I'll Be

11.1K 242 50
                                    


FELIZA'S POV

"Let's get married, Mink.
Marry me so I can repair all the damages I've done to you."

Kumawala ako sa pagkakayakap niya sa akin.

Repair?

Paano niya mare-repair ang lahat?

It's too late!

What's done is done.

The past cannot be altered.

Hindi ako isang bata na bigyan lang ng isang pirasong candy eh mapapaamo na agad niya.

He's offering marriage for his own sake not mine.

He simply wanted to relieve himself of a guilty conscience.

Isa siyang salot sa buhay ko.
Hindi kayang burahin ng ano mang nararamdaman ko sa kanya ang pinsalang dulot niya sa aking buhay.

Tao lang ako.

So what if I keep on counting injury?
So what if I don't have the ability to forgive so easily?

This is my life and nobody has the right to interfere with my decisions and the way I handle things!

"Hindi ko masisikmurang pakasalan ka!"
Mariin kong sabi.

"Ibabalik ko ang lahat ng bagay na nawala sa'yo, Feliza. It won't matter if it takes forever to heal the wounds that I've caused to you. Just give me ëntrance. Papasōkin mo ako sa buhay mo para maituwid ko ang mga nagawa kong pagkakamali."

"H-Honey? You're here. Kanina pa kita hinahanap."

Kumalma ako nang dumating si Emerson. Feeling ko, nakahanap ako ng kakampi.

I throw my self to him. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko.

"Are you okay? Gusto mo na bang umuwi?"
Tumango lang ako.

Nagpaakay lang ako kay Emerson hanggang sa sasakyan niya.

"He likes you. Mali. He loves you. I can see by the way he looks at you."
Basag ni Emerson sa pananahimik ko.

"Do you like him? Or do you love him?"
Tumawa ako ng pagak sa tanong ng fiancé ko.

"Sa tingin mo mamahalin ko ang tulad niya, Emerson? Nasa tamang pag-iisip pa ako."
Sagot ko, hoping that I didn't sound uncertain.

"Minsan, taliwas ang sinasabi ng bibig sa tibok ng dibdib, Honey. Hindi ako manhid."

Bumalatay ang pagdududa sa kanyang mukha. I can't blame him. Kasi mismong ako ay hindi ako kumbinsido sa sinabi ko.

But my mind should rule my heart. Dapat lang.
Isip ang mas pananaigin ko.
Kaya nga nasa taas ang utak para ito ang susundin. Ang maghahari sa iba pang organs ng katawan.

"Sa'yo ako magpapakasal, Emerson. Kung gusto mo sa lalong madaling panahon. Hindi na ako tatanggi. You want it early next year? Fine. Let's get married!"

"Para ba talaga sa akin 'yang sinasabi mo, Feliza? O baka naman kasagotan mo sa alok ni Labrador sa'yo? I heard everything. Nakita ko rin kung gaano ka niya yakapin.
Oo fiancé mo nga ako, Honey pero ni minsan hindi ko naramdaman na mahal mo ako. Kung gusto mo'ng kumawala sa relasyon natin, pakakawalan kita kung 'yan ang ikaliligaya mo. Magsabi ka lang. Kahit mahirap, gagawin ko."

MINK (SOFT & WILD)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon