Entry #26: Curiousity

107 10 1

Rhea's P O V

           Oh? Taray. May pa-flip flip pa ng hairlalu.ibinalik ko ang tingin kay Ysabel. Kasalukuyan siyang kumakain ng fries kasama ng dalawa niyang kaibigan. Nagtatawanan sila habang panay naman ang tingin ng mga kalalakihang dumadaan sa harapan nila.

    “Oh? Head turner pa si Ateng! Anong panlaban mo?” napairap ako kay Allie na halata namang nang aasar. Masyadong mataas ang pwesto ni Ysabel para maabot ko. Anong panama ko sa isang Ysabel Del Primo?

      “Allie, tigilan mo na nga ang pagkukumpara kay Rhea at Ysabel. Magkaiba sila.”

      “'Yan talaga ang kaibigan Issa. Ida-down mo siya hanggang sa maparanoid siya hanggang sa ma-depress at mauwi sa suicide.” nabatukan ko agad si Allie. Gumanti agad siya. Ilang beses pa kaming nagbatukan bago tumigil.

    “Ayoko na! Kingina!” reklamo ni Allie habang inaayos ang nagulong buhok. Natigil ako dahil sa pagtigil niya rin sa pag aayos.

   “Bakit?” tanong ko.

   “Si Joshua ba 'yon? Yung Ejay. Si kuyang 'HALA BAHA' 'di ba siya yan?”
           
     Sabay kaming tumingin ni Issa sa pwesto nila Ysabel.

   Nadatnan naming hinahawi ni Joshua or Ejay yung buhok ni Ysabel na nalilipad sa lakas ng hangin. Parang may pinag uusapan sila. Nakangiti lang ang dalawang kaibigan ni Ysabel habang pinapalo-palo ng dalaga ang braso ni Joshua. Tawa sila mg tawa.
   
    Parang may something.

“Girlfriend niya?”

Iniisip ko palang, nabanggit na agad ni Issa.
   

    “Rheababes! May pag-asa ka pa kay Benedicto! May boyfriend na yung bruha!”

     “Ano ba kayo. 'Wag muna mag conclude. Malay mo naman--”

    “Obvious na teh! Naghahawakan sa bewang oh? Tas walang relasyon? Tag landi ba ngayon?” tumingin ulit ako. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag angkla ng braso ni Ysabel sa bewang ni Joshua.

     Napangiti tuloy ako. Tila may halo halong bagay ang pumapasok sa isip ko.

           “Oh? Nginingiti mo d'yan? May itim na balak ka noh?”

    “Wala ah.”

     “Sus! Utot mo bilog!”

     “May pag asa ka na sa bestfriend mo, Rhea. Makakalabas ka na sa bestfriend zone.”

       “Wala nga. Ayoko na umasa. Alam mo namang madaling sabihing may PAG ASA. Pero madali ring tanggalin ang letter G. Para sa mga paasa.”

------------

    “Baka naman friends lang?”

    “Friends? Nag hahawakan sa bewang.” napaisip siya. Halata sa mukha na may parte sa isip niyang naniniwala siya sa sinasabi ko.

     Hindi ko natiis. Nakipag kita agad ako sa kanya matapos ang klase. Gusto kong ibalita agad ang good news na na-witness ng mismong mga mata ko.

        “Wala na talaga akong pag asa kay Ysabel.”

    Hinawakan ko ang braso niya para damayan siya sa pagkabigo.
    “'di paninira ang sinasabi ko Benedicto. Pawang katotohanan lahat ng nakita ko.” tamango siya bilang pagsang ayon. Ginaya ko ang malungkot niyang mukha. Bumuntong hininga siya at inulit ko rin. Kunwari ay lubos din akong nabibigo... pero ang totoo, ang saya ko. WAHAHA.

      “San tayo sa sembreak?”
   Napatingin ako sa kanya dahil sa pag iiba niya ng usapan.

    “Si Dalton kasi may inaalok na package sa Acuatico. Isasama nga kita eh! 20 persons kasi. Masaya yun-”

    “Sinong Dalton?” kunot noong tanong niya.

    “Tch. Mahalaga pa ba yon. Basta sumama ka. Ayusin mo na sched mo kasi 3 days--”

       “Sino muna yung Dalton? Rhea, seryoso ko ah. Sino yun?” napalunok ako dahil hindi yata siya natutuwa sa pagyayaya ko. Mas sineryoso niya ang pangalan ng topless na kapitbahay ni Issa kesa sa sinabi kong outing.

    “Kaibigan ni Issa 'yon.” mahina kong sagot.

      “Ahh. Akala ko kung sino.”

     Bulong niya din.

   Naging awkward tuloy ang paligid. Biglang tumahimik.

   “Sige. Sasama ako.”

    Dahil doon, napangiti niya ako.

---------

   Allie's P O V

     “Si Rhea, Ako, si Issa, si Dalton--” biglang nagring ang cellphone ko. Hindi ko iyon pinansin dahil busy ako sa pag bibilang ng mga sasama sa outing. 'Di pa kasi kumpleto. Konti palang kami.

   Umulit tuloy ako ng bilang.

    “Si Rhea, si Benedict, si Issa--”
     Muli nanamang tumunog ang phone ko. Inis na inis ko iyong sinagot.

   “Sino ba 'to?”

  “woah? Easy. Naistorbo ba kita?”

  Sino 'to? Tumingin ako sa number. Unregistered.

“Sino ka ba?”

Mataray kong tanong.

  Si William 'to. Can you open the gate for me? Marami kasi akong bitbit.” halos mapatalon ako sa pagbaba ng kama. Sumilip ako sa bintana. Isang gwapong lalaki ang nakatingala sa akin. Nakangiti. Kitang pilit niyang iwinawagayway ang kamay niya pero nahihirapan siya sa dami ng dala.

   Agad nanlaki ang mata ko.

“Tngina...”


“Huh?”

“W-wala.”
 

THE DIARY (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!