Entry #14

71 5 1
                                    

_____

May 6, 2012

Pang-pitong araw na bukas. Sa totoo lang, hindi ko alam kung pa'no ko nakayanan. Miss na miss ko na sya. Simula nung gabing yun, walang umaga, tanghali, hapon, o gabi na hindi nya ako tinext. Aba'y kahit nga madaling araw eh. =_=

Lagi nyang pinapaalala sa'kin na mahal daw nya ako at hinding-hindi na raw yun magbabago. Paulit-ulit nya ring sinasabi sa mga text nya na miss na miss nya na daw ako at hindi na daw sya makapag-antay na mag-May 7, para okay na ulit kami.

Mukhang totoo naman na hindi na nya talaga mahal si Neema. Kasi kung oo pa, siguro naman hindi nya ako magagawang itext halos oras-oras considering na andun sa bahay nina Noah si Neema, diba? Pa'no ko nalaman? Ano pang silbi ng bestfriend ko, di'ba?

Sabi nga ni Noah, parang naaawa daw sya kay Neema. Para daw kasi itong engot na sunod ng sunod kay Neji, eh obvious naman na wala ng gusto sa kanya yung tao.

Anyway, bukas makikipag-ayos na ako sa kanya. Aantayin ko lang yung unang text nya tomorrow, then rereplyan ko na sya. (:

_____

One Summer DiaryWhere stories live. Discover now