Entry #15

107 6 1
                                    

_____

May 7, 2012

I don't know what to feel right now. Ewan. Parang pinaghalong disappointment at sakit.

Alas dose pa lang ng hatinggabi nakaantabay na ako sa text nya. I didn't know na nag-aantay lang pala ako sa wala dahil buong araw syang hindi nagparamdam sa'kin. I thought busy lang sya or something (though wala naman akong maisip na pwede nyang pagka-busyhan), pero tapos na kaming kumain ng dinner lahat-lahat, wala pa rin syang paramdam. Gusto ko sanang i-text si Noah at itanong sa kanya yung pinsan nya pero pinigilan ko yung sarili ko. Why? I don't know. Siguro pride.

Kanina after dinner naisipan kong mag-online sa Facebook gamit ang cellphone ko. Sabi ko kasi baka mamaya, nag-PM sa'kin o nag-iwan ng message sa wall ko. Pagka-log in ko, nagulat ako sa pinaka-unang tumambad sa mata ko na nakalagay sa News Feed.

Neji Albert Quirino changed his status from being In a Relationship to being Single.

Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkabigla ng biglang lumitaw sa taas na bahagi ng screen yung sign na New Stories. I clicked it and there. Awtomatikong nagsipaglaglagan yung mga luha ko.

Neji Albert Quirino is In a Relationship with Neema De Castro.

Ang sakit! Yun bang parang pinukpok ng tatlong tao ang puso ko ng martilyo ng sabay-sabay. I didn't know na posible pala ang ganitong sakit. Akala ko sa mga pocketbook at romance novel lang posible yun. Pati pala sa totoong buhay.

I thought magiging okay na kami ngayon. I thought totoong mahal nya ako. I thought nakalimutan na nya talaga si Neema. Tengene yan! Puro lang pala ako si maling akala. Siguro kung totoo ang kasabihang 'Nakamamatay ang maling akala', matagal na akong patay. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ma-inlove, sana noon pa lang pinigilan ko na. Aish!

_____

One Summer DiaryМесто, где живут истории. Откройте их для себя