King Cōbra

15.3K 331 55
                                    

FELIZA'S POV

I'm angry. And when I get angry, my adrenaline hits the roof, like I have just been on the two scariest rolercoaster multiple times.
I'm shaking and my adrenaline is pumping ferociously. Well, that is the chemical reaction my body undergoes.
My muscles get extremely tense and my veins all over my body stick out.

I can't think straight at all. I Feel like there's a tight knot in my throat, the burning sënsation in my stomach and the feeling that I'm gonna explode any minute.

Hindi sapat ang pagsampal ko sa kanya.

I wanna hurt him more gaya ng intensidad ng panyuyurak niya sa aking pagkatao. Parang patalim ang mga salitang binitiwan niya na naglikha ng sugat sa kaloob-looban ko. Buti pa ang physical injury nalulunasan.

I'm hurt. I'm emotionally injured. At iisang tao lang ang paulit-ulit na gumagawa nito. Cursë him!

"Sinaktan mo ang puso ko, sinaksak mo ng kutsilyo, binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo, sinaktan mo ang puso ko. Nilagyan mo ng turnilyo, binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo.
Sinaktan mo ang puso ko, kinaskas mo ng sipilyo, tinaktakan ng ajinomoto, ipinakain sa aso......sha la la la la, sha la la just for you.
Haist, ano ba yan! Parang estatwa lang ang mga kasama ko. Ginawa niyo na ngang driver, dinededma pa."
Rinig kong sabi ni Danilo.

Hindi ako umimik. Iisa lang ang nasa isip ko, ang makaganti kay Ugok. Ang bigat na kasi sa dibdib. Naipon na lahat dito ang galit ko sa taong 'yon.
Punung-puno na talaga ako!

"Oh my face! Si Manjoe Labrador, nasa gitna ng highway! Magpapasagasa na! Ayan na, babanggain na siya ng 10-wheeler truck! Oh nooo! Tumilamsik na ang katawan sa gilid, duguan! Huhuhu, patay na si Manjoe!"

"A-ano? N-nasaan? Tumawag ka ng ambulansya, Danilo! Ano pa ang ginagawa mo?! Bilis! Hindi siya puwedeng mamatay!"
Nagpapanic kong sabi.
No! It can't be!
Kahit kaaway ko 'yon ayukong mamatay!

Ngunit hindi nagsalita si Danilo. Itinigil nito ang kotse ni Brandon sa tabi at tumawa ng
pagkalakas- lakas!

"Hahaha! Oh my! Wahahaha! Lol! Lmao! 'Yon lang pala ang pampagising sa'yo, Lola. Akala ko nabangungot ka na!" Tumatawang sabi nito. Pati si Brandon hindi rin napigilan ang tawa. Akala pala nila natutulog ako sa backseat.

"Hindi nakakatuwa ang biro mo!"
Asik ko sabay hampas sa batok nito.

"Oh, la la! Kunwari ka pa, Lola. Ayaw mo rin palang mamatay ang kaaway mo. Galit daw pero naiiyak ka naman nang sabihin kong tigok na si Labrador."

"Gagō! Siyempre hindi ko ikakatuwa ang kamatayan ng ibang tao. Mag-drive ka na nga lang! Panira ka ng tulog! Bilisan mo nang makabalik na tayo sa rest house."

Kahit kailan talaga ang kulit ng taong ito. Makaidlip na nga lang!

***************

"Ba't ganyan ang hitsura mo?
Ano'ng nangyari pag-uwi niyo ni Danreb? Sinaktan ka ba niya?"
Nag-aalalang tanong ko kay Crystal.
Mugtung-mugto kasi ang mga mata niya. Tinext niya kasi ako kaninang umaga. Sasabay na daw ako sa kanya pabalik ng Manila. Sina Brandon at Danilo sa makalawa pa daw ang uwi.

"Hindi. Hindi niya ako sinaktan. Tara na Fel,
15 minutes na tayong late. Baka naghihintay na ang piloto." Sabi niya. Halatang ayaw niyang magkuwento.

3:15 nang makasakay kami ni Crystal sa chopper na pag-aari ni Danreb. Late nga kami ng
15 minutes kasi ba naman nawili kami sa pamimili ng mga native products sa bayan.

MINK (SOFT & WILD)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon