigyan ng pasalubong.

"Meron Princess. Tatlo pa nga eh Sina MANJOE, JOEMAR at MARK JONATHAN."
Tumawa si Daddy. Sumimangot ako pagkarinig sa pangalan ni Manjoe.

MINK (SOFT & WILD)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon