Entry #18

79 7 1
                                    

_____

May 23, 2012

Alas-otso pa lang kaninang umaga ay prepared na ako sa pagpunta sa bahay nina Noah. Tinext ko kasi si Neji kagabi pero hindi sya nagreply kaya sabi ko, ako na lang ang pupunta sa kanya. Tinry kong tawagan muna si bestfriend kaso ay wala namang sumasagot. Inakala ko na lang na natutulog pa sya. Pagdating ko sa bahay nila ay si Tito Noah ang naabutan ko. Tama nga ako. Tulog pa si bestfriend. Hinanap ko sa kanya si Neji, pero sabi ni Tito ay nung isang araw pa raw umalis. Dun na raw nito tatapusin ang bakasyon sa bahay ng pinsan nyang si Yulli.

At dahil nga sa kelangan ko talagang makausap si Neji ay ginising ko si Noah para magpasama papunta sa kabilang lalawigan kung saan nakatira sina Yulli. Nahirapan pa nga akong gisingin yung bruha eh. Pero nung kinwento ko sa kanya yung tungkol sa pagtawag ni Neema ay napilitan na syang bumangon.

Sinabihan ko si Noah na itext muna si Yulli para sabihin na pupunta kami sa bahay nila, ang kaso sabi nya 'wag na raw para surprise. Hay naku! Yung bestfriend ko talaga na 'yun, ang daming nalalaman. Ayan tuloy, pagdating namin dun, nalaman namin mula sa tita ni Noah na pabalik na pala si Neji sa Maynila at nasa airport na sya ngayon.

Ang alam ko, May 28 pa ang balik ni Neji dun. Bakit 'ata parang napaaga?

Dali-dali kaming sumakay ni Noah ng taxi papuntang airport. Pagdating namin dun, nanlumo ako nung nakasalubong namin si Yulli at sinabi nyang nakaalis na yung eroplanong sinasakyan ni Neji. 'Di ko nga napigilang mapaluha eh.

Sabi ni Yulli, nag-text daw kasi yung kapatid ni Neema at sinabing nag-tangka daw maglaslas ng pulso si Neema kagabi. Buti na nga lang naagapan at nakita sya ng Mommy nya bago pa nya maituloy yung binabalak. Naalala ko tuloy yung pinag-usapan namin  ni Neema kagabi.

Ganun ba talaga nya kamahal si Neji para magpakamatay sya nang dahil lang dito? Pero sa tingin ko, hindi naman na love yun eh. Obsession na yun.

Pa'no na kami ni Neji? Hanggang dito na lang ba talaga yung love story namin? Wala na bang second chance for us?

Bago kami maghiwa-hiwalay ay may binigay sa'king sulat si Yulli. Pinabibigay daw iyon ni Neji. Ngayon ko pa lang sya babasahin.

_____

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Summer DiaryWhere stories live. Discover now