Entry #9

149 5 2
                                    

_____

April 13, 2012

Andito na ako sa bahay ngayon. Halos mag-aala singko na rin nung nakauwi kami. Bago matulog, naisipan ko munang mag-facebook. Nag-text kasi si Noah at sinabi nyang inupload nya na raw yung mga pictures. Tinag nya na rin daw kaming tatlo nina Neji at Yulli. Eh ako etong si excited sa pictures kaya tinignan ko muna.

Pag-check ko, wow! Wala pa nga sigurong 1 hour nung na-upload ni Noah yung pictures, andami ng likes at comments. Pagtingin ko, halos lahat lang naman pala, friends ni Neji. To be specific, 57 likes, 43 comments. Napaisip naman tuloy ako, sikat kaya si Neji sa kanila?

Anyway, dahil nacurious ako sa laman ng mga comments, binasa ko sya isa-isa. Yung ibang comments pare-parehas lang. Sabi nila, bagay daw kami ni Neji. Ako ng mahaba ang hair. Hahaha... Pero may ilang comments naman na nagtataka ako kung bakit ganun. Eto yung nakalagay sa comment nung iba:

> Wow! Pinaliit na Neema version lang ah?

> Neema look-a-like... Maganda sya in fairness. ^^

> Nice one dude. Parang long hair version lang ni Neema yan ah?

Neema? Sounds familiar... Parang narinig ko na sya before. Anyway, dahil sa hindi ko naman maintindihan yung comment nilang yun, nagpatuloy na lang ako sa pag-scroll ng comments. Habang nag-iiscroll ako, bigla namang may dumating na notification.

Neji Albert Quirino commented on Noa Lynne's album.

I clicked the notification.

Neji Albert Quirino: (:

Sus, akala ko naman kung ano. Yung smiley lang pala nyang pabaliktad. Lol.^^

Nagpatuloy na lang ako sa pagbasa ng mga comments. Nung marating ko yung pinakadulo, nagulat ako sa nabasa ko.

Neema De Castro: Nej, why are you not answering my phone calls? Please talk to me. Let's fix this.

Neema. Kaya pala familiar yung name nya. Sya yung babaeng nag-post sa wall ni Neji noon at tinatanong kung kelan sya uuwi. Ewan ko, pero bigla na lang ako nakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit.

Sino ba yung Neema na yun? Is she his girlfriend in Manila? Pero bakit sinabi nyang gusto nya ako? Diba nga, nung nag-spin-the-bottle kami, sinabi nyang gusto nya ako? Ano yun, trip-trip lang nya? Pero sabagay, iba nga naman pala ang gusto sa mahal. At saka, wala naman syang sinasabi na gusto nya akong ligawan eh. Ang pinanghahawakan ko lang naman is yung sinabi nyang gusto nya 'ko. Siguro nga, ako lang talaga 'tong nag-aassume na pwedeng maging kami.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at binuksan ko yung profile nung Neema. Good thing hindi sya naka-private. I checked her wall and photos. Wala naman akong nakitang something sa wall nya, pero sa photos nya, dun bumulaga sa'kin ang daan-daan nilang pictures ni Neji. Merong yung parang sa studio ginawa, meron ring yung parang nagjajamming lang sila, tapos merong ding yung parang sa cellphone kinuha... Meron pa ngang yung magkahalikan silang dalawa sa lips eh.

Hindi ko na napigilan sa pagtulo yung mga luha ko. What worst is, nasasaktan ako pero alam kong wala naman akong karapatan.

Nagulat na lang ako nang biglang lumitaw ang isang chatbox sa screen ko na may name ni Neji sa taas.

Neji Albert Quirino: Hey, still up?

Hindi ko na lang pinansin yun. I closed the chatbox and then logged out on facebook.

_____

One Summer DiaryWhere stories live. Discover now