Ma. Feliza & Marife Lyn

10.8K 306 34
                                    

"The coma carried her into a world where time and space seemed to vanish; it was a dreamlike existence in which people, places, and situations shifted as quickly as thoughts. She had a profound sense of being at a crossroads, a turning point, somewhere between death and life..."
(Hal Zina Bennett)

FELIZA'S POV

Hindi kami nag-aksaya ng oras. Pagkasabi ko kay Daddy na pumapayag akong maging proxy ng kapatid ko sa kanyang kasal, lumipad kami papuntang Hawaii lulan ang private plane ng Lolo ko.

Aligaga ako habang nasa eroplano.
Hanggang sa oras na ito, parang hindi pa rin ako makapaniwala na may kakambal ako.
Nandiyan 'yong excitement na makita ko siya and at the same time, lungkot dahil sa kalagayan niya ngayon.

Dumagdag din sa isipin ko ang kasal na 'yan.

Hindi ko lubos akalain na todo iwas ako noon pagdating sa usaping kasal tapos ngayon, all of a sudden, lalakad ako sa aisle na naka-wedding gown.

Ni kasal nga namin ni Emerson, ayukong pag-usapan namin kasi nga wala talaga sa plano ko ang magpakasal . At dahil lang sa hindi inaasahang pangyayari, napilitan tuloy akong maging proxy bride.
Parang gusto kong matawa na hindi.

"Anak, okay ka lang?"
Ewan ko kung nakailang ulit nang tanong 'yan ng aking ina. Tumango lang ako.
Siya kasi ang katabi ko ng upuan samantalang si Daddy, nasa harap.

My mother tried so hard to start a conversation with me pero kung hindi man puro monosyllabic words ang isasagot ko, panay tango or iling lang ako.
Hindi pa ako at ease sa kanya. Ewan ko ba.

Siguro, masyado lang din akong nabigla sa mga pangyayari and I'm still on the process of realizing and accepting things.

I endured 11 hours sitting beside my mother.

Nakaya kong hindi dumaldal ng ganoon katagal.
Yeah, for the first time, tila nalulon ko ang dila ko.

Nang makalapag kami sa Honolulu International Airport, sinabi ko sa parents ko na gusto kong makita agad ang kakambal ko kaya from the airport, dumiretso kami sa Queen's Medical Center, the best Hospital in Hawaii.

Nagsimula akong makaramdam ng kaba habang papasok kami sa kuwartong kinaroroonan ng kapatid ko.

My parents looked so helpless.
I know it's a terrible feeling for them seeing their daughter
in that state.
Ako din naman.

Parang hindi ko matagalang tignan ang hitsura ng kakambal ko.
She looked lifeless.

According to my mother, by the time the paramedics got her to the hospital, they had her on full life support, as she was unconscious and not breathing on her own.

Her eyes are unresponsive to her environment and not normally respond to sound or pain.

Her signals were hard to read, as the equipment was doing her breathing for her.

Napakaputla niya. Pero ganoon pa man, napakaganda pa rin.
She looks exactly like me.
Para kaming pinagbiyak na bunga.

"Marife Lyn, a-anak, nandito na ang D-Daddy mo at ang iyong kakambal."
Garalgal ang boses na sabi ni Mommy.

Parang may bumara sa lalamunan ko.

Naisip ko kasi, usually kapag nagre-unite ang isang pamilya, ma-drama na masaya. Nandiyan 'yong iyakan, yakapan at ang susunod ay matutunog na tawanan.

Nakakalungkot lang kasi hindi man lang niya kami makita ni Daddy. Hindi niya kami magantihan ng ngiti at yakap.

"I'm here now, anak. Daddy's here now. Sana, gumising ka na para makita mo ako. 'Di ba sobrang na-mis mo rin ako? Imagine, 24 years na hindi mo ako nakita. Wake up, Anak. Please wake up. I miss you so much."
Umiiyak na sabi ng Daddy ko.

MINK (SOFT & WILD)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon