Agad-agad akong lumabas ng kwarto niya at hinanap ang pinto ng cr. Buti na lang nahanap ko agad.

Pagtapos kong maghilamos at magmumog ay pumunta na ko sa kusina niya. Nakita ko siyang nakaupo dun at naghihintay sa akin.

"Pfftttt. Hahahaha."

I gave him my stop-laughing-or-else-you'll-die-look. Huminto naman siya agad.

"Hi babe. Tara dito."

Lumapit naman ako at agad-agad na kumain. Wala ng hiya-hiya. Gutom ako eh.

Ang hinanda niya ay fried noodles na kakaiba ang lasa at siomai na super sarap. Meron ding kape, pangtanggal ng hang over?

"Grabe *chomp* ang sarap mo naman magluto. Da best ka." Nagthumbs up pa ko nun sa kanya.

"Syempre, HRM yata ang course ko."

"HRM? Bakla ka ba?" Ngumisi naman siya.

"Problema mo?" Tanong ko with matching taas kilay pa.

"Luma na yang style mo. Alam ko na yan. Sinasabi ng mga babae na bakla ang isang lalaki." Nilapit naman niya ang mukha niya saken. Hala ka?

2 inches. 1 inch. Ayan na. Ayan na.

"Kasi gusto nilang mahalikan ng lalaki." Pabulong niyang sabi.

Anudaw? Sinasabi ba niyang gusto kong halikan niya ko? Yes way, ahm I mean no way pala. Hehe.

"Yuck. Feeling mo naman." Tinulak ko siya.

"Pffffttttt. Hahahahaha. Look at your face. Para kang kamatis."

"Whatever. Kumain ka na nga lang jan." Utos ko sa kanya. Kumain na lang ako ng kumain.

"Marunong ka bang magluto?" Tanong niya.

"Ha? Di masyado. Tumutulong lang ako kay mama, tagahalo lang ako."

"Ah. Di ka pala magaling magluto. Tsk. Tsk." Umiling iling pa siya.

"ALAM MO.. Hindi man ako magaling magluto...... Pero PROFESSIONAL naman ako pagdating sa kainan."

"Pffffttttt. Hahahaha. So wala ka pa lang future. Kawawa naman ang mapapangasawa mo."

"Sama mo. Eh di mag-aasawa na lang ako ng magaling magluto."

"Tulad ko ba?"

Napataas naman ang kilay ko. "Yuck. Ang hangin naman dito."

Sumubo ulit ako.

"Oo nga pala. Naalala mo yung sinabi ko sa 7eleven? Yung bayad mo sa pagligtas ko sayo." Axel

Muntik ko na namang maibuga yung kinakain ko dahil sa sinabi niya. Yung sex slave thingy ba yung sinasabi niya? No way. I'm not prepared. Ehem. Ehem. I mean ayoko nga.

"A-anong tungkol dun?"
"Di ba sabi mo gagawin mo lahat ng gusto ng tutulong sayo?"

"Ah. Oo?"

"Alam mo bang malapit na ang foundation day ng school natin?"

"Hindi. Ano naman?"

"Tss. Sungit. Basta ang gusto ko ay sundin mo ang gusto ko."

"Huh? A-ano bang gusto mo?"

"Gusto kong..."

"Gusto mong?"

"Gusto kong."

"Lintek naman oh. Sabihin mo na kaya pabitin pa ah."

"Gusto kong makasama ka ng Hot Devils sa performance namin."

"Ano?? *napatayo ako* Baliw ka na ba?"

"Wala kang magagawa, sa ayaw o sa ayaw mo, sasayaw ka dun."

Arrgggghhh. Leche. Bat pa kasi ako nagsabi na gagawin ko ang lahat ng gusto ng kung sino mang magliligtas saken nun e. Yan tuloy.. Waaaah. "No way."

Pumunta ako sa pinto at lumabas na.. Narinig ko pa ang pagtawa ng lecheng demonyong yun.

Pag labas ko. Napa O.O yung dalawang babae.

"I-ikaw na ba ang bagong babae ni Axel?" Sabi ni girl 1 na maluha-luha na.
"Obviously. Tingnan mo naman suot niya ang shirt ng boyfriend mo."

Tiningnan ko naman yung suot ko. Shoot! Suot ko nga pala ang t shirt ni Axel na malaki at undies lang ang pang ilalim ko.

"Waaaah. Huhuhu." Tumakbo na si ate habang umiiyak. Hay isang babae na naman ang nagsayang ng luha. Nung may dumaan na lalaki sa harap ko, nakangisi siya kaya bigla na lang akong pumasok sa loob.

"Hahahahahahahahha."

"Leche ka. Kaya pala tawa ka ng tawa kanina kasi ganito yung suot ko."

"Di mo tinanong eh."

"Whatever.!"

"Whatever ka rin. Magbihis ka na at mamaya ay pupunta tayo sa practice namin ng sayaw."

"A-ayoko."

"Ayaw mong magbihis? E di tara, pumunta ka dun na ganyan ang suot mo. Hahahaha."

"Bwisit."

Padabog akong pumunta sa kwarto niya at humiga doon.

Brrrtt. Brrttt.

Nagvibrate ang phone ko.

1 message from mudra.
Anak. Gising knb? Sbi ni Liezel jan ka daw natulog sa kanila.

Waaaah. oo nga pala. Nakalimutan kong may mader nation pala akong nag-aalala sa bahay.

Reply: Ah opo. Didiretso na lang ako sa school. Manghihiram na lang ako ng damit kay Liezel.

Brrrtt. Brrttt.

Mudra: ok nak. Wag papagabi ah.

Tinago ko na ang phone ko. Waaah. Ang sama kong anak. Nagsinungaling ako.

"HOY BABAE. MAY DAMIT JAN NA PAMBABAE SA CLOSET. YUN NA LANG SUOTIN MO."

"Tiningnan ko naman yung closet at oo nga. May damit na pambabae."

Kinuha ko na lang yung mukhang komportable.

"Hoy ikaw. Bakit may damit ka na pambabae sa loob?"

"Ah. Sa kapatid ko yan. Dito kasi siya tumatambay pag nag-aaway sila ng asawa niya."

"Aaaaah. Weh?"

"Oo nga."

"Ilang taon na ang ate mo.?"

"22."

"Wow. Ang bata nag-asawa."

"Wag ka na ngang madaldal. Tara na."
Hinawakan niya ang kamay ko at si ako naman e malandi ay tiningnan lang ito at walang balak tanggalin.

"Ok. Tara na."

********************

13 Steps to HellWhere stories live. Discover now